Chapter 1: Brunette

2793 Words
C H A P T E R 1: B R U N E T T E "MR. HERNANDEZ? Still listening?" Agad na ibinaling ni Bradley ang tingin sa lalaking kaharap. It was his physical therapist. Hindi niya namalayang kanina pa pala siya nakatitig sa glass door ng balcony. It was closed but the curtain was drawn open. Kitang-kita mula roon ang unti-unting paglubog ng araw. Tulad na lamang ng nadarama niya sa kasulukuyan; nais niyang lumubog na lamang at ilibing ang sarili sa lupa. Wala mang maapuhap na dahilan sa sarili para ipagpatuloy ang walang kwentang physical therapy session, muli niyang sinubukang hawakan ang ballpen at pinilit na magsulat. Itiniim niya ang bibig, marahas na bumuntong-hininga. Ginawa naman niya ang makakayang galawin ang panulat. Pero katulad noong mga nakaraang linggo, wala pa ring puwersa sa kanyang mga daliri. Naiiritang ibinagsak niya ang ballpen sa overbed table, napasuklay sa buhok. Habang sinusuri ang mukha ng therapist, sumandal siya sa head board ng kinauupuang hospital bed. Ang totoo, gusto na niyang lumabas ng ospital na iyon, pero buwan na ang lumipas mula nang magising siya, hindi pa rin siya pinapayagang makauwi. "How will you able to grip that pen if you kept on putting the pressure on your arm? It should be at—" "The tip of my fingers... Yeah. Tip of my fingers." Kalmadong pinutol ni Bradley ang sinabi nito, tumatango-tangong ibinababa ang tingin sa desk. Bagaman sa loob-loob, gusto na niyang suntukin ito. Buryong-buryo na siya. Pero nagpapasalamaat pa rin naman siya; nagkaroon na ng improvement ang paglalakad niya; nagagawa na niyang umisang hakbang nang hindi na humahawak sa railings. "I think we should take a break. I'll meet you the next day." Tumayo therapist nang hindi man lamang siya pinupukulan ng tingin. "If you want to get out of this hospital, help yourself out, Mr. Cayne," dugtong pa nito saka lumabas na ng silid. Piniga-piga ni Bradley ang mga kamay, muling hinawakan ang panulat. Inilapat niya ang dulo niyon sa papel at ikinilos ang kamay. Lalo siyang nainis. Imbes na 'B' ang naisulat, nagmistulang lupaypay na letra ang kinahinatnan. Mariing itiniim niya ang bibig, umuusok ang ilong na ibinato ang ballpen sa direksyon ng pabukas na pinto. "Hey! What's your problem, man!" Napabalikwas siya mula sa kinauupuan; si Paige ang iniluwa ng pintuan. Napahawak pa ito sa noo kung saan tumama ang panulat na ibinato niya. Bagaman ay lalong hindi na maipinta ang mukha ni Bradley, hinawi palayo ang overbed table. "You came here late." Mula kasi nang magising siya ay hindi man lang ito makabisita. "You know the sched, B. Especially now." Kumuha si Paige ng upuang ipinuwesto nito patalikod, saka umupo at ipinatong ang mga braso sa sandalan. "The boys have their own lives." Tulad niya, dismayado rin ang tono nito. Nanatiling tahimik si Bradley; kunot-noong tinitigan ito. "Some of 'em got married, except for Steph, and the two music techs." "I really did miss everything." Napatulala na lamang siya. Eiden never mentioned anything about his crew. Hindi rin naman siya nagtatanong. Hindi niya kasi kinakausap ang kuya niya. Sa katunayan, wala ni isa sa mga kapatid niya ang nais niyang kausapin. Sa kung anong kadahilanan na hindi niya malaman, banas na banas siya sa pagmumukha ng mga kapatid niya. "Yo! Keep your pecker up. You should be thankful. You're alive kickin' again." Lalong lumukot ang mukha niya. Kahit isang buwan na ang lumipas mula nang magising siya, hindi talaga niya matanggap na ganoon ang nangyari sa kanya. Isama pa na wala siyang maalala kung bakit siya na-coma. Lahat naman ng mga kapatid niya ay tikom ang bibig. Maging ang mga doktor, at pati na rin ang isa pang nurse na pinagnanasaan niya sa tuwing inaalalayan siyang maligo at magbihis. Ang sabi sa kanya ni Belinda—ang matandang attending psychologist niya—siyang nag-assest sa kanya kamakailan lang: kaya wala raw siyang maalala, na-trauma daw siya noong gabi bago siya na-coma; Post Traumatic Stress disorder, ang sabi, dahilan kung bakit siya nagkaroon ng Dissociative Amnesia. Nagtanong siya kay Belinda kung anong nangyari noon. Ang sagot nito: tinurukan siya ng mataas na dosage ng illegal na mga gamot. Ganoon kaikli ang sagot pero si Bradley ay kinimkim ang pagkapikong nadama. Lalo't noong sabihan siya nitong mag-undergo muna sa physical therapy para manumbalik agad ang lakas niya. Kung magpupumilit daw siya na malaman ang nangyari noon, baka raw magsunud-sunod na bumalik ang lahat ng alaala niya. Baka raw lalong lumala ang kasalukuyang emotional state niya. Ano nga ba naman ang magagawa ni Bradley? Wala. Pero natural, dahil sa inis ay ipina-flush lamang niya sa inidoro ang lahat ng gamot na inireseta sa kanya ni Belinda. Gamot nga ang dahilan kung bakit siya na-coma, 'tapos ay pupurgahin pa niya na magmuli ang sarili sa gamot? "So, how's the physical therapy?" Pumakla ang mukha niya. "It's worse than I thought." Bumuntong-hininga siya. Kabaligtaran man ang kanyang sinabi, worse pa rin iyon para kanya. Ang tagal nang panahon na hindi siya nakapapanigarilyo. He wanted to smoke. Noon siya nagtanong kay Paige. "You brought some ciggies?" Ang tagal siyang tiningnan nito, tila tinitimbang ang hitsura niya. Bagaman sa huli ay napailing itong tumayo, inilabas ang kaha ng sigarilyo mula sa bulsa. Noon umaliwalas ang mukha niya, madaling ibinaba ang mga paa mula sa kama saka sinubukang ihakbang ang isang paa. Akmang aalalayan sana siya ni Paige. Inawat niya ito. Alang-alang sa isang stick ng sigarilyo, kailangan niyang mapuntahan ang balcony. He had to do it or else, he'll die—starving. Dahan-dahan siyang humakbang, bahagyang ipinatong ang isang kamay sa kama, iniipon ang dedikasyon sa sarili. Nanginginig at nanlalambot ang kalamnan ng kanyang mga binti tuwing inilalapat niya ang paa sa sahig. Sa huli, napatagumpayan niyang makalakad. Malapit lamang ang balcony at tinitiyak niyang makararating siya roon. He did. Tila nanalo siya sa marathon nang maitungkod niya ang kamay sa glass door. Nagkangitian sila ni Paige. Tinapik pa nito ang kanyang braso. Si Bradley na ang nagbukas ng pinto. At sa unang pagkakataon—matapos ang dalawang taon at isang buwan—nalanghap niya ang gabi ng Desyembre. Karaniwan kasi, sa umaga lamang siya naroroon sa balcony, naka-upo sa wheelchair. Wala ring nagbabantay sa kanya tuwing sasapit ang gabi, maliban sa maganda at sexy'ng nurse na walang ginawa kun'di ang makipag-make out sa kanya. Itinungkod niya ang mga braso sa railing, binusog ang paningin sa mga ilaw na nagmumula sa mga gusali at sasakyan. An air of melancholy surrounded his chest. Matagal niyang tinitigan ang tanawin. Gaano man iyon kaganda, ganoon naman kalamig—sinlamig ng kanyang nadarama sa kasalukuyan. Pakiramdam niya, nasayang ang dalawang taon ng kanyang buhay. Ang daming nagbago. Marami ring nawala. Isa na roon si Adrianna at ang pinakamamahal niyang aso na si Geronimo. Pinasadahan niya ng dila ang gilagid saka nilingon si Paige. Sakto namang iniabot nito ang sigarilyo sa kanya. Agad na sinindihan iyon ng kaibigan. Hindi naman nagsayang ng millisecond si Bradley. Madali niyang hinithit nang matagal ang kauna-unahang usok na pumasok sa katawan makaraan ang ilang taon. Tila napuno ng kung anong kasiyahan ang mga ugat niya nang maibuga ang usok. Pero sa kasamaang palad, hindi nasama ang kung anong bigat sa dibdib niya. "You should eat plenty, B. You're too thin." Binasag ni Paige ang katahimikan. Hindi niya ito nilingon. Bagkus ay humithit na lamang siya nang paulit-ulit. Kahit sino naman yata ay mamamayat kung natulog at kumain ka ng sandamakmak na dextrose sa loob ng dalawang taon. "Could you please tell me what exactly happened?" pakiusap niya, hindi pa rin ito nililigunan. Hindi pa man namamalayan, mumunting likido ang kusang naipon sa mga mata niya. Malakas na bumuntong-hininga si Paige. "Your siblings instructed me to keep silent until you get better, B. I know it's hard for you, but we're doing this for your own good." Bakas sa tono nito ang lungkot. Alam ni Bradley, maging ito ay naapektuhan sa nangyari. Ang sabi, naging kritikal ang kalagayan nito nang matamaan ito ng bala ng baril na dapat sana ay sa kanya tatama. "How could I get better if y'all keep on hiding me the truth? I’ve been having a hard time since I woke up and it feels like---it feels like y'all playing stupid with me." Hindi pa rin niya ito pinupukulan ng tingin. "We ain't playing stupid, man. Just like what I just said, this is fo—" "For my own good, yeah," pabulong niyang pinutol ito. Suminghot siya nang ilang ulit bago muling humihithit sa sigarilyo, ginagawa ang makakaya na habaan pa ang pisi ng pasensiya. "Does the people know what happened to me?" "No. Our recording label won't let that happen. They paid the media and all those f*****g paparazzi." Hindi siya umimik. "But, seriously." Si Paige muli. "You can't remember anything? Even just a little memory before you fell into a coma?" Pinasadahan niya ng dila ang ilalim ng pisngi. Hindi niya nililingon ang kaibigan. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa tanawin. "The only thing that I can remember is the day I was born - of course - up until the day we performed at our concert in PH." Muli siyang humithit sa sigarilyo. "But there was some piece of memories missing between those events. I don't know how I became famous, but I know that I'm famous." Mariing ipinikit niya ang mga mata, sinusubukang halukayin ang mga bagay na naaalala niya. "I remember all my memories of Adrianna. I remember all of you, but it seems like some of those memories have been cropped." "So, that means?" bakas ang kalituhan sa boses ni Paige. Huminga siya nang malalim, pero tulad kanina hindi pa rin niya ito hinaharap. "Like, for example, just for an example: I know that I'm smoking right now, and I know that this ciggie was from you but I don't remember how I fuckin' got this." Bahagyang iminuwestra niya ang sigarilyo. "Did I ask you to give me this s**t? Or you just simply give this thing to me? Who was the one who lit this: was it you? Or me?" Nakita niya mula sa gilid ng mga mata ang pagtango-tango ni Paige. "I remember the last day of our last concert," aniya, "It was in the Philippines, September 27, 2017." Bumuntong-hininga ay napatingala siya sa kalangitan. "After that, I couldn't recall anything. But... I have this dream—" Hindi na niya natapos ang sasabihin. Napahilamos siya sa mukha. Sumagi sa gising na ulirat niya ang mukha ng isang babae mula sa mga panaginip niya gabi-gabi. "A dream?" Hinarap siya ni Paige. Sa pagkakataong iyon ay nilingon na niya ito. "There was a woman in my dream and damn! She was so beautiful. She—she's a brunette, and had freckles underneath her eyes and her cheeks." Sinuri niya ang ekspresyon ng kaibigan. Umiwas ito ng tingin, ibinaling ang atensyon sa tanawin. Sinindihan nito ang kanina pang hawak na sigarilyo. "Is that all?" Ibinaling na niya ang ulo sa harap. Ramdam niya, kilala nito ang babaeng tinutukoy niya. "I was making love with her. And it was so vivid. I have this strong feeling that it wasn't just a dream, it was... real." And it made him sexually frustrated. He was craving for s*x samantalang hindi naman siya ganoon dati. "Forget the girl, Bradley," walang ka-emo-emosyon ay sabi ni Paige. Nagsalubong ang kilay niya. "So, you know her." His tone was not a question, it was a statement. "Yeah, I know her." "What's her name?" agad niyang tanong. Nagsunod-sunod ang paghithit niya sa sigarilyo. "If I tell you, will you promise me you're not gonna find her?" Halos magsuntukan ang dalawang kilay niya. Dahil wala siyang ideya kung bakit ganoon ang sinabi nito, ilang segundo niya itong tinitigan "What's the deal, bro? Am I supposed to find her?" Natigilan si Paige. Tila na-corner ito ng isang abogado at wala nang paraan para mabawi pa ang sinabi. But Paige stayed silent. "You can't hide everything from me, Paige." Kumamot ito sa baba sabay itinungkod ang dalawang braso sa railings. Sinulyapan siya nito nang isang beses bago muling tumingin sa tanawin. "You've met her when you were in high school." "I did?" Bahagyang tumango si Paige. "You remember your mom's diamond ring?" Hindi siya nakasagot. Kusang napakapit siya nang mahigpit sa railings. Sa isip ay biglang pumasok ang iba't ibang imahe: isang batang babae at ang babae na laging laman ng kanyang panaginip; walang tunog na para bang litratong mapapalitan ng panibago. Nang magsunod-sunod iyon, mahinang daing ang kumawala mula sa bibig niya; hindi kinaya ang biglang pagkirot ng kanyang sentido. Pinilit niyang pigain ang mga matang nakasara gamit ang kamay. Parang nagsilobo pati ang bawat parte ng kanyang ulo. Ilang segundo lamang iyon, paro tila ay napakatagal hanggang sa unti-unti na lamang naglaho. That was first intrusive memory he had. Normal lamang daw iyon sabi ni Belinda. But now Bradley learned it was too painful it got him scared. "You okay, B?" "Y-Yeah." Kung gaano kabilis na sumakit ang ulo niya, ganoon din kabilis nawala ang sakit. "So, have you remembered?" Sasagot pa lamang sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Iniluwa niyon ang kapatid niyang si Wena at ang isa pang babaeng pumukaw agad ng kanyang atensiyon. Napahilig si Bradley patalikod sa railings, pinapasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang talapakan. Maikli ang itim na buhok nito. Mahabang bestidang itim ang suot. Maputi at makinis—hawig ng babaeng laman ng mga panaginip niya. "Ugh! You're smoking again?" bungad ni Wena nang daluhan sila nito sa balcony—kasunod ang babaeng kasama nito. Hindi iyon sinagot ni Bradley. Nag-igting lang panga niya. Kakaibang amoy ang nalanghap niya mula sa babaeng nakatayo, tatlong metro ang layo sa kanya. "Anyways, I just stopped by to check you up," anang kapatid niyang muli. Tumango lamang siya. Sinundan iyon nang biglang pag-ring ng phone nito. "Ugh! What is it now?" naiiritang kinuha ni Wena ang cellphone mula sa bulsa saka hinila ang babaeng kasama, pinaupo sa sofa. Lumabas ang kapatid niya mula sa silid kapagkuwan. All the while, Bradley just looked at the woman. Kasalukuyang tumitipa-tipa ito sa phone. "I've to go, B. Just give me a call when you need anything." Tinanguan niya lamang ito, hindi na pinukulan ng pansin. Muli niyang itinuon ang mga mata sa babae, ngunit sa pagkakataong iyon, sa isip ay halos hubaran na niya ito. Wala sa huwisyo ay inihakbang niya ang mga paa, initsa ang sigarilyo sa kalapit trash can. At sa gulat niya, nakapaglakad siya nang hindi humahawak sa kung saan. Ngunit dahil nanghihina pa rin ang mga binti, maingat niyang tinunton ang daan papunta sa kama—kung saan, mas makikita at malalanghap niya ang babae. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad, nasa harapan na niya ito nang bigla siyang mawalan ng balanse. "Whoops! That was close," wika ng babaeng hawak-hawak na ang isang braso niya. Nakalapat na rin ang isang kamay nito sa tiyan niya. Napangiti siya; inalalayan pa siya nito paupo sa kama. Lalo niyang naamoy ang pabango nito. It was funny though. His c**k was now hard. Bago pa man makatalikod ang babae, marahas niyang hinila ito sa braso palapit sa kanya. "Wena forgot to introduce you." "U-uhm . . ." Halos panuyuan ito ng labi. "M-Marga." "Your lips are too dry. I could make 'em wet if you want." Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. Isang impit ang ginawa ng babae at halos mawalan ng inhibisyon si Bradley. Gayunman, hindi man lang siya nito pinukulan ng tingin. Ikinaasar niya iyon. Hinigit niya ito sa baba, marahan, lingunan lang siya. But it was a wrong move. Nagkiskis ang ngipin niya nang masilayan sa malapitan ang mga mata nito. Sa isip ay pumasok na naman ang imahe ng babaeng laman ng kanyang panaginip. I need you inside me... Um-echo iyon sa pandinig niya, paulit-ulit. Noon niya nabitiwan ang babae. Napahawak siya sa sentido na siya namang paglapat ng palad ng babae sa panga niya. Sa puntong iyon, ito na mismo ang gumalaw. Hinagkan siya nito sa mga labi. Nalimutan na ni Bradley ang mga isipin. He didn't have to wonder why this woman was now kissing her; he didn't really care. Basta lang ay tumugon din siya sa halik na iyon, na kinalaunan ay naging malalim. The room was even filled with their loud breathing. Kumandong ito sa kanya. Soon his kiss became rough. Ang lahat ng nadama niya kanina, napalitan ng kung anong gigil. Gigil na hindi malaman kung saan nanggagaling. Oo. Nakikipag-make out siya sa mga nurse. Pero noon lang siya nakadama ng ganoon. He was horny and at the same time, angry. "Oh my God!" Kapwa napalingon silang dalawa. Wena just came into the room, covering her mouth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD