Chapter 4

1348 Words
Angel Hindi ko akalain na ang silid na tinulugan ko ay silid din pala ng lalaking iyon. Marapos niya akong paalisin ng kanyang opisina ay pinabalik niya ako sa silid at sinabihang ayusin ang mga gamit na dinala doon ng tauhan niya. Nagulat ako ng puro mga pambabaeng damit at kung ano anong mga cosmetics na hindi ko naman ginagamit ang laman ng paperbag na nasa sahig. Medyo may kapirasong saya ang agad na nagdaan sa aking puso, ngunit ng maalala ko ang pinagawa niya sa akin kanina ay mabilis din iyong nawala. Nagbukas ako ng closet matapos kong matagpuan iyon na nasa isang silid din sa bandang kanan ng kwarto. Gusto kong malula sa laki non dahil halos kasing laki na iyon ng aming sala samantalang lalagyan lang ng mga damit dito sa mansyon ng lalaking iyon. Lumapit ako sa isa sa mga pintuan ng closet na nandoon at nanlaki ang aking mga mata ng makita kong mga damit panlalaki ang naroon. At doon ko naalala ang sinabi ng lalaking pumasok sa opisina kanina, ‘ang iba ay nasa silid niyo na.’ ang ibig bang sabihin ay kaming dalawa ang gagamit ng silid na ito? Ibig bang sabihin non ay wala na akong kawala sa kanya sa bawat oras na magkasama kami rito lalo at kagaya ng sinabi niya ay magiging “parausan” niya ako. Isinara ko ang pintuan ng closet ng lalaking iyon at naghanap ako ng bakante. Hindi ko lang sigurado pero parang pinaghandaan ito dahil ilang hilera rin ang walang lamang mga damit kaya doon ko isinalansan ang lahat ng mga bagong biling damit na hindi ko maiwasang mapanganga ng makita ko ang mga pantulog na nandoon. Pawang maninipis at ang de-dairing. Hindi ako nagsusuot ng ganong klase ng pantulog. Sapat na sa akin ang pajama, ngunit dahil magiging parausan nga ako ay hindi nga malayong mangyaring ito ang ipasuot sa akin ng lalaking iyon. Nang makatapos ako ay lumabas ako ng malaking lagayan ng aparador na iyon at hinanap ang bathroom. Sigurado akong may CR dito at hindi nga ako nagkamali dahil sa bandang kanan ko din ay may isang salaming pintuan na ng aking buksan at aking pasukin ay napag alaman kong isa ring malaking bathroom. Nakakamangha dahil kasing laki iyon ng silid nila tita Anacleta. Samakatuwid, ang isang buong silid na kinaroroonan ko ay kasing laki na ng buong bahay namin sa San Juan. Isinalansan ko naman ang mga toiletries doon at ng makatapos ay bumalik ako sa silid at naupo sa kama. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid at tsaka ako napahinga ng malalim. Maganda iyon at malaki. Mamahalin ang mga gamit ay alam kong kahit sino ay hindi tatanggi kung sakaling tatanungin sila kung gusto ba nilang manirahan sa lugar na ito. Masarap sa pakiramdam na simula ngayon ay dito na ako matutulog, pero kaya ba ng sikmura ko na makasama ang mga mamamatay tao na iyon? Tapos ay dinamay pa nila ang nakababata kong kapatid. Dahil kay Angelo ay wala na akong hindi kayang gawin masiguro lang na hindi sasaktan ng lalaking iyon ang aking kapatid. Parausan. Ni sa hinagap ay hindi ko akalain masasadlak ako sa ganitong buhay? Simple lang ang pangarap ko at yan ay ang pareho kaming makatapos sa pag-aaral na magkapatid bago magkaroon ng isang simple at masayang pamilya. Sinabi ko na sa kanya na kung sakaling magkakaroon kami ng kanya kanyang pamilya ay sisiguraduhin namin na malapit lang kami sa isa’t isa. Pero dahil sa mga tiyahin at tiyuhin kong gahaman sa pera, sugal at bisyo ay heto ako ngayon sa kamay ng malupit na lalaking hindi ko kilala pero may palagay akong napakasamang tao. Isang araw pa lang akong naririto pero ang dami ng nangyari. Kaninang umaga ay nasa bahay pa ako nila Tita Ancleta. Umalis ang aking tiyuhin at ginawa ko naman ang aking gawaing bahay ng utusan ng aking tiyahin si Angelo na sundan ang kanyang batugang asawa. Mga alas nueve ng sabihin sa akin ng aking tiyahin ang tungkol nga sa pagbabayad nila sa akin sa pinagkakautangan nila at nagsimula ng aming gulpihan. Bago magtanghali ay dumating si Mauro at nagbiyahe na kami papunta sa kung saan mang lupalop at mga alas dos ng hapon ng mawalan na ako ng malay sa lahat. Gabi na ng magising ako at naghapunan kasama ang dalawang lalaking hindi ko kilala. At ngayon ay nasa silid na ng lalaking iyon bilang kanyang parausan. Napahinga ako ng malalim dahil doon, pero kung iyon ang kailangan kong gawin upang maprotektahan ang aking kapatid ay gagawin ko. Dumako ang aking paningin sa bag na dala dala ko, may damit pa nga pala ako doon. Kinuha ko iyon at inilabas lahat ng laman ngunit maliban sa cellphone ay sa basurahan ko na idineretso ang iba na sigurong sasabihin din sa akin ng lalaking iyon. Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at tinignan kung may tumawag or may nag text man lang ba sa akin at nakita ko ang pangalan ng aking kaibigan. Mabilis ko siyang tinawagan na kanya din namang sinagot agad. “Bruha ka, nasaan ka dinala ng mga lalaking yon?” bungad niya pagkasagot na pagkasagot niya ng aking tawag. Bakas sa kanyang tinig ang pag-aalala kaya naman hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti. “Hindi ko rin alam, bes pero maayos naman ako.” Ayaw ko rin naman na mag-isip siya ng sobra tungkol sa kalagayan ko. Si Nadia ay ang aking best friend simula pa nang kupkupin kami ng aking tiyahin. Magkapitbahay at naging sobrang close kami dahil na rin sa bait ng kanyang mga magulang. Kagaya namin ay mahirap lang rin sila pero sinisikap ng kanyang tatay na mapag-aral siya. Habang nasa 1st year college siya ngayon, ako naman ay hindi na nakatuntong ng paaralan ng manirahan na kami ni Angelo kila tita Anacleta dahil hindi daw nila kayang magpaaral. Sa dinami rami ng mga public schools ay hindi ko sila napapayag na makapag aral ako. Mabuti na lang at pagdating kay Angelo ay hindi na rin sila nakatanggi. Malaki na kasi ako at alam ko na ang mga karapatan namin bilang bata. “Mabuti naman kung ganon. Hay, sobrang nag-aalala sayo ang kapatid mo. Pumunta siya ditong umiiyak dahil wala ka raw sa bahay, Sinabihan ng tiyuhin mo na binenta ka raw nila kaya hayun, panay ang pag-iyak.” Teka, anong sinasabi niya? Ang akala ko ba ay hawak ng lalaking iyon ang kapatid ko? Bakit iba ang sinasabi ngayon ni Nadia? “Sigurado ka bang iyak ng iyak si Angelo? Anong sinabi mo sa kanya?” “Eh di ano pa, di para lang tumigil siya sa kakaiyak ay sinabihan kong hindi magagawa ng mga tito at tita mo ang sinasabi nila dahil wala ng magtatrabaho para sa kanila.” “Nasaan siya ngayon?” “Umuwi na, hihintayin ka na lang daw niya sa inyo.” Nanggigil ako sa galit dahil napaniwala ako ng lalaking iyon na hawak nga nila ang kapatid ko dahilan para pumayag ako sa gusto niya. “Bes, okay ka lang ba? Nandyan ka pa ba?” “Oo, tatawagan na lang kita ulit, may kailangan lang akong i-check. Salamat sa pang-aalo kay Angelo ha at pakisuyo na rin siya habang wala pa ako dyan.” “Sige, mag-iingat ka at tumawag ka sa akin ng madalas okay?” sagot niya na tinanguan ko naman kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita. “Sige, ba-bye.” At tinapos ko na ang call. Mabilis akong tumayo sa kama at lumakad palabas ng silid. Kailangan kong bumalik sa opisina ng lalaking iyon at kausapin siya. Napakawalanghiya niya para gamitin ang aking kapatid at takutin ako. Hindi na ako kumatok at basta ko na lang binuksan ang pintuan dahil sa galit ko, pero laking gulat ko ng maabutan ko ang lalaking iyon na may kasamang babae na nakatuwad sa harapan ng kanyang lamesa habang nasa likod siya nito at bumabayo. Sabay pa silang napatingin sa akin at hindi nakaligtas sa pandinig ko ang galit na sabi ng lalaki, “Damn!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD