Angel
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Parang inaantok ako na ewan na tumingin sa aking paligid. Naikunot ko ang aking noo nang ma-realize ko na hindi pamilyar ang lugar. Nasa isang magarang silid ako at higit sa lahat ay nasa kama ako. As in kama!
Tapos ay bigla kong naalala ang nangyari. “Nasaan na ang mga lalaki?” nanghihilakbo kong tanong ng malakas na wala namang sumagot dahil mag-isa lang ako sa silid. Totoo bang pangyayari iyon o nanaginip lang ako?
Naipilig ko ang aking ulo dahil sigurado akong totoo ang nakita ko. May pinatay at naalala kong palapit sa akin ang lalaking may magandang boses pero nakakatakot na pagkatao. Anong nangyari pagkatapos non?
Natampal ko ang aking noo ng maalala kong wala na akong matandaan ng tuluyang makalapit sa akin ang lalaki at tanungin ang katabi kong si Mauro kung sino ako. Hinimatay ako! Kinapa ko ang aking sarili para siguraduhing hindi ako isang kaluluwa lang. Kinurot ko ang aking sarili. “Aray!” Nakahinga ako ng maluwag ng mapatunayan kong buhay pa ako.
Naupo ako kasabay ang pagbukas ng pintuan kaya naman mabilis akong napatingin doon at pumasok ang isang babaeng sa palagay ko ay matanda sa akin ng mga sampung taon. “Mabuti naman at gising ka na, pinapatawag ka na ni Sir Tore.”
Wala man lang ekspresyon ang mukha ng babae kaya naisip kong baka kagaya rin siya ng lalaking bumaril sa nakaluhod na lalaki kanina. I mean, baka isa rin siyang mamamatay tao. Mga ganitong klase ba ng mga tao ang dapat kong kaharapin simula ngayon? Baka magbabad na lang ako sa labahan kapag nagkataon dahil mas gugustuhin kong kausapin ang mga maruruming damit kaysa sa kanila.
Tumayo na ako at mabilis na sumunod sa babae dahil baka bigla itong mainis at patayin ako. Mahirap na at baka trigger happy din sila eh ako pa ang mapag-trip-an.
Hindi ko maiwasang humanga sa laki ng bahay habang sinusundan ko ang babae. Napag-alaman kong nasa second floor kami ng makarating na kami sa hagdanan. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking bahay kaya hindi ko mapigilan ang humanga.
Para akong laki sa bundok na nakababa sa syudad kung titingnan ngunit wala na akong pakialam doon dahil nakakatuwang pagmasdan ang naggagandahang mga furniture at kagamitan pati na rin ang mga nakasabit na mga paintings na may palagay akong likha ng kilalang mangguguhit.
Sa kakatingin sa paligid ay hindi ko namalayan na nasa dining area na pala kami. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang lalaking nakatayo sa harapan ng lalaking nakaluhod kanina. Hindi ko na naman malaman ang gagawin ko dahil sa takot.
“Maupo ka na.” Tumingin ako sa babae na itinuturo ang upuang nasa kanan ng lalaking hindi nakatingin sa akin pero hindi ko magawang tignan ng diretso kaya pinanatili ko lang ang aking ulo sa pagkakayuko.
Naupo ako sa kanang side ng lalaki at naghintay ng susunod na kaganapan. Pero hindi ko maiwasan mapaisip kung bakit ako nakaupo ngayon ssa lamesang ito gayong ang pagkakaalam ko ay pangangatulong ang sadya ko rito. Wait, ano nga ulit ang pangalan niya? Sinabi na kanina ng babaeng tumawag sa akin eh. Ano ba naman, bakit ko nakalimutan?
Maya maya lang ay dumating ang lalaking kumuha sa akin sa bahay namin na si Mauro at naupo naman sa kaliwang side ng lalaking nasa dilentera.
Hindi ko alam kung bakit kasama nila ako ngayon dito at hindi rin naman sila nagsasalita, ni walang kumakausap sa akin.
Nagsimula na silang dalawa na kumuha ng pagkain at nakatingin lang ako sa kanila. Kukuha ba ako? Pero di ba at pinatawag ako dito para kumain? Pag tingin ko sa lalaking maganda ang boses kung magsalita ay nakatingin di ito sa akin habang nginunguya ang kanyang pagkain.
“Ayaw mong kumain?” Tumingin ako kay Mauro na nakatingin sa akin at naghihintay ng isasagot ko.
“G-gusto.”
“Ano pang hinihintay mo? Hindi kita paglalagay ng pagkain sa pinggan mo.”
“Kaya ko naman,” sagot ko tapos ay mabilis na akong kumuha ng pagkain habang manaka nakang tumitingin sa dalawang lalaki lalo na sa nasa kaliwa ko kahit na nakatungo ako. Hindi na ako kinausap ni Mauro at wala na ring nagsalita sa aming tatlo.
Ang laki ng lamesa pero tatatlo lang kaming sabay sabay na kumain at nagtataka talaga ako kung bakit kasabay nila ako habang ang iba ay hindi lalo na ang sumundo sa akin sa kwarto.
Wait? Bakit pala ako nasa silid na iyon? Hindi ko napagmasdan masyado pero alam kong malaki iyon. Imposible naman na ang isang katulong na katulad ko ay sa ganong silid matutulog di ba?
Tinapos ko na lang ang pagkain at kahit na gusto ko sanang gawin iyon ng mabilisan ay hindi ko nagawa dahil nag-alala ako kung ano naman ang gagawin ko kapag nauna ako sa kanila.
“Follow me,” sabi ng lalaking may magandang boses kaya tumingin ako sa kanya.
Nagkatinginan muna kami bago siya tumayo at lumakad. Naiwan naman akong nalilito. Ako ba ang sinasabi niyang sumunod? Si Mauro na nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin ay biglang nagsalita.
“Bagalan mo ang pagkilos kung alam mo ang opisina niya dahil hindi kita ihahatid don. Bawal pumunta ang kahit na sino ng hindi niya pinapayagan. At sinumang hindi sumunod sa gusto niya ay alam mo na…”
Hindi na niya kailangan sabihin sa akin dahil parang alam ko na kung ano ang magiging parusa ko kung sakali. Kaya bigla akong napatayo at sumunod na sa lalaki na hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Pagpasok ng lalaki ay dire diretso lang ito at iniwang nakabukas ang pintuan kaya pumasok na rin ako kaya lang ay naisip ko kung isasara ko ba ang pintuan o hahayaan ko lang na nakabukas. Kahit na pinakain niya ako ay hindi ko pa rin maiwasang matakot sa kanya.
“Close the door.” Napaigtad ako ng bigla niyang sabihin iyon. Namamasa ang aking mga kamay dahil sa nerbiyos at takot pero sinikap ko pa ring palakasin ang aking loob. Huminga ako ng malalim bago ko kinabig pasara ang pintuan. Hindi ko na ini-lock para kung sakali ay may pagkakataon akong makatakas kung sakaling papatayin niya na nga ako kahit na sigurado akong wala naman akong magagawa kung sakali.
“Come here.” Ayaw ko na sanang umalis sa kinatatayuan ko pero dahil sinabi niya ay wala na rin akong nagawa. Nanginginig ang mga paa kong humakbang palapit sa kanya na ngayon ay naupo na sa may kalakihang pang-isahang upuan. Ang mga kamay niya ay nakapatong sa magkabilang armrest habang naka sandal ito at naka de kwatro na akala mo ay siya ang hari ng mundo.
Nakayuko ako dahil hindi ko siya matignan ng diretso habang nilalaro ko ang aking mga daliri. Ang lakas ng pagkabog ng aking dibdib na parang lumigwak ng puso at manakbo palayo sa bahay na ito.
“Look at me.” Patay na, ano ba naman yan. Iyon nga ang iniiwasan ko kanina pa tapos gusto pa niyang tignan ko siya. Dahan dahan ay inangat ko ang aking ulo para nga gawin ang gusto niya. At ng mangyari ay nahigit ko ang aking paghinga. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng husto. Kanina kasi ay medyo malayo siya at sa mga nangyayaring gulpihan at p*****n ay sino pa ba ang magagawang pansinin ang kahit na anong magandang nakikita niya sa paligid?
Isa yata sa mga hari ng Olympus ang nasa harapan ko dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Walang buhay ang kanyang may pagka-singkit na mga mata pero para pa rin iyong nanghahalina. Ang kanyang kanyang matangos na ilong na tila nililok ng magaling na iskultor ay may bahagyang cut sa bandang kanan pero mas lalo pa iyong nagbigay sa kanya ng kaakit akit na dating kahit na nakatikom ang kanyang hugis pusong mga labi.
Bigla kong naipilig ang aking ulo ng ma-realize ko kung ano ang nasa isipan ko. ‘Angel, maghunos dili ka, isang kriminal ang kaharap mo at hindi malayong mangyaring gawin niya sayo ang ginawa niya sa lalaking nakita mo kanina,’ ang nasabi ko sa aking sarili.
Napansin kong kumibot ang kanyang bibig bago nagsalita, “Maghubad ka.” Biglang nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Ano daw? Tama ba ang narinig ko?