FLAME MORJIANA LAVISTRE Napa tingin ako kay kuya Thunder dahil sa tanong nito. Kasi kahit ako ay hindi ko alam saan kami mag honeymoon ni Blake. Binalingan ko si Blake. "Love, saan ba tayo mag ha-honeymoon?" naka ngiwi kong tanong. "Don't tell me wala kayong balak pa mag baby?" tanong ni kuya Storm. Natawa naman si Blake. "Sa beach na lang kami. Mas okay doon o yung may beach kasi refreshing." sagot nito habang tumatawa. Ako naman na wala parin naiintindihan sa kanila. Binigyan ko si Lola ng gulay sa kanyang plato at ako mismo ang sumubo ng pagkain sa kanya. "Maraming salamat apo." pasasalamat nito. Ngumiti naman ako hindi na umimik pa. "Ma'am Flame trabaho ko po yan. Ako na ho niyan." wika ng personal nurse ni Lola na si Ate Eva. "Ako na ho minsan ko na lang po ito magagawa eh." s