THIRD PERSON POV "Binalaan na kita noon kapag bumalik ako sisiguraduhin kong tatapusin kita sa pinaka brutal na paraan.." Malamig na wika ni Flame. Tila wala itong pakialam sa pulang likido sa kamay niya. Galing ang dugo na ito sa babae kanina "You declare a war! Tingin mo ba hindi ka kakantiin ng mga Yakuza?" naka ngising wika ni Jordan Nag ka tinginan si Thunder at Vlad. "Hindi ito maganda." mahinang bulong ni Vlad. Naging alerto ang lahat ng pati mga bodyguard at mga bouncer at tinutukan ng baril si Flame. "Sh*t! This is Close Fight!" ines na bulong ni Demitri. Ngunit tila hindi natatakot si Flame sa maaari niyang kahinat-nan kapag pinaputukan siya ng mga ito. "May laban ka ba?" ngising tanong ni Jordan. Ang matandang lalaki naman ay nag lakad patungo sa gitna. "Ikaw ang apo ni