CHAPTER 13

2225 Words
Sa kanyang pagbabalik tanaw naalala niya ang palagi nitong pagpapakita ng mga Supresa para sa kanya. Simula ng inamin nito na official na ang relasyon nila ay naging tahimik na ang mga fans nito na bumabatikos sa pagsasama nila subalit may iilan pa rin ang hindi natutuwa dahil sa kanyang katayuan sa buhay. Isang Ordinary Office Girl sa Isang sikat na sikat na Actor. Diba sino ba matutuwa sa ganoong Combinations. Para lang ito LANGIT sa LUPA MAYAMAN sa MAHIRAP PROFESSIONAL sa UNPROFESSIONAL – may ganon pa! in Carmela's mind subalit Sa kabuuan hindi sila nababagay. Kahit anong gawin hindi mangyayari. Sa mga libro lang usually nangyayari ang mga iyon o sa mga drama na napapanuod ni Carmela araw araw. Napakaimposible kasing mangyari sa totoong Buhay. Na isang Carmela Isabella Geronimo ay magustuhan ng isang Ismael Zion Montebar. “ Girl balita ko kayo na raw? ” bungad na tanong ng katrabaho ko matapos ko umabsent at pumasok kinabukasan. Hindi pa nga ako nakakarecovery sa pangbubuskas ng kaibigan na si MauMau heto isang tsismosa ang agad na sumalubong sa napakaagang araw na yon. Si MauMau na ayaw siya tigilan sa pangungulit na mapaamin siya na may nangyari sa kanila ni Ismael ng gabing makatulog ito sa kwarto niya. Inis na inis ako na walang nagawa kundi aminin dahil sa pag amoy amoy pa nito sa masangsang na amoy na naiwan sa kobre kama na pinaggamitan nila ng maraming beses na pagniniig ng pinakamamahal na Actor. Pati ang bahid bahid na dugo sa pagpapaubaya ng Virginity niya sa nasabing lalake na Mahal ay agad napansin nito. Huling huli siya sa akto kung bakit hindi niya naisipan ito palitan matapos umalis ni Ismael. Sabagay paglabas pa lang ng pinto nito ay siya naman dating ni MauMau. Wala na siya oras na mapalitan pa yon dahil pagpasok pa lang nito ay agad siya hinarap at nilagay sa HOT SEAT. Buhay bakit ba may mga taong ganito “ Kangino mo naman nalaman? ” “ Sa balita ” “ Ano ba sabi sa balita? ” “ Kayo na raw ” sagot ng kaofficemate niya “ Ayon naman! Di alam mo na sagot ” pabalang na sabi ni Carmela Pailing iling naman ang kanyang mga kaofficemate na palihim na nakikinig. “ Sige na umalis ka na. Bumalik ka na sa trabaho ” pantataboy sa babaeng kausap. Mga tsismosa talaga. “ Carmela ” Isa pang tsismosa si Mira “ Bakit? ” singhal na sabi niya “ Mas malaking pating pala ang nabingwit mo? ” pang aasar na sabi nito “ Eh ano! ” “ Wala ” sabi ni Mira “ Wala naman pala! Lumayas ka na o baka gusto mo ring sulutin gaya ng ginawa mo kay Mike ” “ Sobra ” singhal ni Mira “ Hindi ba ganon naman talaga ginawa mo? ” pang iinis niya rito “ Hanggang ngayon ba? Hindi ka makamove on? ” “ Saan sa pang aagaw mo? For your info matagal ko na kinalimutan saka may Mahal na akong iba mas worth it sa inagaw mo. ” sige pang aasar ni Carmela kay Mira Makaganti lang sa ginawa niyang panunulot ex boyfriend niya – in Carmela's mind “ Edi ikaw na. Kaya pala, mas malaking pating ang gusto mo kaya ganon mo nalang pinakawalan papunta sakin si Mike. Mas mayaman at sikat pala ang Target mo, sana noon sinabi mo ng hindi ko na inagaw sayo si Mike ” balik pang aasar ni Mira tila ay nagpintig ang kanyang magkabilang tenga “ So lumabas na ang totoo? Dahil sa pagka insecure kaya nagawa mong akitin si Mike. Kaya hindi na rin ako magtataka kung hanggang ngayon ay hindi ka magawang mahalin ni Mike. Dahil magpahanggang ngayon ay ako ang Mahal nito at hindi ikaw. ” ganti niya sa mapang asar na sinabi ni Mira. Subalit mas lalo nag apoy Ito “ Ikaw na letse ka ” sigaw sigaw ni Mira saka mabilis na nahablot ang kanyang nagkakapalang buhok “ Aray! Mira bitiwan mo ang buhok ko. Malilintikan ka talaga sakin ” singhal niya habang pilit kinakalas ang mga kamay nito sa pagkakasabunot sa kanyang buhok “ Ang kapal ng mukha mo Carmela kahit kelan kaya ka nagawang iwan ni Mike dahil sa ganyang ugali mo. ” “ Sino may sabi sayo ” sagot ni Carmela kahit sobrang nasasaktan na siya sa pagkakasabunot ni Mira sa kanyang buhok “ Iiwanan ka rin niya makikita mo ” galit na sigaw pa ni Mira. Hindi naman malaman ng mga kasama sa opisina kung paano aawatin ang dalawa. Dahil ni isa sa kanilang dalawa ni Mira ay ayaw magpapigil at makuhang magpatalo. “ Akala mo ba hindi kita papatulan malanding babae ka ” sigaw na rin ni Carmela sa inis dahil magpahanggang ngayon ay ayaw bitiwan ni Mira ang kanyang buhok. “ Bakit akala mo rin ba ay hindi kita papatulang malanding babae ka ” sigaw na gagad ni Mira “ Tumigil na nga kayo! Para kayong mga bata sa pinaggagagawa ninyo. Mahiya naman kayo Lalake lang pinag aawayan niyo pa ” sigaw ng isang kaopisina nila “ Manahimik ka ” sabay na sigaw ni Mira at Carmela “ Bahala na nga kayo! ” saka umalis ito. Pinagtitinginan na rin sila ng marami pang kaopisina pero ganun pa rin at hawak hawak nila parehas ang kani kanilang buhok. Hatak hatak ni Mira ang kanya at ganoon rin si Carmela Natatawang naiisip ni Carmela na nagawa niyang patulan noon si Mira ng dahil sa ex na si Mike. Natigil lang silang dalawa ng dumating itong si Mike at bulyawan si Mira. Imbis na si Mira ang lapitan nito upang ilayo sa kanya ay si Carmela ang nilapitan nito para ilayo kay Mira. “ Mira hanggang ngayon ba ay hindi mo tinitigilan si Carmela? Nakuha mo na ako diba? Napagtagumpayan mong paghiwalayin kaming dalawa hanggang ngayon ba ay hindi matigil ang pagkainsecure mo kay Carmela o may plano ka muli na sila naman ni Ismael ang paghihiwalayin mo at aagawin mo ng gaya ng ginawa mo samin. ” gulat si Carmela na hindi na napigilan ni Mike ang ilabas ang tunay na hinanakit sa babaeng karelasyon. “ Kung ganoon ay maghiwalay na tayo. Hindi na tama ang pinaggagawa mo rinig na rinig ko lahat ng pag uusap niyo ni Carmela ” habol na Sabi pa ni Mike na mas kinagulat niya dahil narinig pala nito lahat ng pag uusap nila. Lumabas lahat sa bibig ni Mira na nagawang akitin nito si Mike ng dahil sa insecurities niya. Ngayon ay tapos na lahat ng pinaggagawa niya. “ Noooo. It’s not true Mike. Si Carmela ang nag umpisa. I really love you gawa lang lahat ni Carmela yon. Pinalalabas niyang inakit lang kita. Mahal talaga kita Mike huwag kang maniwala sa kanya. ” umiiyak na sabi ni Mira. “ Tapos na Mira rinig na rinig ko lahat ” Mike “ Hindi. Huwag mo gawin sakin ito Mike ” Mira “ You may leave Mira at kung may natitira pang kakapalan ng mukha mo aalis ka sa Kumpanya ko. I don’t need you. Umalis ka na! LEAVE ” galit na sigaw ni Mike sa babaeng nanloko sa kanya. Umalis na luhaan nuon si Mira dahil sa nagawa nitong panloloko sa amin ni Mike. Nang dahil sa insecurities ay nagawang makapanakit ng iba. Wala na siyang balita pa kay Mira mula noon ng umalis ito sa Kumpanya ni Mike. Naging mabuting magkaibigan naman sila ni Mike as of now ay palagi itong nangangamusta sa kanya. Lumipad na kasi ito papuntang America para duon na magpatuloy ng buhay nito kasama ang mga magulang nito. Ang kapatid nito ang naiwan para pamahalaan ang trabaho na naiwan ni Mike. “ Love yung damit ko naready mo na ba? ” tawag ni Ismael sa kanya katatapos lang nitong maligo para tumungo sa Agency para sa isang Shoot ng TV commercial nito. “ Love hindi pa eh! ” biro na sagot sa nobyo dahil sa pagputol nito sa pagbabalik tanaw niya. “ Tapos na ko maligo hanggang ngayon ba ay hindi mo pa naplantsa? ” pagmamarukolyo ni Ismael Kahit kelan ay parang bata ito kahit nagsasama na silang dalawa. “ Love naman! Hindi ka mabiro heto isuot muna at late ka na sa shoot mo. ” malambing na sabi niya “ Gusto talaga maparusahan ano? ” umatras na siya “ Teka nga ” sabay hagis ng twalya na nakatapis sa beywang nito. Karipas naman ng takbo si Carmela tungo sa kama. Ngunit agad naman dumalba si Ismael ay Carmela saka pahiga silang bagsak roon sa pagkalaking kama nila. “ Mabilis lang Love. Promise ” nakakalokong ngiti ay binigay sa kanya ni Ismael “ Late ka na Love ” “ Mabilis nga lang Love! Isang mabilis lang ” Ismael “ Yung isang mabilis mo nakatatatlo pa ” pigil na singhal na biro na rin niya sa nobyong Actor. “ Love naman! Isa nga lang promise. Late na rin kasi ako ” nakangisi na sabi nito. Pagdaka ay pumatong na ito sa kanya at isang mabilis nga ang ginawa nito. Matapos mailabas ang init ng katawan ay nagpaalam na rin ito. “ Love aalis na ako. Don’t forgot the dinner date. Susunduin kita ” pahabol na sabi ni Ismael bago tuluyang lumabas ng pinto ng kwarto nila. Dinner Date na naman. Hindi na nagsawa na halos gabi gabi ay lumalabas sila para lang kumain sa labas. Pag uwi ay sandamakmak na pagkain rin ang maabutan nila na hinanda ni R'jay para sa kanila. Sa gitna ng Mesa ay may mga Rosas at pacandle lite na para rin silang nagde date sa loob ng bahay sabayan pa ng mapang akit na tugtog na sinasalang ni R'jay sa karaoke. Mula noon nalaman ni Carmela na hindi lang pala mabait na Staff ito sa Idol Restaurant kundi Assistant rin ito at malapit na kaibigan ni Ismael. Napakagaling rin sa kusina. Nakakabilib. Pero si Ismael magaling lang manungkit. Napakatuso masyado mabilis. Parang si LUPIN Tumungo na agad siya sa Banyo para maligo at mag ayos ng makaalis na rin siya. Hindi sa OPISINA ang punta ni Carmela kundi sa kanyang SHOP. Sa sarili niyang Shop. Marami na nga ang nangyari sa buhay niya simula ng makasama at makilala niya ang lalakeng pinakamamahal si Ismael. Mayroon na siyang sariling Negosyo naitayo sa tulong ng kanyang pinakamamahal na Nobyo. Mula sa maliit ay naging malaki ito dahil sa tulong rin ni Ismael. Nakilala at pinag usapan dahil sa impluwensya pa rin ng Nobyo, ilang mga kaibigan at kakilala nito. Isang DREAM COME TRUE Na maitayo ang CARMELA's ART SHOP. Minsan nga ay naiimbitahan pa siya na magguest sa ilang tv appearance dahil sa mga Art works na gawa niya. Dagdag points para sa Shop ni Carmela kaya napayag siya. Dahil sa kahiligan magpinta ito na ang kinagiliwan at pinagkaabalahan ni Carmela ngayon mula ng magresign siya sa trabaho. Naging matunog ang pangalan ni Carmela sa larangan ng Arts work’s. Maraming tao ang nagkakagusto sa lahat ng kanyang pinipinta. Dahil sa mga naglalakihang mga kilalang Kliyente na nakilala niya dahil sa kanyang nobyo at ilang mga kilala nito. Mas nakilala pa si Carmela dahil sa impluwensya at recommendation ng mga ito. Marami na siyang naibenta na finish products. Masasabi niyang isang malaking tagumpay ang narating niya sa piniling karera. Masayang masaya si Carmela sa araw araw na kasama si Ismael mahal na Mahal niya ito at alam niya na ganoon rin ito. “ Love magreresign na ako ” sabi pa niya kay Ismael noon ng mapagdesisyunan magresign. “ Ayos ” ang tanging sagot nito. Ayos na wala sa ayos na sagot ng binatang Mahal niya. Kahit kelan talaga wala sa ayos ito. “ Magpapahinga muna ako Love. Bahala ka muna sakin pwede ba? ” “ Ou naman Love! Diba nuon pa sinabi ko sayo na magresign ka na ” “ Kaya nga napaisip ako! Magreresign na ako ” Carmela “ Good ” nakangisi na sabi ni Ismael “ Anong nginingisi ngisi mo? ” “ At last masosolo na kita Love ” “ Hindi ako magreresign para maging parausan mo ” biro na sabi niya “ Grabe ka naman sakin Love ” paawa face pa nito “ Gusto ko magpahinga at magbawas ng stress kaya ako magreresign ” “ Kaya nga! Tanggal tiyak stress mo pag araw araw ako makikita mo ” masayang usal nito “ Ahh ganon! Sino may sabi sayo? ” “ Love Naman ” “ Love lo-vin- mo- muk-ha-mo ” biro na sabi niya sabay ngiti na mapagloko “ Ahh!!! gusto mo ata maparusahan ano? ” “ Love meron ako ” paalala niya “ Sino may sabi sayo! Nung isang lingo pa kaya ikaw tapos. Kaya pwede na! ” mas nakakalokong ngiti ang sinagot nito. “ hmmm! Makakarami ka ng parusa sakin ngayon Love ” “ IS-MA-EL ” sita ni Carmela sa binatang Nobyo “ CAR-ME-LA Humanda ka na ” Hindi nagpasindak na sabi nito. Agad nagtalukbong ng kumot si Carmela. Nasa kwarto niya sila ng mga oras na yon. Gumala ang binatang Actor matapos ang shooting nito sa maghapon. “ Love I need to recharge ” Sabi ni Ismael subalit hindi sumasagot si Carmela. Tumatawa ito habang nasa ilalim ng kumot at mag aantay sa mismong pagsugod ng binatang Nobyo. Ganito sila maglambingan ni Ismael sa ilang buwang pagsasama at magkarelasyon. Mas madalas ito sa bahay nila kesa umuwi sa bahay nito. Simula ng may mangyari sa kanila ay ganito na ng naging rotation ng kanilang pagsasama. Palagian itong maglambing na obsessed na obsessed sa kanya na paulit ulit na angkinin. Kung hindi mapagbigyan ay parang bata kung magmarukulyo. Nagpapapadyak pa ito at hindi magpapatulog hanggang hindi nakukuha ang gusto. Wala naman siya nagagawa kundi ang pagbigyan ito dahil kung hindi siya ang mas lalo mahihirapan sa p*******t ng puson nito. Dahil hindi lang naman siya patutugin magpapaikot ikot ito sa kama hanggang makatulog kung hindi ay bubulabugin siya ng mga panunundot nito sa kanyang braso o kung saan tumama iyon. “ Love isa pa pwede? ” ang madalas na hirit nito matapos makaisa. “ Tama na! nakaisa ka na, pagod na ako ” Kahit talikuran niya ito ay nakagagawa ito ng paraan para maparaos ang init ng katawan. Buhay nga naman na pinili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD