Tapos na siya maligo. Naigayak na rin ang sarili para pumasok sa kanyang Shop.
Nanlaki ang Mata ng maabutan si R'jay na nag aantay sa baba. “ Inutusan ka na naman? ”
Natatawa ito “ Para hindi na raw po kayo magcommute ” sagot nito
“ Para hindi magcommute o para mabantayan ako ” araw araw nalang ay pinahahatid at sundo si Carmela dito kay R'jay sa tuwing busy si Ismael sa kanyang trabaho at wala ng time para maihatid at sundo ako. Lalo na kung may Business Trip or Taping inside or outside the Country lalo kung hindi rin ito makakauwi laging si R'jay ang nagsisilbing bodyguard at mata ni Ismael para kay Carmela.
Sanay na rin si Carmela na palaging si R'jay ang kanyang kasa kasama sa paghatid at pagsundo sa kanyang Shop.
“ Bagay nga talaga kayo Ate Carmela ” R'jay
“ Sino? ”
“ Tinatanong pa ba? ” biro nito.
“ Tigilan mo ako! Baka mapag untog ko kayo ”
“ Takot ko lang Ate ”
“ Buti alam mo ” gagad na biro ko “ halika na nga ng makaalis na tayo ”
“ Sige Ate! Start ko lang yung sasakyan ” patiunang sabi ni R'jay sumunod naman siya at sumakay sa Front Seat na katabi nito.
“ Ou nga pala ate may schedule ka mamaya. ” baling na sabi ni R'jay. Nagtataka naman siya dahil wala naman siya schedule ngayong araw.
Chineck pa niya ang Schedule niya na sinusulat niya sa Sched Book niya. Para hindi nakakalimutan o nakakaligtaan. Si kalimot kasi siya.
“ Diba wala naman ako schedule ngayong araw? Dinoble check ko pa kangina. ”
“ Ngayon lang tumawag Ate! Nagpaschedule ng appointment sayo by after lunch raw. ” sagot ni R'jay
Kaya pala walang matandaan. Ngayon lang nagpaschedule ng appointment pero biglaan naman. “ Bakit biglaan ata? ”
“ Hindi ko rin po alam Ate ” sagot muli nito.
“ Sige papuntahin mo nalang sa office ko pagdumating. May mga tatapusin lang ako sa work room ko lalabas ako bago maglunch. Sabay na tayo kumain. Aalis ka ba? ”
“ Dadaan lang po sa Idol Restaurant after paghatid ko sayo. ” gagad na sabi ni R'jay
“ Sige pagbalik mo puntahan mo nalang ako. Sabay na tayo kumain. ”
“ Sige Ate magdadala nalang ako ng makakain nating dalawa. ”
“ Okay sige ” sabi ko.
May ilan pa siyang dapat tapusin kaya kailangan niya magfocus at nalalapit na naman ang Art Exhibit ni Carmela. Excited na siya sa bubuksang Exhibit na yon. Gaganapin sa susunod na buwan.
Madalas sa Exhibit na binubuksan niya ay palagiang Sold Out lahat ng Obra na ginawa niya. Labis siya nagpapasalamat dahil laging matagumpay iyon tuwing sumasapit ang takdang araw na yon. Malayo pa lang ay marami na ang tumatawag upang tingnan ang mga ilalabas niya kung magustuhan reserved agad bago pa sumapit ang araw ng Art Exhibit niya.
Ilan sa kinikita niya roon ay Dinodonate niya sa mga Charity na lihim na sinusuportahan ng Nobyo na si Ismael. Lihim rin siyang tumutulong sa mga kabataan na nagnanais matuto at makapag aral. Gaya ng Nobyo ay lihim lahat iyon dahil ayaw niya na mapag usapan at mapagkaguluhan ng dahil sa lihim na pagtulong.
Naalala pa niya tuloy ng bago niya pasukin ang Career sa pagpipinta. Nagstart iyon ng bago mamaalam si MauMau sa pagiging dalaga at makasal sa boyfriend nitong si Jonathan.
“ MauMau paano na kaya ako pag wala ka na? ” tanong na may pag aalala sa kaibigang matalik
“ Di bahala na sayo si Idol ”
“ Bakit napasok naman ang Mokong na yon ” tanong niya
“ Bakit sino pa ba ang gusto mo? May iba pa ba? ”
“ Wala ” sagot niya kay MauMau
“ Yon naman pala! Pero bakit hindi na rin kayo magpakasal? ” gulat siya sa issue na binuksan ng kaibigan. Alam na rin kasi ni Carmela na palaging binabanggit banggit ni Ismael ang salitang magsama na sila. Pero hindi niya pa alam sa sarili kung tamang sumama na siya sa boyfriend niya at magsama na sila. “ Anong kinatatakot mo ba? Mukha namang seryoso sayo si Idol. Ayaw mo pa ba iyon secured ka na ” pabiro na sabi nito
“ Hindi sa ganoon. Hindi ko lang alam kung tama ba magsama kaming dalawa. Napakabilis iilang buwan pa lang Bessy. Baka sa huli mauwi rin kami sa hiwalayan gaya ng iba. ”
“ Agad agad! Tama bang isipin mo agad yung hindi pa nangyayari? Paano kung hindi naman. ”
“ Ewan! Natatakot talaga ako. ” Carmela said
“ Alisin mo na ang takot sa puso mo. Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa at pinakikita sayo ng boyfriend mo? Kung tutuusin maswerte ka. Ako nga kahit gaano kabusy ni Jonathan bilang na bilang na ako ay puntahan. Yon lang dahil sa tinagal tagal ganoon pa man pagsasama namin dalawa sa simbahan rin pala ang punta. Kaya sobrang saya ko Bessy ” Maligayang turan nito “ bakit hindi mo subukan? Walang mawawala Bessy ” panggagatong nito.
Napaisip naman si Carmela muli. May tama ito gaya nalang naman ng una nitong magsabi na hindi na ako bata para hindi ko maranasan ang nararanasan ng iba. Ganun nalang kabilis niya binitawan ang puri na kanyang kinaiingatan.
Wala sa oras ay naibigay niya sa taong mabilis pa sa alas kwatro ang kanyang Virginity. But no regrets. Dahil masakit sa una ay masarap rin pala sa huli na sa taong Mahal mo naibigay. Walang kasing ligaya ang naramdaman ng mga panahon na yon. Walang wala yung sakit at kirot dahil pinalitan ito ng masarap at nakaliligayang pakiramdam na hanggang ngayon ay hindi nakakalimot na paulit ulit sakin iparamdam.
Dahil alam ko na ako at ako lang ang kanyang Mahal.
“ Pag isipan mo Bessy ” giit muli ni MauMau
“ Sige salamat ”
Matapos nila mag usap ay naghanda na siya sa pagkikita nila ni Ismael. Lalabas raw kasi sila subalit maingat na ginagawa nila iyon ng walang nakakakita.
Mahirap na kasi at baka may makahulu iskandalo muli ang bagsak nilang dalawa.
Mabuti na nag iingat ang palagi niya sinasabi kay Ismael.
Mag alas sais na at naulinigan ang tunog ng humintong sasakyan. Si Ismael ang sabi nito sa isip
“ Good evening Love ” bati nito matapos makapasok
“ Good evening! Maupo ka ”
“ Ready ka na ba? ” tanong nito
“ Para saan? ” takang tanong ni Carmela
“ Sa dates natin ”
“ Ah yon ba? Ou naman kangina pa ” desmeyado na sabi niya
“ Ayaw mo ba? ”
“ Hindi naman! ” sagot niya
“ Parang wala ka sa sarili? May sakit ka ba Love? ” Ismael
“ Ah wala! Pagod lang, medyo marami akong ginawa kangina eh ” malamya niyang sagot
“ Bakit Love? Diba sabi ko sayo magpahinga ka lang! Kaya nga sinabi ko sayo dito ka nalang sa bahay ng magsabi ka magreresign ka na. ” alalang sabi ni Ismael
“ Wala Love! May iniisip lang ako. Sige na tara na umalis na tayo ” aya nalang niya sa Nobyo. Iniisip niya kasi kung paano na siya pagmawala si MauMau at maiwan siya mag isa.
“ Okay ” saka sila tuluyan ng umalis.
Nanood muna sila ng Sine saka namasyal at kumain ng dinner sa isang 5 star hotel na nireserved nito for her & him.
Matapos kumain ay nag aya ito sa hindi niya malaman kung saan patungo ang kanilang nilalakaran lugar. Makipot iyon at madilim halos wala talaga siya makitang kahit ano maliban sa liwanag ng iilang Stars sa langit.
“ Love saan ba tayo pupunta? ” tanong niya ng parang may maapakan siya na kung ano sa paa.
Bato! Malalaking bato
“ Saglit malapit na tayo ”
Saglit na nga ay huminto na kaming dalawa sa walang tigil na kalalakad na yon.
Biglang bumukas ang napakaraming ilaw, parang isang MAGIC kasabay ng pagbukas noon ay napakaraming fireworks ang lumabas at sunod sunod na pumutok.
Napakaganda,
Nakamamangha
Iba’t ibang kulay
Napakaganda.
“ Nagustuhan mo ba? Love ” Tumango si Carmela
“ Ou, napakaganda Love. Salamat ”
“ Buti nagustuhan mo ”
“ Ou naman napakaganda! Kahit kelan hindi ka naubusan ng Supresa para sakin. ” masayang sabi ni Carmela sa sobrang kamanghaan.
“ Ou naman Love, basta para sayo lahat ay gagawin ko. Lahat ng makakaya ko gagawin ko, mapasaya Lang kita sa mga panahon na kasama kita. I love you love. More than in may life ” dinampian naman siya ng halik sa noo.
“ Sobrang saya ko Love ng makilala kita, walang abot na saya, walang katumbas na saya ang palagian mong ibinibigay at ipinararamdam. Sana dalangin ko ay walang katapusan ang mga bawat sandali na kasa kasama kita. ”
“ Hinding hindi ko papayagan mangyari iyon. Habang buhay na ito Love hanggang nabubuhay tayo sa Mundo o hanggang sa kabilang buhay kung papayagan ako. Gagawin ko, papasayahin Kita sa abot ng aking makakaya. ” matatamis na salita na paulit ulit rumirehistro sa puso at isip ni Carmela
Mahirap sa una dahil maraming struggles na bumabagabag sa kanya. Subalit habang tumatagal ang kanilang pagsasama napapatunayan niya na talaga Mahal na Mahal siya ni Ismael. Sa bawat oras, maging minuto pa iyon hindi ito nakalimot na sabihing Mahal na Mahal siya nito.
Sa mga dumaang buwan, mga araw na lumipas hindi ito nawala sa tabi niya lalo ng sumapit na ang araw ng kasal ni MauMau at huling araw na sila ay magkasama sa iisang bahay.
Malungkot na masaya siya para sa kanyang kaibigan, mas matimbang naman ang pag aalala na siya ay maiiwan nang mag isa. Malungkot dahil mag iisa na siya sa kanyang buhay, walang makakausap o mag aalaga sa kanya at magpapaalala sa mga kabalukturang ginagawa niya.
Hindi naman kasi niya pwede sabihing huwag na nito pakasalan ang boyfriend na si Jonathan. Hindi naman niya pwede iyon hadlangan ang kaligayahan ng kaibigan. Pero paano na siya?
“ Love, nag aalala ka ba? ” tanong na sabi ni Ismael. Tumango siya na tila naluluha pa sa pag alis ng kaibigang matalik na itinuring na niyang Pamilya at kapatid.
“ Malungkot pala ” sagot na sabi niya
“ Love ”
“ Okay lang ako! Huwag ka mag alala ” tugon niya
“ Love ”
“ Bakit? ” Carmela
“ Gusto mo bang sa bahay nalang? Magsama na tayong dalawa ” automatically Ismael said
“ Pero napakabilis pa, para tayo magsama. Hindi pa nga tayo tumatagal ng ganoon katagal. hindi pa natin kilala ng buo ang mga sarili natin, tapos gusto mo magsama na tayo? ”
“ Love, sa pagmamahal walang sukatan. Hindi nakabase sa kung gaano tayo katagal. Mas lalong ng dahil sa hindi natin buo na kilala ang mga sarili natin, kundi ang importante nagmamahalan tayong dalawa. Mahal Kita, iyon ang pikaimportante at kung Mahal mo talaga ako. Isa pa kaya nga tayo magsasama hindi dahil sa gusto kita makita at araw araw na kasama. Dahil kaya ko naman gawin iyon kahit hindi man tayo magsama, kundi dahil mas lalo kita gusto makilala at makasama pa. Para sa ganoon sa oras na maging buo na sa sarili mo na ako talaga ang lalakeng para sayo. Magpakasal na tayo Carmela. Naisip ko ito hindi para sa sarili ko kundi para sayo. ”
“ Love ” nabiglang sabi niya
“ Carmela huwag ka na mag alala pa! Ako na bahala sayo, ako na mag aalaga sayo simula ngayon. Lahat ng bagay na ginagawa sayo bilang kaibigan ni MauMau ako na ang gagawa noon. Pwede mo akong ituring na kahit ano na gusto mo, kaibigan, kapatid o maging Nobyo na gaya ngayon. Carmela bawasan mo na alalahanin at pag aalinlangan mo, naririto ako dadamayan ka sa kahit anong paraan na makakaya ko. ”
Madalas talaga ay nadadaan siya ni Ismael sa matatamis na salita nito. Kung bakit mas lalo pa siya napapamahal sa lalakeng pinakamamahal niya ngayon. Dahil sa tunay na pinakikita nito. Mahal na Mahal niya si Ismael hindi na niya makakaya pa na mawalay ito sa buhay niya. Kahit mawaglit lang ito baka ikabaliw na niya.
“ Mahal na Mahal kita Ismael ” umiiyak na puso na sabi niya. Lumuluha ito hindi dahil sa sakit at pagkabigo kundi dahil sa sobrang pagmamahal na natatanggap nito.
“ Mahal na Mahal rin kita Carmela ”
Napakasarap balik balikan ng mga sandaling iyon. Hindi na napansin ni Carmela na umabot na pala ng tanghalian ay hindi pa niya natatapos ang kanyang ginagawa. Isang larawan iyon ng dalawang tao na nag iibigan, ang kanyang iginuguhit. Mapapansin duon ang labis na pagmamahalan ng dalawang puso na nag iibigan. Sa litrato ay malalaman mo agad sa isang tingin ang mensahe na ibig ipahiwatig ng kanyang mga larawang ginuguhit.
“ Napakaganda Ate Carmela ” boses lalake, si R'jay
“ Nakabalik ka na pala ”
“ Opo Ate! Ang ganda talaga ng mga gawa mo, Ate. ” puri nito
“ Bolero ” biro niya
“ Walang bola Ate! Totoo nakita mo naman palagiang ubos mga gawa mo hindi pa man tuluyang nagbubukas ang Exhibit mo ay sold out agad. ” Tama naman ito
“ Ikaw bakit hindi mo subukan ”
“ Naku Ate hindi ako mahal ng pagpipinta ” totoo iyon
“ Isipin mo lang kasi kung ano ini express ng puso mo. Hayaan mo mag usap yung dalawa. PUSO at ISIP para makuha mo yung gusto nila maipahiwatig sayo at iyon na mismo ang susundin at ipipinta ng mga kamay mo. Try mo minsan ”
“ Baka masayang lang tinta at papel ” sabay napakamot pa sa ulo.
“ Kahit kelan ka talaga ” biro pa niya