Imperial Series III by Aya_hoshino --Tamaki's POV-- Napabalikwas ako sa aking higaan matapos kong managinip na si Zeki daw ang leader ng OCTOPUS! Isang bagay lang ang malinaw sa panaginip na yun at yun ay ang tattoo ng octopus na halos lumukop na sa kaliwang pisngi ni Ezekiel. "Isa siyang octopus... isang mamamatay tao...." Napahawak ako ng mahigpit sa bedsheet ng kama. Kailangan kong bigyan ng babala ang aking mga pinsan! Una kong pinuntahan ay si Akira dahil nasa iisang kwarto lang sila ni Zeki. Baka kung ano ang gawin nito sa kaniya. Pagdating ko ay sarado yung pinto kaya kumatok ako. "Akira... Akiraaa... buksan mo ang pinto..." Ngunit walang sumasagot sa akin kaya napilitan akong sirain na lang ang pinto. Pinagsisipa ko ang doorknob hanggang sa mawasak ko