------Akira's POV------ "Kuya Acer? Anong dapat kong gawin?" Tanong ko sa hangin. Tiwala akong maririnig ako ni maam Mia sa labas at mahahatid nito ang mensahe ko sa kanila ni kuya Cyrus. Biglang lumitaw si Norice sa harapan ko at hinatid ang sagot ni kuya Acer. "Ikaw na ang bahala Akira. Ikaw ang barko ni Noah na magliligtas sa amin ayon kay ate Kai kaya simula ngayon gawin mo na ang anumang gusto mong gawin. Oras na upang magtiwala ka sa sarili mong desisyon. Ikaw na ngayon ang leader ng 3rd Generation at hindi ako. Pero andito pa rin ako bilang iyong tagapayo." "Kuya Ace. Salamat sa tiwala, hindi kita bibiguin!" Sagot ko naman. "Teka, may nangyari." Saad ni Norice at bakas sa mukha nito ang pagkabahala. "Bakit Norice? Anong nangyari?" "Si maam Mia may nasasagap sa pali