Chapter 28 -- The Reunion part 1

3806 Words

Imperial Series III by Aya_hoshino   ------Nickel's POV------ "Meg!" Salubong ko sa aking mommy Megan. "Ano? Pakiulit? at paki-linawan na din." Pinamewangan ako nito. "Megan" Sumunod naman ako sa utos niya. Pinukpok ako nito sa ulo. "Wala ka pa ring galang bata ka! Ganyan mo ba batiin ang iyong mama?" "Ma di na ako bata at di naman nalalayo ang edad natin eh. Ayaw mo nun, di ka agad tatanda?" Umupo ako sa sofa matapos kong asarin si mama kaya nakita niya ang girlfriend ko na kanina pa nagtatago sa aking likuran. "Sino naman ang batang ito?" Taas-kilay na tanong sa akin ni mama. Napakamot ako sa noo ko. Nakalimutan ko nga palang ipakilala siya kay mama. "Ma 18 years old na po iyan kaya di na siya bata. Siya po si Jenica, nobya ko." "Nobya?! Kelan pa kita pinayagang magkanobya ha?!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD