Imperial Series III by Aya_hoshino -----Earth's POV----- Nagkukumahog ako na pumasok sa trabaho ko kinahapunan. Halos tatlong oras na kasi akong late. Alas nuebe dapat ang time-in ko ngunit anong oras na ngayon? Alas dose na. Marami nang tao sa restaurant. Agad akong nagreport sa manager ng restaurant ng makita ako ng mismong may-ari. "Manager Tan sino yan?" Tanong nung may-ari. "Bago po nating waiter sir. Pumasa po yan as service crew dito." Pagbibigay alam naman ni manager Tan. Dahan-dahang naglakad palapit sa akin ang nakatungkod na matanda at sinigawan ako sa harap ng maraming tao. "Hoy! Unang araw mo pa lang late ka na?!" "Sorry po boss may nangyari lang kasi!" "At anong nangyari ha? Traffic? Tonto! Ano ba ang mga sasakyan na nasa EDSA karo ba at inabot ka ng tatlong oras pa