Nagising siya na masakit ang ulo. She can't believe that she got drunk because of a man. Sa nararanasan niya ngayon ay nararamdaman niya na ang dinadanas ni Camille pag heartbroken ito sa lalaki.
Uminom siya hanggang madaling araw at naglakad lakad sa tabing dagat para mag unwind at makapag-isip isip pero parang mas lumala ang sakit na nararamdaman niya sa puso nang makita niya itong may karga karga na ibang babae.
Hindi niya alam kung sino iyon pero dahil masiyadong malapit ang dalawa sa isa't isa ay nagseselos siya.
Pagmamahal na ba itong nararamdaman niya? Maiksing panahon niya pa lang nakikilala ang binata pero parang nadudurog na ang puso niya.
Napabuga siya ng hangin at tumitig lang sa may kisame ng hotel room niya. Dumating na ang boyfriend ni Benedict kaya naman ay hindi niya ito mayaya. Ayaw niya naman kasing maging third wheel ng dalawa dahil siguradong malaking abala siya.
There's a television inside the hotel room and that's the only gadget she have there. Kung hawak niya lang ang cellphone niya siguradong katawagan niya na ang kaibigan at naglalabas na siya ng saloobin niya.
Napatingin siya sa orasan at nakita niyang alas-dos na ng hapon. Umaga na siya nakatulog kaya naman ay hapon na siya nagising. Wala siyang gana kumain pero kailangan niya atang humigop ng sabaw dahil masakit ang ulo niya.
Kahit ayaw niya pa bumangon ay pinilit niya ang sarili. Naligo siya gamit ang malamig na tubig para mahimasmasan ang buong pagkatao niya.
Nagsuot lang siya ng isang simpleng sun dress at pagkatapos no'n ay nagsuot na rin siya ng shades dahil medyo namumugto ang mata niya. Bumaba siya sa restaurant na naroroon lang din sa hotel.
Tapos na ang lunch time kaya wala na siyang naabutan sa buffer. Nag order na lang siya ng ramen dahil gusto niya ng sabaw.
"Maria!" She automatically smiled when she saw Benedict with her boyfriend.
"You must be Maria... Salamat sa pagsama sa boo ko habang wala pa ako rito," ani ng boyfriend nito sa kaniya. Mukhang na kwento siya nito kaya naman tumango siya rito at ngumiti.
"Late na kami nakapag-breakfast kaya late lunch na rin kami. Ikaw rin? or meryenda na 'yan?" tanong sa kaniya ni Benedict. "Oh, it is okay to sit with you?"
"Oo naman, wala naman akong ibang kasama dito," ani niya. Mabuti nga na may kasama siya sa table para hindi naman siya mukhang kawawa. Mukha na nga siyang malungkot tapos wala pa siyang kasama. "Uhm... Brunch?" she tried to laugh.
"Hmm... Somethings wrong with you. Dahil ba umalis na kanina si John?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi nito.
"U-umalis?" she asked.
"You didn't know? Nakita ko siya airport ng isla at may kasamang babae. They have luggage so I assume he already went home or go somewhere."
Nakagat niya ang ibabang labi at hindi nakapagsalita. Nagpaalam ang boyfriend ni Benedict para um-order at mag banyo saglit.
"Hey... Are you okay dear?" he genuinely asked. Inabot nito ang kamay niya at hinawakan iyon. Pinigilan niyang hindi maiyak dahil ayaw niyang umiyak sa harapan ng ibang tao.
Mas lalo siyang nag overthink kung sino iyong babae.
Camille gave the VIP pass in this island to her to unwind and have fun but look at her now, she's devastated and broke.
"I'm okay-"
"You don't need to say that you are okay. It's fine for me if you just don't answer it. Just don't lie to yourself that you are okay even you're not. I'm experienced about that. Ilang beses nadurog ang puso ko bago ko nakilala ang magmamahal sa akin ng ganito."
"Is it really possible to be in love like this, kahit na sa kaunting panahon ko pa lang siya nakikilala? Hindi pa nga talaga nakikilala. We never dated, we just live for a month in a same roof."
"So, I am right. Magkakilala nga talaga kayo... Dear, hindi mo masasabi kung paano ka na-in love. Pag tinamaan ka ni kupido kahit isang araw pa lang kayo magkakilala ay tinamaan ka talaga. You never know how love moves." Tumayo si Benedict at binigyan siya ng yakap.
"My dear Maria is in love. You know what, you are like a sister to me. Kahit saglit lang tayo nagkakilala ay parang nasasaktan na rin ako sa experience mo ngayon dahil nakaka-relate ako diyan noong mas bata pa ako. Alam mo kung ano ang mapapayo ko sa'yo? If you met him again, confront him. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin at kung ano ang nilalaman ng puso mo para sa huli ay wala kang regret. I swear, even if you think that is embarrasing to your side? That will really help for you."
Because Benedict comforted her, the tears in her eyes fell again. Napansin niyang hindi muna lumapit ang boyfriend ni Benedict sa lamesa dahil mukhang nahalata siyang umiiyak.
She's thankful too, that she met Benedict here. She found a new friend and it feels so good to have a friend like him.
Buong maghapon ay kasama niya ang dalawa. Parang naging third wheel ang boyfriend ni Benedict dahil ramdam niya na gusto siyang aliwin ng kaibigan. She's really thankful for the both of them.
Nagpaalam na siya nang matapos silang mag dinner kasi kahit okay lang naman sa boyfriend ni Benedict na sinasamahan siya ay nahihiya pa rin siya dahil dapat nagde-date ang dalawa.
Nalaman niya kasi na hindi pala alam ng pamilya ni Benedict na kung ano ang pagkatao niya. They always went to Isla Eros to get the freedom they want. Napahanga nga siya sa dalawa dahil kita niya kung gaano nito kamahal ang isa't isa.
Hindi siya tumuloy sa hotel. Nag check in siya sa cabin at gusto niya nga doon tumambay sa may tabing dagat. Hearing the waves of the sea makes her calm a little bit.
Napansin niyang isa lang ang occupied sa mga cabin doon pero mukhang walang tao dahil kanina pa siya naroroon pero hindi niya nakita ang nag check in sa katabing cabin.
Sa sobrang laki ba naman ng cabin at sa daming type of accommodations and facilities ay normal na lang ang ganito.
Nanghiram siya ng camp chair at nilagay iyon sa tapat ng cabin niya. Nakaupo lang siya roon habang pinapakinggan ang huni ng ibon at tunog ng alon. Walang ibang tao doon kaya naman payapa ang diwa niya.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa ganoong pwesto. Nagising na lang siya nang maramdaman na may papalapit sa kaniya. Naimulat niya kaagad ang mata at ang bumungad sa kaniya ay ang mukha ng binata.
Mukhang nagtataka ito kung bakit siya naroroon. Maski siya ay nagtataka kung bakit ito bumalik. Pasimple niyang kinurot ang sarili kung nananaginip ba siya pero hindi, totoong naroroon ito sa harapan niya.
"Why are you here outside-"
"W-why did you come back?" wala sa sariling tanong niya.
Nagsalubong ang kilay nito, akala niya ay sasagutin nito ang tanong niya pero hindi nito sinagot iyon.
"Why are you sleeping outside? Maraming lamok at insekto pag gabi dapat hindi ka natutulog sa labas." His voice is full of authority.
Iniwas niya ang tingin dito at tumayo tiyaka inayos ang sarili. Wala namang kumagat na insekto sa kaniya kaya okay lang.
"Umalis ka na 'di ba? Bakit ka bumalik? H-hinatid mo lang ba 'yong girlfriend mo?" Tumikhim siya at bahagyang inayos ang upuan para hindi niya masalubong ang tingin nito.
"The last time I check I don't have any girlfriend."
"Sinungaling," bulong niya sa sarili pero mukhang narinig nito.
"I am not lying..." He let out a heavy sighed. "Can we talk?" seryoso nitong tanong na parang sumuko na sa pagsagot sa narinig nitong binulong niya.
Hindi pa siya sumasagot ay hinatak na siya nito papasok sa cabin niya.
Pinaupo siya nito sa dulo ng kama nito at lumuhod ito para harapin siya. Lumamlam ang tingin nito nang titigan siya ng ilang segundo.
"'She's not my girlfriend. You saw me with her right? Na-sprain ang paa niya kaya buhat ko siya. We're not even close so that's impossible that she is my girlfriend," sunod sunod na paliwanag nito sa kaniya.
Nakailang buntong hininga ito sa harapan niya.
"Hindi ko naman tinatanong, hindi mo naman kailangan mag paliwanag," iniwas niya ang tingin niya rito pero hinuli nito ang baba niya para mapatingin muli sa kaniya.
"Because I feel like I need to. Why are you drinking alone that time? Madaling araw na at baka may lumapit na naman sa'yong ibang lalaki. Yes, this island has a high security but still! You are temptation, Maria... for pete sake."
Tumayo ito at ginulo ang buhok.
Temptation? siya?
"If I am temptation why you are not still tempted to me, Lucifer?" She's not drunk. Hindi niya rin alam kung saan nanggaling ang mga salita na 'yon. She just want to question him.
Gusto niyang itanong kung bakit hindi siya nito magawang mapansin man lang.
Gamit ang malamig nitong tingin at nakakatakot na aura ay binalingan siya nito.
"You don't know how much I stopped my self from being distracted with you. You don't know how I stopped my self from kissing you and taking you, baby. So don't think that I am not tempted with you... Ilang beses akong nagbabad sa malamig na tubig simula nang matikman ko 'yang labi mo."
Napaatras siya nang hinawakan ng binata ang kaniyang pisngi at hinalikan nito ang gilid ng labi niya. She felt his lip piercing that poking her skin.
"That's when I realize something... That I want you so f*****g bad, baby..." he said in husky voice before he licked her lips and kiss her passionately.