"Kumusta? parang ang tagal ata ng boss namin matapos ang mission? Dapat dalawang araw lang 'yan ah! Mukhang enjoy sa isla ah," tukso sa kaniya ni Bright sa kabilang linya.
"I have still four days so shut the f**k up brute."
"Ouch! Ang sakit no'n ah! Parang may pinagdadaanan ka diyan kaya ka galit na galit." He let out a heavy sighed. Bright really can ruin his mood in instant.
"What do you need? I'm busy."
"Diba pina-imbistigahan mo sa akin ang babaeng nakasama mo sa farm? As per my source, she's also in the Island..."
Hinawi niya saglit ang kurtina niya at napansin niyang lumabas sa cabin ang target niya.
"So? What are you trying to say?"
"Wala naman... Gusto ko lang sabihin na nandiyan din siya. Well, I know you Lucifer a.k.a Demon, you are also my friend so I know how dedicated you are in our work. You will not be easily distracted. Pinapaalala ko lang naman na nandiyaan ka para mag trabaho."
"I know. I have to go, I need to finish the mission as soon as possible, right?"
"Right. Goodluck captain Demon," he laughed before ending the call.
Mabilis siyang lumabas at sinuot ang sumbrero niya. Madaling araw na kaya naman ay wala na talagang tao sa labas. Sinundan niya ito at nakita niyang pumunta ito sa tabing dagat at nag tago sa malalaking bato.
Nakita niya ang munting ilaw na galing sa hawak nitong cellphone.
How she sneak in that phone?
"H-hello? Kailan ba ako makakaalis ng bansa? Gusto ko ng umalis ng bansa. I can't forget the face who k-kill that bastard! I didn't know that he is planning to kill him to get me... I'm scared Trisha... I know that he's the one who kill him! Nakasalubong ko siya sa hallway 'di ba? You saw the cctv footage before you delete all the files!"
Trisha? her twin sister...
Base sa narinig niya ay lalaki ang pumatay sa ex fiance nito.
"I know! I know! Nakipagtulungan siya sa ex girlfriend din ng malanding lalaki na 'yon! He deserves to die Trisha, marami na siyang sinirang pagkatao dahil napaka babaero niya pala! All along he just use me while still playing with other women!"
Tama nga lang ang natumbok nilang salarin sa murder case. Ang pumatay sa ex fiance nito na si Joross Balandre ay ang ex girlfriend nito pero walang ebidensya na may kasabwat pa pala itong lalaki.
"Kung magsusumbong ako sa police ay malalaman din nilang na balak ko lasunin ang fiance ko! Ayoko na, gusto ko ng umalis. Sigurado akong hahanapin ako ng lalaki na 'yon. Obsess na siya sa akin kaya nga nakipagtulungan siya sa ex ng fiance ko para mapatay nila si Joross!"
Hinawakan niya ang relo niya dahil gamit iyon ay naka-record lahat ng narinig niya.
Hinintay niyang ibaba nito ang telepono bago siya magpakita at komprontahin ito. Ayaw niya na mag aksaya ng panahon at iyon na ang tamang pagkakataon dahil siya mismo ang nakarinig kung ano ang nangyari.
"Care to confess it in the court?" he said the show himself to her. Gulat itong napatingin sa kaniya at napaatras pa dahilan para matalisod sa maliit na bato.
"Ahh!" daing nito. "W-who are you?" takot na takot na sambit nito habang umaatras pa rin.
"Stop moving. Mukhang na-sprain ang paa mo pero bago kita dalhin sa hospital ng isla na 'to ay kailangan kong masigurado na sasama ka sa akin."
"S-sino ka? a-anong kailangan mo?" Lumapit siya rito at yumuko para tingnan ng maigi ang paa nito. Minor sprain lang naman iyon kaya hindi nito kailangan isugod agad sa hospital.
"You don't need to know who am I. I just need you to come with me and confess what you know about the murder case of Joross, your ex fiance."
Namutla ito lalo at bigla na lang naiyak. "No! Wala akong sasabihin. Wala akong alam kaya kung sino ka man o kung galing ka man sa polisya ay hindi ako sasama sa'yo!" sigaw nito sa kaniya.
"I heard that the one who kill is the ex girlfriend of your ex fiance and she's with someone... A guy that looks like your stalker."
Humagulgol ito ng iyak at ramdam niya ang takot nito. "Kahit makaalis ka ng bansa at kahit anong tago mo ay sa tingin mo hindi ka mahahanap ng stalker mo? Mas maganda ng umamin ka na plano mo ring patayin ang fiance mo kaysa naman makaalis ka nga ng bansa pero may nakasunod pa rin na panganib sa'yo."
"Ayaw kong mapahamak ang pamilya ko-"
"Mas lalo silang mapapahamak pag may ginawang masama ang stalker mo sa pamilya mo dahil hindi ka niya mahanap. Are you thinking straight right now? Yes, you are scared but do you think if you won't confess they will be still safe? I also have your recordings, wala ka ng magagawa kahit ayaw mo man umamin. I'm still being kind right now, do you know that I can kidnapp you here and take you to the city in instant?"
Hindi nakikisama ang pasensya niya ngayon.
Kung may stalker pala ito at nagawa ng pumatay para makuha ito ay mas lalong delikado ang mga taong nasa paligid nito.
Nilabas niya ang cellphone niya at pinadalhan ng mensahe si Bright para padalhan ng magbabantay ang pamilya ng suspect.
"What his name?" tanong niya rito habang nakatutok sa cellphone niya.
"C-christian Salamanca," bulong na sambit nito.
"Good. Now, are you going with me silently and confess what you know in the court or I'll just kidnapp you?" seryosong sambit nito.
"Just promise me that my sister and my family will be safe!"
Hindi siya sumagot at binuhat na lang ito dahil hindi na ito makatayo.
"I promise." She expected this to be that easy. Hindi nga lang niya talaga nagawang bantayan ito dahil umiba ang atensyon niya nang makita ang dalaga na naririto rin sa may isla.
This mission is just a piece of cake for him. Wala lang ito kumpara sa pakikipag bakbakan nila ni Bright at Piccolo sa mga gangster at mga criminal.
Buhat buhat niya si Trixie na ramdam niya pa rin ang takot nang biglang may pamilyar na bulto siyang nakita na naglalakad sa tabing dagat.
Iaalis na sana niya ang tingin dito nang bigla niyang naaninag ang mukha nito dahil naging maiksi ang pagitan nilang dalawa.
It is Maria, holding a bottle of liquor while there's a tears falling from her eyes. He didn't stop walking even she stop. Nagsalubong ang mata nila at kita niya kung paano nito tingnan ang babaeng karga niya.
Mabilis na inalis niya ang tingin at napaigting na lang ang panga dahil parang may pumiga sa puso niya.
Parang gusto niyang bitawan ang babaeng karga niya ngayon at balikan ang dalaga para magpaliwanag.
He knows... He hurt her big time.
Damn it.