Chapter Eight

2724 Words
“WE MADE it, Simone. Pasok na kami sa semifinals!” Halos mabingi si Simone nang marinig ang malakas at masayang-masayang tinig ni Chad nang sagutin niya ang tawag nito. Sa background ng binata ay naririnig pa niya ang sigawan at halakhakan ng mga teammate nito na parang muli na namang nag-champion. Pero hindi alintana ni Simone ang ingay. Masayang–masaya rin siya para kay Chad at sa team nito. Hindi niya napanood ang live telecast ng PBA dahil may rehearshal siya pero updated naman siya sa progress ng laro dahil sa pagsilip sa Twitter kapag naka-break siya. Kasalukuyan pa ngang trending worldwide ang pagkapanalo ng Energy Lightnings. “Congratulations, Chad!” bati niya. “Thank you. Nasa music studio ka pa rin ba?” tanong nito. “Yes. Pero patapos na kami.” “Susunduin kita diyan. Wait for me, okay? We have to celebrate.” Bago pa  makasagot si Simone aay muli siyang nakarinig ng malakas na ingay sa background ni Chad at pagkatapos ay nawala na ito sa kabilang linya. Napapailing na itinago na ni Simone ang cell phone sa loob ng bag. Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay natapos na rin sila. Sandali siyang dumaan sa restroom para mag-retouch. Palabas na siya ng restroom nang tawagan ni Chad; nasa parking lot na raw ito. Dali-dali siyang lumabas at pinuntahan ang binata. Kaagad namang pinaandar ni Chad ang kotse nang makasakay siya. “Congrats!” muling bati ni Simone nang nasa main road na sila. Basa pa ang buhok ni Chad, halatang nag-shower muna bago siya pinuntahan. Nakasuot ito ng itim na polo shirt at jeans. Simple pero neat  kung pumorma ang binata. Ngumiti ito. “Thanks. Semifinals na. We need to win four games para makapasok sa finals. Ang problema, mas malakas ‘yong team na makakalaban namin this time." Mahihimigan ang magkahalong kaba at excitement sa tinig ng binata. “Kaya n’yo ‘yan. Naipanalo n’yo nga ‘yong mga do-or-die games ninyo. Para sa akin, mas mahirap ang mga ‘yon. I’m sure magagawa n’yo uling makapasok sa finals. I’ll pray for your team.” “Thanks. Kumusta naman ang rehearsal ninyo?” “It’s went well. Teka, saan ba tayo pupunta?” tanong ni Simone nang mapansing ang daan na tinatahak nila ay patungo sa Roxas Boulevard. Tumawa nang mahina si Chad. “I don’t know. Saan mo ba gustong kumain?” “Ikaw na lang ang bahala. Busog pa ako sa kinain naming pizza kanina. Hindi na ako kakain.”  “Takot kang tumaba, huh?”               Ngumiti lang si Simone. Dahil sa madalas na pagbibigay ni Chad ng pagkain sa kanya ay hindi na siya nakakapag-diet. Kailangan na niyang maghinay-hinay sa pagkain kung ayaw niyang tumaba uli. Ilang linggo pa naman na siyang hindi na nakakapagbadminton o nakakapag-exercise man lang. “Ako din, busog pa. Kumain din kami ng pizza kanina. How about coffee?” tanong ni Chad. “All right.” Nakarating sila sa Baywalk. Pagkatapos na maiparada ang kotse ay sandali siyang iniwan ni Chad upang bumili ng kape. Pagbalik ay tumatakbo ito pasakay ng kotse bitbit ang kape. Nagsisimula na kasing pumatak ang ulan.  Nanatili lang sila sa loob ng sasakyan at nag-usap ng random topics habang sumisimsim ng kape. “Ano’ng first impression mo sa akin noong una mo akong makita?” tanong ni Simone. It was past twelve midnight. Tuluyan nang bumuhos ang ulan at nawala na rin ang mga taong namamasyal sa paligid at ang natira na lang ay mga sasakyan. “Hmm? At first, ang tingin ko talaga sa ‘yo ay mataray ka at suplada. Ang tapang kasi ng hitsura mo, lalo na kapag hindi ka ngumingiti.” Sinundan pa nito ng tawa ang sinabi.             Sa halip na ma-offend ay natawa rin si Simone. Totoo naman kasi ang sinabi ni Chad. “Mukha talaga akong mataray at snob pero hindi talaga ako ganoon.” “I know. Eh, ikaw, ano'ng first impression mo naman sa akin no’ng una tayong magkita sa resto ninyo,” tanong naman ng binata. “Ano pa, eh, di mayabang na akala mo kung sinong guwapo.” Ang lakas ng tawa ni Chad.  “Uy, hindi talaga ako ganoon,” pagtatanggol naman nito sa sarili. “I know.” Namagitan sa kanila ang katahimikan habang sumusimsim sila sa kanya kanyang kape. Napahalukipkip si Simone nang makaramdam ng lamig. Kanina pa hininaan ni Chad ang aircon sa loob ng kotse ngunit lalo pang lumakas ang ulan at nag-moist na rin ang mga salamin ng kotse kaya lalo pang guminaw. Inilagay ni Chad ang kape nito sa cup holder, saka dumukwang sa backseat para kinuha ang sports jacket.  “Here.” Bago pa makapagsalita si Simone ay nakalipat na ito sa espasyong nasa pagitan nila. Ipinatong ng binata sa balikat niya ang jacket, dahilan upang malanghap niya ang bango nito nang mas malapitan. She really loved his smell. Lagi itong mabango kahit nasa bahay lang pero iyong tipong husky at rugged, lalaking-lalaki ang amoy at hindi nakakasawang langhapin. Wala sa loob na napalunok si Simone habang nakahawak pa rin si Chad sa jacket na nakapatong sa kanyang balikat. Tumingin ito sa kanya. Bigla ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso nang maghinang ang kanilang mga mata. Hindi nagbawi ng tingin si Chad. Hindi rin maialis ni Simone ang tingin sa magaganda nitong mata. “Simone…” anas ng binata at lumipat ang tingin sa kanyang mga labi. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. “Chad… don’t,” mahinang pakiusap niya nang unti-unti nitong ilapit ang mukha sa kanyang mukha. Alam niya ang intensiyon nito. Alam din niyang magbabago ang lahat sa pagitan nila oras na halikan siya nito. Ngunit nagpatuloy pa rin si Chad. Inilapit nito  ang mga labi sa bahagyang nakaawang niyang mga labi. It was light soft kiss. Simone was shocked for a moment. Nang gumalaw ang mga labi ng binata at palalimin pa ang halik ay napapikit na siya. Chad's lips were so sweet and gentle. Sandali itong kumalas sa kanya at ipinatong sa dashboard ang hawak niyang kape at saka muli siyang hinalikan. Namalayan na lang ni Simone na tumutugon na rin siya sa mga halik ng binata. Unti-unting humina ang malakas na ulan hanggang sa tuluyang tumila. Subalit kapwa walang pakialam sa paligid sina Simone at Chad. Mas lumalim pa ang mga halik na pinagsasaluhan nila. Nakayakap na si Chad nang mahigpit sa kanya at nakapalibot naman ang kanyang mga braso sa leeg nito. Kusang naghiwalay ang kanilang mga labi nang kapusin sila ng hininga. “Simone,” anas ni Chad habang kapwa sila hinihingal. Isinubsob pa nito ang mukha sa kanyang leeg. Ilang sandaling nanatili silang magkayakap bago nagawa ni Simone na magsalita.  “Let’s go home,” sabi niya at bahagyang itinulak si Chad. Sandaling tinitigan siya nito bago tumango at bumalik na sa harap ng manibela. “MAY EVENT ka ba tomorrow night?” tanong ni Margaux habang kausap ito ni Simone sa cell phone. “Wala. Pero pupunta ako sa resto bukas. Bakit?” balik na tanong ni Simone habang hawak sa kaliwang kamay ang kanyang cell phone at sa kanan naman ang hose ng tubig. Napansin niya na parang natutuyot na ang mga tanim sa vegetable garden. Ilang araw na kasing hindi naaasikaso ni Chad ang mga pananim dahil sa kaabalahan sa paghahanda sa semifinals ng PBA kaya nagkusa na siyang diligan ang mga halaman.        Nagdidilig siya nang tumawag si Margaux. “Sunduin kita bukas. Samahan mo 'kong manood ng game one ng semifinals,” tugon ni Margaux. Sandaling natahimik si Simone, hindi malaman ang sasabihin. She was already supporting and praying for Chad and his team, kailangan pa ba niyang pumunta sa game venue at panoorin ang mga ito nang live? “Wala akong ticket at ayaw kong gumastos,” pagdadahilan niya. “Of course, meron ako. Galing kay Will. Basta susunduin kita, ha? Hindi ka puwedeng tumanggi. Close naman na kayo ni Chad, ‘di ba? At ang sabi mo pa nga, he’s so nice to you. Let’s support him and the team by being there. Siguradong matutuwa ‘yon.” Nawalan na si Simone ng maidadahilan. “All right,” pagsang-ayon niya kahit hindi pa niya alam kung paano pakikiharapan ang binata pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila sa Baywalk tatlong araw na ang nakalilipas. Pag-uwi nila nang gabing iyon, pagkatapos magpasalamat ay bumaba na siya sa kotse at pumasok na sa loob ng bahay. Hindi naman siya pinigilan ni Chad upang mapag-usapan nila ang nangyari. Baka tulad niya ay naguguluhan din ito. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sina Simone at Margaux sa isa't isa. Matatapos na si Simone sa pagdidilig nang maulaningan ang pagdating ng sasakyan ni Chad.  Hindi niya inaasahan ang biglang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Nakaramdam siya ng pananabik na muling makita ang binata. Ang totoo, nami-miss na niya ito. Nakakapanibago rin ang biglang hindi nito pagpapakita o pagpapadala man lang ng text message. Para lagi rin silang nagkakasali nitong mga nakaraang araw. Makalipas ang ilang sandali ay narinig na lang ni Simone na bumukas ang back door ng bahay ng kanyang landlord. Kasunod niyon ay narinig niya ang pagtawag ni Chad sa kanyang pangalan. “Simone?” sabi nito na parang nagulat pa nang makita siya. Lumingon siya. “Hi!” matipid ang ngiting bati niya. Pagkatapos ay nagbawi na ng tingin. Pinatay na niya ang hawak na hose at itinabi sa pinagkuhanan bago muling nilingon ang binata. “Diniligan ko lang ang mga tanim mo. Parang malalanta na kasi.” Hindi sumagot si Chad. Walang kangiti-ngiting nanatiling nakatingin lang ito sa kanya. Naramdam si Simone ng pagkaasiwa.  “S-sige, pasok na ako,” aniya at naglakad na patungo sa sariling bahay. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay naramdaman niya ang pagsunod ni Chad. “Simone!” Lumingon siya nang tinawag subalit bigla siyang bumangga sa matipunong dibdib ng binata. “What?” halos pautal na sabi niya habang nakatingin sa mukha ni Chad. “I’ve missed you,” sabi nito, saka bigla siyang hinapit at sabik na hinalikan ang nakaawang niyang mga labi. Nagulat man ay awtomatikong napapikit si Simone. Nang humigpit pa ang yakap ni Chad sa kanya ay tinugon na rin niya ang halik nito. They kissed for a long time. Pagkatapos ay bahagya nitong inilayo ang mukha sa kanya ngunit nanatili pa ring yakap siya. Ilang sandaling tinitigan siya nito bago nagsalita. “Simone…” anas nito at hinaplos ang kanyang mukha. “W-what’s going on between us?” lakas-loob na tanong niya. Ngumiti ito. “Isn’t it clear that we like each other?” Ngumiti rin siya tanda ng pag-amin.                “ I’ve been attracted to you from the moment I saw you. And now I’m falling for you.” “Chad…” sambit niya, hindi malaman ang sasabihin. “Ang sabi ko sa ‘yo dati, hindi kita liligawan. Pero hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Please allow me to court you, Simone. Let me love you, the way you deserve to be loved.” He looked so sincere, pati mga mata nito ay nakikiusap. And then Simone realized, she could not say no kahit nagtatalo ang kanyang isip at kalooban. Parang pati siya ay masasaktan kung pipigilan niya si Chad sa gusto nitong mangyari. Naiiyak na tumango na lamang siya at isinandal ang ulo sa dibdib ng binata. FIRST game ang laban ng Energy Lightnings. Tatlumpung minuto pa bago magsimula ang game nang dumating sina Simone at Margaux kaya wala pang masyadong tao. Ngunit alam nilang naghahanda na ang mga player sa dugout. Pinalipas nila ang oras sa pagkukuwentuhan habang nakaupo sa patron seats na nakalaan sa kanila sa likuran ng magiging bench ng Lightnings. Natigil sila sa pag-uusap at napatingin sa kabilang side ng court nang biglang maghiyawan ang isang grupo ng kababaihan na nakapuwesto roon. “Chad is here.”             Napatingin si Simone sa direksyon ng tinitingnan ni Margaux at nakita niyang naglalakad ang binata sa gitna ng court habang dini-dribble ng kanang kamay ang isang bola. Nakasuot ang binata ng rubber shoes, jersey shorts at gray na T-shirt na may tatak ng pangalan ng team nito. Nakasunod dito ang isang ball boy na tulak-tulak ang isang malaking basket na puno ng bola. Nang malapit na sa ring ay inihagis ni Chad ang bola para sa isang simple layup. Pumasok iyon at kaagad na humabol sa bola na pumunta sa direksyon nila. Anyong yuyuko ang binata upang damputin ang bola nang sumigaw si Margaux at tinawag ang pangalan nito. “Chad!” Napatingin ang binata sa gawi nila at rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito nang makita si Simone. Dinampot muna nito ang bola bago sila nilapitan. “Hi! Hindi n’yo sinabing pupunta kayo rito,” nakangiting sabi ni Chad at magkasunod silang hinalikan sa pisngi. “Niyaya kasi ako ni Margaux. Nagkataon namang wala akong trabaho kaya sumama ako,” paliwanag ni Simone. Nginitian siya ni Chad nang matamis bago binalingan si Margaux. “Nasa dugout si Will, busy sa mga teammate ko,” sabi nito. “Oo nga, eh. Good luck sa game ninyo,” tugon ni Margaux. “Thanks.” Hindi kaagad umalis si Chad, nakipagkuwentuhan pa sa kanila. Iniwan lang sila nito nang maglabasan na mula sa dugout ang mga teammate nito para mag-warm up. “Good luck! Win the game,” sabi ni Simone bago ito tuluyang umalis si Chad. “For you I will, para ganahan kang manood uli,” sabi nito at kinindatan pa siya. Napangiti na lang siya sa ginawa nito. Nang mapatingin si Simone kay Margaux ay nanunukso ang ngiti at tingin nito. “Nakita ko ‘yon,” kinikilig na sabi nito. “Ang alin?” patay-malisyang tanong niya. “May hindi ka ba sinasabi sa akin?” Hindi nakapagsalita si Simone. Kanina pa niya gustong sabihin kay Margaux ang development sa closeness nila ni Chad ngunit pinigilan niya ang sarili. As much as possible ay gusto muna niyang makasiguro sa nararamdaman sa binata bago iyon ibahagi sa kaibigan. “Yeah, right. Magkuwento ka na lang 'pag ready ka na,” nakakaunawang sabi ni Margaux makalipas ang ilang sandali na hindi siya nagsasalita. Tumango si Simone. “I will,” nakangiting sabi niya.               Ilang sandali ang lumipas at si Will naman ang lumapit sa kanila. Sandali rin itong nakipagkuwentuhan sa kanila bago sila iniwan at pumuwesto na sa gilid ng bench ng Lightnings. Halos puno na ng mga fans ng magkalabang koponan ang MOA Arena.         Ilang sandali pa ay nagsimula na ang game. Kasama si Chad sa starting five. Naging mainit kaagad ang umpisa ng laro. Halos hindi matapos-tapos ang hiyawan ng mga fans ng magkabilang koponan. Pumalakpak din sila ni Margaux nang malakas at nag-cheer sa Lightnings kasabay ng mga tao na karamihan ay fans ng koponan ni Chad. Parehong magaling ang magkalabang team ngunit nang matapos ang first half ay bahagya nang naungusan ng Lightnings ang kalabang koponan. Lamang ang Lightnings ng walong puntos. Chad led his team; twenty-two points na kaagad ang puntos nito.  Pagdating ng third quarter ay biglang na-injure si Chad. Aksidente itong nasiko sa mukha ng dinedepensahang manlalaro at dumugo ang ilong. Kaagad itong inilabas ng court at pinaupo sa dulo ng bench. Nag-aalalang nakatingin si Simone sa direksyon ni Chad na noon ay kaharap na si Will, ng coaching staff at ilang teammates nito habang nagpapatuloy ang laro. Ilang sandali pa ay nag-alisan na ang mga nakapalibot kay Chad. Nakahinga nang maluwag si Simone nang tumingin ang binata sa direksyon niya at sumenyas sa kanya na okay ito habang hawak sa isang kamay ang ice pack. Dahil maganda naman ang performance ng ibang players ng Lightnings na sina JD Fortez, Troy Escobar, Jeric Legaspi, at ng import ng team ay hindi na ibinalik sa laro si Chad. Natapos ang game na panalo ang Lightnings. Labingwalong puntos ang lamang ng Lightnings sa kalabang koponan. Pagkatapos ng game ay sumama pa sina Simone at Margaux sa celebration dinner ng Lightnings kasama ng mga pamilya ng players at coaching staff, at ilang malalapit na fans. Sumabay na si Simone kay Chad sa pag-uwi. “Sigurado kang okay ka na? Hindi na ba dumudugo ang ilong mo?” tanong niya nang magpaalaman na sila sa isa’t-isa sa tapat ng gate ng kanyang apartment. “I’m okay. Dumudugo lang naman ang ilong ko kapag may kausap akong foreigner,” biro ni Chad. Nagkatawanan sila, pagkatapos ay hinawakan ni Chad ang isang kamay niya at hinalikan. “Thank you sa concern,” seryosong sabi nito habang hawak pa rin ang kanyang kamay.               Ngumiti lang si Simone. “Sana next time sumama ka uling manood ng game namin. Mas inspired akong maglaro kapag alam kong naroon ka.” “Okay. Sige, manood uli ako kapag wala akong trabaho,” pangako niya. Si Chad naman ang napangiti. Hinayaan niya itong halikan siya sa pisngi at sandaling yakapin bago siya pumasok sa apartment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD