Chapter Five

2513 Words
“ANO, CHAD, sasama ka ba?”  “Pass ako, bro,” tugon ni Chad sa teammate na si Jeric. Kasama ng buong team at coaching staff, dumalo si Chad sa forty-fifth birthday celebration ng head coach nilang si Coach Ryan na ginanap sa isang restaurant sa Makati. Hindi pa man nangangalahati ang party ay nagpaplano na ang mga teammates niya na magtungo sa paboritong disco bar ng mga ito sa The Fort pagkatapos. Wala kasi silang game at practice sa susunod na dalawang araw kaya puwede silang magpuyat. “Lagi ka na lang pass. Kabinata mong tao, wala kang social life,” kantiyaw ng isa pa niyang teammate na si Ram na isa ring forward sa team nila at kilalang playboy. Ngumiti lang si Chad sa sinabi ni Ram. May katotohanan kasi ang sinabi nito. Bukod sa hindi siya mahilig sa nightlife, bihira lang siyang lumabas o gumimik. Kadalasan, pagkatapos ng practice ay kumakain lang sila sa paborito nilang restaurant at umuuwi na siya pagkatapos. Natigil ang pag-uusap nila at halos sabay-sabay na napatingin sa stage nang magsalita ang babaeng isa sa dalawang hosts ng party. Tinawag nito ang panganay na anak ng celebrant upang magbigay ng birthday message. Sandaling napakunot-noo si Chad nang mapansing pamilyar ang babae sa kanya. Awtomatiko siyang napangiti nang tuluyan itong makilala. The woman was no other than Simone, his new tenant. Habang nagsasalita ang anak ni Coach Ryan ay nagpatuloy sa pag-uusap ang mga ka-teammate tungkol sa pinaplanong gimik ngunit hindi na  nakisali si Chad sa pinag-uusapan ng mga ito. Ang buong atensyon niya ay na kay Simone na. Napakaganda pa rin ng dalaga kahit naka-ponytail lang ang buhok at nakasuot ng simpleng blouse at slacks. Hindi lang pala magaling na singer ang babae, magaling ding host. Kasama ng gay co-host,nagawa nitong maging lively ang programa. Natigil din sa pag-uusap ang mga teammate niya at muling natuon ang atensyon sa mga nasa stage. A few hours later ay natapos na ang programa at nagkanya-kanya nang umpukan ang mga bisita habang umiinom ng alak kaya nagkaroon ng pagkakataon si Chad na lapitan si Simone. Nakatayo ito sa gilid ng stage habang abala sa pagpindot sa cell phone. “Hi, Simone,” nakangiting bati niya.                 Lumingon ito at rumihistro ang pagkagulat sa mukha nang makita siya. “Chad? What are you doing here?” “Head coach ko ang celebrant.” “I see,” tumatango-tangong sabi nito. “First, you were a waitress. Then wedding singer ka sa wedding ng grandparents ko. At ngayon naman isa ka sa mga hosts. Ano ba talagang trabaho mo?” interesadong tanong niya. “All of the above.” “What do you mean?” “Well, daddy ko ang may-ari ng Mr. Chen Restaurant. Nagkasakit siya kaya ako muna ang pansamantalang namahala ng restaurant. But by profession, event host at singer ako,” paliwanag ni Simone. Tumango-tango si Chad. “Interesting. So, madalas ka palang puyat.” “Yes. But it’s okay. Nocturnal ako.” “Opposite pala tayo. I’m a morning person. Can I have your card? Just in case kailanganin ko ang serbisyo mo o ng isang kakilala, ire-recommend kita. O kung may kailangan akong sabihin sa ‘yo tungkol sa unit mo.” Kaagad naman itong naglabas ng business card sa dalang bag at iniabot sa kanya. Sandali niya iyong binasa at itinago na sa wallet. “I have to go, Chad,” mayamaya ay paalam ni Simone. “Uuwi ka na?” “Yes. Tapos na kasi ang trabaho ko.”  “Do you have a car?” “No. Wala akong kotse. Magta-taxi ako pauwi,” tugon nito. “Bakit hindi ka pa sumabay sa akin? Halos tapos naman na ang party. I can go home. Sabay na tayong umuwi.” Rumihistro ang pag-aalinlangan sa mukha ni Simone.               “Don’t worry, you can trust me. We will go home safe. Kung gusto mo pa, tawagan natin si Margaux para malaman niyang ako ang kasama mo pauwi.”  Natawa si Simone. “Sobra na ‘yon. Sige na, sasabay na ako sa ‘yo pauwi.” “All right.” Nagkanya-kanya muna silang paalam ni Simone sa mga kasama nila at sa birthday celebrant bago nagkita sa parking lot ng restaurant. Paalis na sila nang kumatok si Ram sa bintana ng kanyang kotse. “Pare, sa Beat Club kami pupunta. Sunod ka na lang,” sabi nito nang ibaba niya ang bintana.  “Hindi ako susunod, pare. Uuwi na ako.” “Pare naman. Lagi ka na – ” Natigil si Ram sa pagsasalita nang mapatingin kay Simone na nakaupo sa passenger seat at abala sa cell phone. Lumarawan ang pagkagulat sa mukha ng teammate nang makitang onboard niya ang babaeng host ng party kanina. “Next time na lang, pare. Babawi ako,” sabi ni Chad bago pa muling makapagsalita si Ram. “All right, pare. Good luck!” nakangising sabi ni Ram at umalis na. Napapailing na itinaas na ni Chad ang bintana ng kotse. Alam niyang nag-isip na kaagad nang hindi maganda si Ram sa kanila ni Simone. “That was Ram Salas, teammate ko. Nagkayayaan kasi silang gumimik pa,” aniya kay Simone at pinaandar na ang kotse. “Bakit hindi ka sumama sa kanila?” tanong nito. “I’d rather rest at home kaysa gumimik. Homebody kasi ako.” “Hmm… okay,” kulang sa conviction at tumatango-tangong sabi nito. INAANTOK pa si Simone nang magtungo siya sa verandah na nasa loob ng kuwarto dala ang isang mug ng umuusok na kape. Alam niyang may magandang view roon dahil sa magandang vegetable garden sa backyard ng kanyang landlord. Nasilip niya iyon noong maglipat siya. Eight-door apartment unit ang pagma-may-ari ni Chad. Okupado niya ang ika-pitong unit at ito naman sa pangwalo. Walang bakod o gate na naghihiwalay sa dalawang bahay ngunit mataas ang bakod na nakapalibot sa dalawang bahay kaya may privacy sila. Halatang mahilig sa halaman ang kanyang landlord dahil punong-puno ng mga halamang namumulaklak na nasa paso ang harap ng bahay nito at sa likuran naman ang ilang namumungang puno at malawak na vegetable garden na sinakop pa pati backyard niya. It was six in the morning. Hindi pa sapat ang tulog ni Simone ngunit dahil imi-meet niya ang amiga ng mommy ni Will nang umagang iyon ay gumising siya nang maaga. Ngunit pagdating sa verandah, hindi ang malusog na vegetation kundi ang malapad na balikat at mamasel na katawan na may butil-butil pang pawis ng kanyang landlord ang una niyang nakita.  Pinaglumaang cotton basketball shorts na may logo ng Energy Lightnings ang tanging suot ni Chad habang nakatayo sa lilim ng punong-mangga ilang metro ang layo sa kanyang kinatatayuan.           Hawak ni Chad ang isang hose at kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman. Biglang nawala ang antok ni Simone dahil sa nakita. Hindi niya akalain na ganoon ka–sexy ang kanyang landlord. Her eyes feasted on his entire chest and abs. May six-packs abs ito at firm ang pangangatawan, halatang nag wo- workout sa gym.  Nang biglang magtaas ng tingin si Chad - baka naramdaman na may nakatingin - ay huling–huli siya nitong nakatingin dito. Nag-init ang mukha ni Simone. Kaagad namang ngumiti si Chad. Itinaas pa nito ang kaliwang kamay at kumaway sa kanya. “Hey, good morning!” malakas ang tinig na masiglang bati nito. “G-Good morning!” malakas din ang tinig na bati ni Simone upang magkarinigan sila. Ginantihan din niya ito ng ngiti. “Coffee?” on impulse na alok niya. Bahagya pa niyang itinaas ang hawak na mug. “Sure!” mabilis na tugon ni Chad na ikinagulat niya. “Bihis lang ako sandali,” sabi pa nito. Pinatay muna nito ang hawak na hose at itinabi bago pumasok sa back door ng sariling bahay. Reluctant na umalis si Simone sa kinatatayuan. Maaga pa naman, hindi naman siguro siya mahuhuli sa meeting niya kung sandali siyang makikipagkuwentuhan kay Chad. Ilang sandali pa ay pumapasok na si Chad sa back door niya. He was obviously took a quick shower dahil basa pa ang buhok at amoy na amoy niya ang sabong pampaligong ginamit nito. He looked fresh in his white shirt and basketball shorts. “Mahilig ka ba sa gulay?” tanong nito. “Lahat ng gulay kinakain ko.” “Good. Para sa ‘yo ‘to.” Ibinaba nito sa ibabaw ng dining table ang dala nitong katamtamang laki ng bayong.              Nakakunot ang noong inspeksiyunin ni Simone ang laman ng bayong. Nakita niya roon ang sari-saring gulay na pananim ni Chad. May kamatis, sitaw, ampalaya, okra, siling labuyo at haba, patola, talbos ng kamote, talong, ilang piraso ng Indian mango at hilaw na bunga ng papaya. “Para sa akin ba ang lahat ng ‘to?” nasisiyahang tanong niya. “Oo. Marami akong na-harvest kanina kaya naisipan kong bigyan ka.” “Thank you.” Isang talong na mahaba at maganda ang kulay ang hinawakan niya. “Grabe ang laki naman ng talong mo,” inosente niyang sabi. “Malaki talaga ang talong ko,” inosente ring tugon ni Chad. Nagkatinginan sila at pagkatapos ay sabay na natawa. “Upo ka na,” napapailing niyang sabi. Base sa naging pag-uusap nila kagabi habang sakay ng kotse ni Chad, napansin niya na matalino ang lalaki at may sense of humor. She was actually enjoyed talking to him last night about their jobs and her apartment. Madaling napalagay ang loob niya kay Chad. Nalaman niya na nag-iisa lang ito sa bahay at ito rin ang nagluto ng beef calderetang ibinigay sa kanya. Tumalima naman si Chad. Mabilis niya itong dinulutan ng kape. May dala ring pie ang lalaki na ayon dito ay bibingka cake. Pinagsaluhan nila iyon habang sumisimsim ng kape.  “Saan mo to nabili? Ang sarap,” puri ni Simone habang ninanamnam ang kinakain. “I baked it,” tila nahihiyang pag–amin ni Chad habang nakahawak sa mug. Amused na napatingin si Simone sa binata. “Talaga? Marunong ka ring  mag-bake.” “Oo. Masarap din itong kape mo.” “Masarap talaga ‘yan. Galing pa ‘yan sa resto ni Daddy at siya mismo ang nag-brew,” pagmamalaki ni Simone. Tumango-tango si Chad. Tila continuation lang ng pinag-usapan nila kagabi ang topic nila nang umagang iyon. Nagkuwento rin siya tungkol sa restaurant at sa daddy niya. Tahimik at halatang interesado namang nakinig ang binata. Pagkatapos ay ito naman ang nagkuwento sa sarili. May pag-aari pala itong restaurant sa Davao City, kasosyo ng mga kapatid. Nang itanong niya ang pangalan ng restaurant ay bahagya  siyang nagulat. Isa kasi sa mga paborito niyang restaurant sa Davao ang binanggit nito. Marami nang branch ang naturang restaurant. Humble na binanggit din ni Chad ang ilang investments nito at hindi niya maiwasang muling humanga sa lalaki dahil halatang masinop at marunong  humawak ng pera. “Um-attend ka ba noong kasal nina Will at Margaux? Parang hindi kasi kita nakita noong wedding day nila?” tanong ni Simone nang mapunta ang topic sa mga kaibigan nila na kasalukuyan pa ring nagbabakasyon sa Palawan. Sandaling nag-isip si Chad at inalala okasyong nabanggit niya. “I was injured at that time so I didn’t make it to attend their wedding.  Mahilig ka ba sa sports, basketball in particular?” tanong naman nito. Mabilis na umiling si Simone. “Pero naglalaro ako ng badminton kapag may time.” “I see.” “Bakit number eight ang jersey number mo?” curious na tanong niya. “Iyon na lang kasi ‘yong number na available sa team ko noong high school ako. Nagustuhan ko na rin at available din sa Lightnings noong pumasok ako sa PBA kaya hindi ko na pinalitan. Pero hindi ko alam kung swerte ba talaga iyon sa akin gaya ng sinasabi ng iba.”  “I think suwerte nga sa ‘yo. Kita mo nga, ang dami mong awards at isa ka sa most reliable scorer hindi lang ng team n’yo kundi pati sa buong PBA.” Tumaas ang isang sulok ng labi ni Chad. “You Googled me, huh?” Ngumiti lang si Simone. “Actually, ngayon lang naman ako nilalagay sa starter.Most of the time sa career ko, lagi akong off the bench.” “Pero madalas na ikaw raw ang nagpapanalo sa team ninyo.” “That’s not true. Basketball is a team effort. Hindi namin maipapanalo ang bawat game kung hindi kami magtutulungan.” “That’s right.” “Eh, ikaw naman, bakit hindi ka pumasok sa show business tulad ng brother mo? You’ve got a lovely voice and a beautiful face. You should be a celebrity.” Simple lang ang pagkakasabi ni Chad pero tumaba ang puso ni Simone sa papuri nito. “Hindi ako para doon, Chad. Actually, I used to belong in a band when  I was still in college. Isa ako sa mga vocalist. Nagka-album kami at ilang taon ding sumikat bago na-disband. 'Tapos napunta ako sa theater. May nag-offer sa akin na pasukin ang show business tulad ng kapatid ko pero tumanggi ako dahil masaya na ako sa theater. Apparently, nakilala ko si Mama Carol, ’yong manager at may-ari ng events management firm na madalas na nagbibigay sa akin ng trabaho ngayon. Hiniling niya na kumanta ako sa in-arrange niyang wedding bilang  replacement sa wedding singer na kinuha niya na biglang nagkasakit. Pumayag ako dahil alam ko naman ‘yong mga kantang pinili ng ikakasal. Pagkatapos n'on, kinuha naman ako ni Mama Carol na host sa isang trade fair dahil marunong din akong mag-host. And the rest was history. Mas nagustuhan kong kumanta at mag-host sa mga event and at the same time, mag-travel na rin for free.” “You really got an interesting job. Pero madalas na gabi ang trabaho mo at nag-a-out of town ka pa. Ang hirap mo sigurong ligawan,” komento ni Chad. Natawa si Simone. “Sinabi mo pa.” “Anyway, ‘yong space mo nga pala na sinakop ng vegetable garden ko, don’t worry, mamayang hapon ay wala na ‘yon.Hindi kasi ginagamit ng pinsan ko na dating occupant nitong unit mo ‘yong space kaya tinaniman ko na rin. Maglalagay na rin ako ng bakod sa pagitan ng mga backyard natin.” “You mean, sisirain mo ‘yong mga tanim?”  “Yes.” “‘Wag! Sayang naman,” mabilis na pagtutol ni Simone. “Hindi ko naman kailangan ‘yong space. Okay lang. ‘Wag mong sirain ang mga tanim. Basta ba lagi mo akong bibigyan ng mga gulay mo,” pagbibiro niya. “Sure. Basta kung kailangan mo, kuha ka na lang diyan. Huwag ka nang magpaalam,” nakangiting sabi ni Chad. “All right.” Pagkapos magkape ay nagpaalam na si Chad. Alam nito na aalis siya. Inihatid pa ni Simone ang binata sa back door. Nasa pagitan na si Chad ng mga unit nila nang bigla itong bumalik na tila may nakalimutan sabihin. “I- I’m not always busy, Simone. Gusto ko lang malaman kung puwede kitang istorbohin para makipagkuwentuhan, o i-text o tawagan ka nang madalas.” Napataas ang isang kilay niya sa narinig. So, talaga palang interesado ito sa kanya. “Bakit?” “I just want you to be my friend, Because, honestly, I’ve never had a singer for a friend in my entire life. Puwede ba?” Nice style. Akmang ibubuka ni Simone ang mga labi upang sumagot subalit muling it nagsalita si Chad. “D-don’t worry. I’m not gonna court you.” Ilang sandaling natulala si Simone m. She was supposed to say “no” ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkadismaya. “All right. You already have my number so just text or call me. I’ll answer if I’m not busy. Basta huwag mo lang akong iistorbuhin before ten in the morning dahil tatalakan talaga kita. Tulog pa ako nang ganoong oras. Gising lang ako ngayon dahil may lakad ako.” “Noted,” nakangiting tugon ni Chad. Pagkatapos muling magpasalamat at magpaalam ay tuluyan na itong umalis. Isinara na ni Simone ang pinto upang maghanda sa pag-alis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD