Chapter 12

1628 Words
Chapter 12 -  Ang Mga Pinoy Pagdating sa Intriga, ang Bibilis Makasagap!                  “Ano `to?” Ibinalibag ko sa mesa ang nabili ko’ng dyaryo sa labas. “‘Prof. Eric Antonio Dedicates His New Formula to Mysterious Omega’?! Anong kalokohan `to? Bakit tayo ang nakalitrato d’yan?!” Tinitigan ni Aahmes ang dyaryo. Kuha `to ng lumipas na Expo, kung saan nakapatong ang noo ko sa balikat niya. Pucha... ninerbyos lang ako kaya `ko ginawa `yun, `di ko naman akalain na may kumuha ng letrato namin! ”It is just a photo,” sabi ni Aahmes na tumingala sa `kin. “The news inside tells the story about you and your brother.” Muli ko’ng kinuha ang dyaryo at binasa ang loob nito. May picture dito si kuya, kasama ang pamilya n’ya, at isa pang picture naming magkasama nang nagtapos ako sa MIT. “Huh. Misleading ang cover pic! Mga sira-ulo `to, ili-link pa `ko sa `yo.” “It is old news already, just a follow-up of last week’s Expo. No one would notice it.” “Ayan ang akala mo!” sagot ko kay Arabo, “Alam mo naman ang mga pinoy pagdating sa intriga, ang bibilis makasagap! Daig pa ang petri dish na iniwan sa open area para mangolekta ng microbyo!” “Depends on what microbes,” sagot ni Aahmes na busy sa pagsusulat. “Ano ba `yang sinusulat mo?” tanong ko rito. ”Our expenses for this Month,” sagot n’ya, “we have given the initial p*****t for the things we ordered from the Expo, I’m doing the accounting.” “Oo nga pala, kailan daw darating `yung mga inorder natin?” “They are in storage right now, waiting for the renovations to be over.” Ah, tama, kasalukuyan pa nga palang inaayos ang palapag sa baba namin para mapagkasya ang binili naming PET at CT scanner. Buti nga at pumayag ang taas na bilhin ko ang mga `to, dahil ayoko nang nakikipag-unahan pa sa ibang departments `pag kailangan ko’ng ipa-scan ang ilang mga guinea – este, test subjects ko. Ngayon, p’wede na kaming kumuha ng mas maraming volunteers para sa aming clinical trials. Tinitigan ko si Aahmes na nagpatuloy sa pagsusulat. Parang may kakaiba rito. “Naglabas na ba kayo ng ad para sa trials natin?” malumanay ko’ng tanong. “Yes, but the legal department are still working on a contract for their parents to sign, they are all minors, after all.” Muli ko’ng tinitigan si Aahmes. “Habibi, parang ang tahimik mo ngayon, mukhang namumutla ka pa, masama ba pakiramdam mo?” “Not really,” sagot nito, mahina, “I am just not at my best right now.” “Bakit? May sakit ka ba?” kinapitan ko ang noo n’ya. Medyo mainit nga s’ya. Nakakapit pa `ko sa noo n’ya, nang mapansin ko’ng nakatitig s’ya pataas sa `kin. “Ah, sorry, tinignan ko lang temperature mo... mukhang may sinat ka.” “It is nothing.” “O, `wag mo `ko idedemanda, ha? Chi-neck ko lang temperature mo!” inulit ko pa. ”Why would I do that?” “Well...” bahagya ako’ng lumayo sa kan’ya. ”May ibang mga tao kasi na akbayan mo lang, eh, feeling china-chansingan mo na sila! Akala mo naman kagandahan...” “Has someone sued you for s****l harassment before?” tanong n’ya matapos tumitig sa `kin. “Nako, tatlong beses na!” sagot ko. “`Yung una, ubod nang taba, nagalit nang tawagin ko’ng sexy, `yung pangalawa, hinipuan ko raw, matapos ko’ng alalayan nang madapa, `yung pangatlo, omega, inakbayan ko lang, dinemanda na `ko. Lahat `yun, dito lang sa opis, in a span of less than a year.” “Did they know who you were?” tanong n’ya. “Oo naman, kaya nga ako idinemanda, eh.” sagot ko. “Ang lalaki ba naman ng mga hinihingi sa `kin! Buti na nga lang, magaling abogado ko.” “I guess that’s why you don’t touch people anymore?” “Isang reason `yun, oo.” sagot ko, “the other half, eh, ayoko talaga sa ibang tao.” “Yes, I am well aware of that.” “Hindi lang sa ayoko sa kanila... ayoko talaga sa mga tao!” paliwanag ko. ”Is that so?” “I mean... hindi ko kaya... makisama sa mga tao.” “You mean to say, you have social phobia?” “No. Ayoko sa tao. Pinandidirihan ko sila... matapos... matapos ang nangyari kay kuya... at...” Napatingin ako kay Aahmes. Nakatingin din s’ya sa `kin, parang binabasa ako. Pucha, psychiatrist nga pala ang loko’ng `to! Ba’t nga ba `kung anu-ano nanaman ang sinasabi ko sa kan’ya? “Sir!” Buti na lang at biglang sumulpot si Pedro! “O, ano nanaman problema?” “Binigyan tayo ng invite ni Dr. Gonzaga sa Friday! May company event daw sa all-you-can-eat buffet sa MOA!” “Okay, goodluck.” “Sir! Kailangan mo sumama!” singit ni Pilar, “Dapat daw kasama ang head para makapasok sa event!” “Okay, Habibi,” itinaas ko ang kamay ko sa tuktok ng ulo ni Aahmes, “With the power invested in me, I now proclaim you, New Head of the Omega Reaserch Division!” “It does not work that way, professor,” sagot nito. “Dapat ba may espada ako para maging official?” ngumisi ako sa kan’ya. “Sir!” ngayon naman ay nagsulputan ang mga intern nami’ng makukulit. “Please po, sama na kayo para maka sama rin kami!” “Oo nga po, sir, aalis na kami next week! Para po may last get-together naman tayo bago tayo maghiwa-hiwalay.” “Bakit? Kailan tayo nagka-first get together?” tanong ko sa mga ito. “Sige na po, sir, please?!” pangungulit nila sa `kin. Mas matitigas talaga ang mga mukha ng mga interns ko ngayon, `di tulad ng huling batch. `Di kaya dahil `to sa nakikita nila’ng kinakaya-kaya lang ako ni Aahmes sa laboratoryo? “Oy, `wag kayo’ng makulit, ha, baka gusto n’yong hindi pa kayo umabot sa last day ninyo!” Natawa lang ang mga loko, lumapit pa ang isang batang omega kay Aahmes at kumapit sa braso nito. “Dr. Abdel, baka p’wede n’yo po pilitin si Sir Eric para makapunta tayo?” “Okay I’ll talk to him,” sagot naman ng gago’ng may sinat. “Sige na, bumalik na kayo sa mga estasyon n’yo! Tapos na ba ginagawa n’yo?!” nagmamadali’ng nagtakbuhan paalis ang mga loko na bumubungisngis pa. “At ikaw, may sinat ka na nga, may pa-talk-to-him, talk-to-him ka pa’ng nalalaman!” “Actually, today’s my first day.” “Anong first day? First time mo gumawa ng accounting? Kaya ba sininat ka sa sakit ng ulo mo?” pinagtawanan ko s’ya. ”No, this is the first day of my estrus.” Natigilan ako at napatitig kay Aahmes. “Okay ka lang? Ba’t sinabi mo sa `kin? Sikreto dapat `yan, `di ba?” ”You are a beta, you are of no threat to me.” Upakan ko kaya `to? At minata pa talaga ako, ha? ”Eh, pano kung ipahayag ko sa lahat kung kelan ang estrus mo? Sabihan ko kaya si Hitler? Mukhang malakas tama nu’n sa `yo!” ”You wouldn’t.” Tipid n’yang sagot. “Hmph. Masyado ka’ng nagtitiwala sa `kin.” Pinanood ko si Aahmes na patuloy pa rin ang pagsusulat ng financial ek-ek. “So... gumagamit ka ba ng suppressant, o total will power lang?” `di ko napigilang magtanong. “Will power. I prefer to go au naturale.” “You have total control?” bulong ko. “Ang alaga ko dati ganyan din, pero hindi s’ya nanlalambot. Magaling s’ya sa control, pero mahina ang calming pheromones. Ikaw, mukhang balanse lang.” “Hm? Is it safe to talk here?” tanong sa `kin ni Aahmes, at agad ako’ng natameme. “A-anyway, pa’no mo nasabing pipilitin mo `ko sumama sa eat-out bukas, samantalang nanghihina ka pa?” “Only on the first day,” sabi n’ya, “I will be better tomorrow. It is good to take a break tomorrow.” “Shu... take a break? Magpapataasan lang ng ihi ang mga tarantado bukas. Kaya nga ayokong sumama sa mga ganon, eh, iinit lang ang ulo ko at tatangayin sa lakas ng hangin ng ibang mga division heads... lalo na `yung mga hambog na mga alpha, tulad ni Hitler...” “We will not go there for them.” “Parang p’wede `yun...” “We can find a place to sit, away from the others, if you do not want to mingle with them”. “Pano kung patabihin tayo ni Godzilla sa malapit sa kan’ya?” ”Not if we come fasionably late,” sagot ni Aahmes, “once everyone has settled down on a table, we can then arrive and choose one away from the rest.” “Hmm... magandang idea `yan, ha! Ang galing talaga ng Habibi ko!” “Don’t call me Habibi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD