Chapter 13

1963 Words
Chapter 13 - Make Way for the Star of the Evening!           Kinabukasan, alas-kuwatro pa lang, nag-announce na ang taas para maghanda sa pagpunta sa MOA. Ginamit ng kumpanya ang mga shuttle bus nila para may transpo ang lahat. Dito sumabay ang mga alipores ko, habang nagkotse naman kami ni Aahmes. Pagdating sa mall ay nagkita-kita kami sa isang lugar, at matapos ang ilang minuto, ay saka umakyat sa buffet restaurant na pina-book ng kumpanya. “Prof. Antonio!” tawag nila sa `kin nang makita ako, “It’s so nice of you to join us!” Pero ang mga ngiti sa mukha, puros mga plastic. Sila ang mga alpha na `di makapaniwala na kahanay ko sila. “Sayang naman, late na kayo’ng dumating!” nakangisi nila’ng sabi, “May nakapwesto na sa mesa na reserved sa inyo malapit kay Dr. Gonzaga.” “Alam ko,” masaya ko’ng sinabi, bago magpunta sa pinaka malayong puwesto na nakita ko. Parang mga sisiw naman na sumunod sa `kin ang mga alipores ko na binubuo ng dalawang researchers at anim na interns, at syempre, ang aking Habibi. “See, what did I tell you?” sabi ni Aahmes na tumabi sa `kin. “Tama, ayos dito tahimik,”nginitian ko s’ya, “sige na, kumuha na kayo ng pagkain n’yo.” Well, at least masarap ang food! And since malayo kami sa mga asungot, eh, walang nagpaparinig o nang-iistorbo sa `min. Hanggang sa mabusog ang mga putangina at maglapitan sa mesa namin. ”Prof. Antonio! Congratulations sa bagong formula! Ilalabas na ito sa isang linggo, sisikat ka nanaman!” sarkastikong bati ng mga hindot. “Ba’t `di mo kami samahan sa main hall, para makatabi mo si Dr. Gonzaga, kanina ka pa binibida ni doc, `di mo ba naririnig?” “Mas gusto ko rito. Walang maingay,” sagot ko, “p’wede na kayo’ng umalis.” “Ah, eto ba ang omega na nasa dyaryo? The one you dedicated your work to?” sabi nang isang loko na mukhang `di kilala si Aahmes, “Ayos ang partnership n’yo, ha? Sana magtagal!” nakangisi nito’ng sinabi. Balak ko na sana’ng sabunin ang tarantadong hindot, nang may tumawag nanaman sa `kin. ”Prof. Antonio,” eto naman ngayon si Grinch, “Halika, samahan mo kami sa harap, ba’t ba nandito kayo sa malayo?” “Masaya na po ako rito...” “Non-sense! Alam mo naman na kaya tayo nag ce-celebrate ay dahil ilalabas na ang Omega-J sa market next week, `di ba?” “Sige na, Prof. Antonio, pumunta na kayo sa harap!” pilit ng mga alipores ko na tuloy ang paglamon sa aming mesa. Pinandilatan ko ng mata ang mga traydor. ”Oo nga, sir, okay lang kami rito.” sabi pa ng tarantadong si Pedro. “Come, let’s go.” At talagang hinatak ako ni Grinch at kinaladkad papuntang main hall. Kinapitan ko nga si Aahmes. “O, make way for the star of the evening!” kantyaw ng mga loko sa pagdating ko. Naghanda nga sila ng upuan para sa `kin, at nagdagdag ng isa pa para kay Aahmes, tapos ay inabutan kami ng tig-isang mug ng draft beer. “Ayoko uminom,” sabi ko. “Isa lang, para sa toast!” pilit ng nag-abot sa akin nito. ”For the new Omega-J suppressant!” “Kampai!” Nagpalakpakan ang lahat sa pag-inom namin. At bago pa `ko makapag reklamo ay puno nanaman ang baso ko. “Tikman mo to, Prof. Antonio, masarap `to!” may mga nag-abot ng pulutan sa `kin, at maya-maya, naka apat na mug na `ko ng beer. “O, Prof. Antonio, `di ka ba hahanapin sa inyo?” Humarap sa `kin ang nakakaasiwang mukha ni Hitler. “Pauwiin n’yo na `tong bata at baka hinahanap na `yan ng kuya n’ya.” Mukhang lasing na `to at naghahanap ng away. “Ikaw? Hindi ka pa ba babalik sa mga gestapo mo?” tinuro ko ang isang grupo ng mga alpha na nami-mick-up ng mga babae at omega sa kabilang mesa. “Mukhang may hinaharas nanaman `yung mga alipores mo.” “They’re just being friendly, professor, but I know you wouldn’t understand what that means,” tumawa ito nang nakakairitang tawa. “Dr. Heathlow, `wag n’yo naman awayin si Sir Eric!” pagtatanggol sa `kin ng isang babae’ng taga-marketing. ”Buti nga po sumama s’ya ngayon sa eat-out ng company, eh!” “Dapat lang,” sabi ng isa pa’ng babae’ng taga-accounting na tumabi sa `kin, “he’s the star of the night, after all.” Tumingin ako kay Hitler at ngumisi. Mukhang umuusok nanaman ang malalaking butas ng ilong ni loko. ”Hmph, I’ll leave you here then,” sabi nito sa pagtayo, “Dr. Abdel, you should join me at my table.” Agad ako’ng napatingin kay Aahmes na tahimik na kumakain sa tabi ko. ”I prefer to stay at the professor’s side,” sagot nito, at ako’y nakahinga ng malalim. “Well, it seems that the professor already has two women of his kind to entertain him,” sagot nito, “so, how about hanging out with a dominant alpha for a change?” Napatingin sa kan’ya pati ang dalawang lumalandi sa `kin, pero s’yempre, `di sila makapalag sa kupal na mataas ang posisyon. Pero ako p’wede. “Bakit, doc, ano ba ang kauri ko? P’wedeng paki-explain?” tanong ko rito. “Well... of course... since isa ka lang beta, mas bagay sa `yo ang mga babae,” pagmamagaling nito. “While omegas, on the other hand, are meant to be with alphas,” tumingin pa ito kay Aahmes, “such as myself.” “So sinasabi mo, `di kami dapat makihalubilo sa mga alpha at omegas dahil mga beta lang kami at mga babae?” “I didn’t say –“ “Hindi ba `yun ang pagkakaintindi mo?” tanong ko kay Ms. Accounting. “P-parang ganon na nga...” mahina nito’ng sagot. “Eh, ikaw?” tanong ko kay Ms. Marketing. “Hindi naman directly, pero ganon na nga rin.” sabi nito. “How about you, Habibi?” napatingin ang lahat nang tawagin ko si Aahmes na nananahimik sa kabila ko. “Ano ba ang pagkakaintindi mo sa sinabi ni doc?” “He seems to be saying that betas should only be with women, and omegas with alphas.” “Very good, Habibi, at sang-ayon ka ba doon?” “No.” Matigas ang sagot ni Aahmes. “I am not.” “Pano ba `yan, doc, mukhang pati mga omegas ayaw sa inyo?” ngumisi ako rito, “Or rather, ikaw lang in particular ang ayaw nila?” “Don’t try to twist my words, Eric! Hindi `yun ang ibig ko’ng sabihin!” “Kung ano man `yun, hindi ka pa rin dapat nandito kasama ng mga beta at mga babae at ng omega na obviously, eh, naririndi sa `yo!” bara ko sa kan’ya, “Sige na, umalis ka na, maghanap ka ng kauri mo na kakausap sa `yo! Ba-bye na baboo! Shoo! Shoo!” “Now look, here, you beta, sumosobra ka na, ha!? Baka `di mo kilala kung sinong ginagago mo!” sigaw nito. “O, tama na `yan, mukhang lasing na kayo.” pigil sa kan’ya ng iba naming kasama sa mesa. “Sumosobra na `tong tarantado’ng `to eh!” pilit pa ni gago. “Beta ka lang! Isa ako’ng dominant alpha! Ano’ng laban mo sa akin, ha? Gusto mo sa labas tayo? Ipakita mo yabang mo sa labas!” “Sige ba, ano’ng gusto mo?” tumayo ako sa pagkakaupo, at sa biglaang galaw ay bumagsak `uli. Mukhang naparami ang inom ko. “Ha! Kita mo? Puro ka yabang, eh, ni `di ka na makatayo!” tumawa ang loko ng nakakarindi n’yang tawa, pero habang tumatawa ay gumewang-gewang ito at biglang bumagsak. Natahimik kaming lahat. Akala ko inatake na `to, nang bigla s’yang maghilik. Sayang. “Ha! Sinong mahina ngayon?!” duro ko sa gago’ng bumagsak sa kalasingan. “Who are you to talk? You cannot even stand straight,” sabi ni Aahmes sa tabi ko. “At least wala na’ng iistorbo sa `tin!” masaya ko’ng sinabi. “Sir, Eric, gusto n’yo pa ng pulutan?” tanong ni Ms. Accounting na nag-abot sa `kin ng bagong mug. “K’wentuhan naman tayo habang nag-iinuman!” pilit ni Ms. Marketing sa tapat ko. ”Maybe next time, the professor has had enough alcohol for today,” sabi naman ni Aahmes na kumapit sa balikat ko. Tiningala ko s’ya na nakatayo na pala sa tabi ko. “Let’s go, Prof. Antonio.” “Sandali lang, upo ka muna, kain pa tayo,” pilit ko rito. Nasa mood ako ngayon at napabagsak ko si Hitler! Muli naman umupo si Aahmes, habang ako’y tumayo dahil sa paninikip ng pantog ko. “O, d’yan ka lang, ha, mag C-CR lang ako,” sabi ko rito. ”Do you need assistance?” tanong n’ya na patayo `uli. Kaya ako napagtatawanan, eh. “No need. Hindi ako lasing, ano, kaya ko `to.” Tumuloy na `ko papuntang banyo para umihi, nagtataas na ko ng pantalon nang umikot ako at nakita si Ms. Marketing na nakangisi sa `kin! Napatignin ako sa paligid. Namali ba `ko ng pasok? Pero, may urinal naman dito, kaya... “Sabi ko na nga ba, malaki ang inyo, sir, eh...” sabi nito na lumapit sa `kin. “Ha? Anong malaki? Ba’t nandito ka?” “Wala, sir,” natawa ito, “pareho lang tayong lasing...” Nagulat ako nang magpatihulog s’ya sa dibdib ko. “T-teka, anong ginagawa mo?” tinulak ko s’ya pabalik, pero yumapos pa s’ya lalo sa `kin. “Sir, matagal na `ko may crush sa inyo... baka p’wede naman...” “Pucha!” napa sigaw ako nang himasin n’ya ang ari ko! “Ano ba? Hindi ako lasing! Hindi ako papatol sa `yo!” Nagawa ko rin s’yang itulak palayo. Tinitigan naman ako nang masama ng babae. “Pakipot ka pa! O totoo ba na mas type mo ang mga omega? `Di mo ba alam, mas masarap ang babae sa kama? Kadiri ang mga omega, lalaki pa rin ang mga `yan, sa puwet na puro tae kung tirahin!” “Wala ako’ng pake kung ano man ang kasarian mo, basta’t ayoko sa makakati!” sigaw ko rito. “Ganon?” muli s’yang lumapit sa `kin. Wala na `kong maatrasan. “Ikaw na nga nilalapitan ng grasya, aayaw ka pa!?” Muli n’yang hinimas ang dibdib ko, binuksan pa ang butones ng polo ko! “Anong grasya?” tinulak ko ang kamay n’ya, ”Eh, mukhang disgrasya ang mapapala ko sa `yo! Lumabas ka nga rito!” “Ah, ganon? Eh, kung magsisigaw kaya ako at sabihing hina-harass mo `ko?!” sabi ng puta na hinatak pa pabukas ang blouse n’ya! “Tignan natin kung sino’ng paniniwalaan ng mga tao!?” “Why don’t you try it?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD