Chapter 82 - look me straight in the eyes
Ang ingay namin sa loob ng hospital room nang magising din sa wakas si Nathan, pinagalitan tuloy kami ng doktor at pinalabas ng silid! Tinawagan ko na lang sina Aahmes para ipaalam sa kanila ang magandang balita.
Ginawan pa s’ya ng mga doktor ng ilang tests buong araw, sina Florence at Franklin naman ay nauna na at nagsabing dadalaw na lang `uli pag malakas na si Nathan.
Pagdating ng hapon, sinabi ng mga doktor na maari na s’yang umuwi. Nauna ako’ng bumaba sa lobby habang inaasikaso ni Louie ang kanyang release papers. Doon ko inabangan ang dating nina Aahmes at Reubert.
“Professor, how’s Nathan?” tanong ni Reubert sa paglapit as `kin.
Mukhang gustong magpa-good shot sa bayaw ko ang loko. Maayos ang itsura nito ngayon sa soot n’yang plantsado’ng polo at slacks, pati buhok n’ya, maayos at `di nakatakip sa mata n’yang kulay ube. Kitang-kita `to dahil wala s’yang suot na salamin. Malamang, `di pa s’ya nakakapagpagawa ng bago.
“May ilang bagay pa’ng inaayos sina Louie sa billing.” Tumingin ako sa aking habibi. “Nagka-usap na ba kayo?”
”Yes, professor,” sagot ng Habibi ko nang sandaling matahimik si Reubert.
“Okay, baka pababa na ang mga `yun ngayon, hintayin na lang natin sila dito.”
“Thank goodness!” napatakip ng mukha si Reubert, mukhang naluha pa ito.
“Galing ka pa ba ng University n’yan?” tanong ko rito.
“Opo, maaga po ako’ng umalis, I said it was an emergency,” sagot ni Reubert. “Pero, nag-iwan naman ako ng maraming seatwork para sa mga estudyante ko.”
“Basta’t tandaan mo ang pinag-usapan n’yo ng habibi ko.” palala ko rito.
Natigilan bigla si Reubert na napatitig sa likod ko. Paglingon, nakita ko si Nathan na tumatakbo papalapit sa amin. Dumiretso ito kay Reubert at patalon ito’ng niyakap!
”Reubert!” tawag nito sa professor n’ya.
Agad din s’yang niyakap ni Reubert. Akala ko nga `di na sila maghihiwalay, nang biglang magparamdam si Louie.
”At sino naman `yang kasama mo, Eric?” naiiritang tanong nito sa `kin.
”Eto ang Habibi ko, si Dr. Aahmes Abdel.” sagot ko.
”Hindi si Dr. Abdel ang tinutukoy ko!” sabi ng damuho.
”Akala ko ba, kilala n`yo na si Reubert Go?” tanong ko rito.
“Eh?” agad nag-react si Mercy, “Ah, dati kasi...”
Napatingin sila kay Reubert na mukhang naghanda talaga para mamanhikan.
“Mr. del Mirasol, kailangan po natin mag-usap,” sabi ni Reubert na tila ayaw bitawan si Nathan.
“I know!” naiiritang sagot ni Louie rito, “Marami ako’ng gustong itanong at malaman, pero hindi ito ang tamang lugar.”
“Then please find a place where we can talk properly,” sagot ni Reubert sa bayaw ko’ng mukhang pikang-pika na.
“May alam akong lugar,” singit ko. “Halika, sumunod kayo sa `kin.”
Sinama ko sila sa isang Chinese restaurant na malapit sa lugar na `yun. Pag-aari ito ng anak ni Grinch, kaya alam ko’ng safe at malinis ang lugar. Malinis, meaning, walang iba’ng makakarinig sa kung ano ma’ng mapag-uusapan namin.
Dito ako madalas i-meet ni Grinch at ng iba pa’ng nasa taas kapag may balak silang sabihin o ipagawa sa `kin na hindi exactly `legal’.
“Sigurado ka ba na safe ang lugar na ito?” tanong sa `kin ni Louie habang nasa loob kami ng isang private family room.
“Oo, close acquaintance ko ang may ari nito, at dito ako madalas pumunta dati dahil p’wede akong kumain nang walang ibang tao.
“Then I won’t hold back.”
Tumitig s’ya kay Reubert at sumimangot.
“Gusto ko’ng malaman kung ano ang ginagawa ninyo ni Nathan sa lugar na iyon.”
“Bakit hindi mo simulan sa umpisa, Reubert?” sabi ko sa dati ko’ng alaga.
“Yes, please, do tell them about your relationship!” singit ni Aahmes.
“What relationship?” tanong ni Louie, “At sino nga ba uli ito’ng nagko-cronicle ng lahat ng pinag-uusapan natin?”
Napatingin kaming lahat kay Aahmes na naglagay pa ng recorder sa gitna ng mesa namin.
“Oh, sorry, do you mind? Should I issue a letter of consent?” tanong nito.
“This is Dr. Aahmes Abdel, a collegue of mine,” pakilala ko muli kay Habibi. “He’s currently studying the behavior of certain omegas.”
“Behavior of omegas?” ulit ni Mercy. “Eh, wala namang omega dito...” natigilan siya, napatingin kay Reubert, at nanlaki ang mga mata.
“Are you saying that Nathan and Sir Go are...” napatunganga si Louie.
“Uy, papa, hindi, ha, wala po’ng namamagitan sa amin.”
Nag-deny pa ang loko’ng Nathan na kayapusan ni Reubert kanina lang.
“Wala pa,” sang-ayon ni Reubert na seryoso ang tingin kay Louie. “That’s why I have decided to ask for your blessings and make it official.”
“What?!”
Ang gulat ng lahat sa sinabi ni Reubert. Pati si Nathan natunganga sa kan’ya.
“To tell you the truth, may nangyari na sa amin ni Nathan,” patuloy nito, “and as the older partner, I take full responsbility...”
“Shh! Sandali nga!” tinakpan ni Nathan ang mukha nito. “Ano ba’ng pinagsasasabi mo?! Papa, `wag po kayo’ng makinig dito! Nababaliw na `ata `tong isang `to!”
“Kasalanan ko po ang lahat nang i-seduce ko ang anak ninyo...” patuloy ni Sir Go na inalis ang kamay ni Nathan. “Alam ko po na mababang omega lang ako, pero sana ay-“
“Ano ba? Tumahimik ka nga muna!” Bara sa kan’ya ni Nathan.
”Ahem... Hindi porket nasa private room tayo, p’wede na kayong magwala.” Paalala ko.
”Sir Go, ako ang dapat humingi ng dispensa sa iyo. Nasa rebelious stage ang anak ko, at alam ko na kasalanan ko rin ito... Nagsimula ang lahat ng ito nang matutunan ni Nathan ang tungkol sa birth mother n’ya,” patuloy n’ya, ”at ang relasyon ko sa isang omega na mas bata pa sa kan’ya...”
”Papa! Hindi mo kasalanan ito!” pasok ni Mercy.
”T-tama, papa,” sabi ni Nathan na kunot ang noo, ”bago ko pa malaman ang tungkol kay Josh, may nangyari na sa amin ni Sir Go! Wala ito’ng kinalaman sa love life mo!”
”Kung gayon, hindi kayo tumututol sa relasyon namin ni Nathan?” singit ni Reubert na mukhang nakahinga ng malalim.
”I-ibang usapan iyan!” pakeme ng pamangkin ko.
”Ikaw talaga, kuya!” Eto nanaman si Mercy, ”Matapos nang lahat nang ginawa mo, ikaw pa ang aayaw kay Sir Go?!
”A-anong ginawa?” sigaw ng kuya n’ya, ”Eh, siya ang gumawa ng kung anu-ano sa akin!”
Natahimik ang silid.
”Ah... sorry...” bulong ni Reubert na namumula ang mukha sa kahihiyan,”Hindi ko sinasadya iyon... nadala lang ako ng aking pagiging omega...”
Pucha.
Pati ba pag-arte tinuturo na nila ngayon sa US Millitary?!
Pinanood ko kung pano mamilipit sa kahihiyan ang isang human weapon na para bang mahina lang siya’ng omega na nabibihag ng kanyang estrus.
Bilib na bilib naman ang bayaw ko, pati na ang dalawa kong pamangkin. Akala talaga nila si Nathan ang gumapang kay Reubert!
Well, something tells me, it’s the other way around.
”Buweno, ngayong alam na namin ang relasyon ninyo, p’wede mo na ba sabihin sa amin kung ano’ng nangyari noong gabi ng biyernes?” singit nanaman ni Louie na matagal nang nanggigigil sa kaso ng anak n’ya.
Ikinuwento nga ng dalawa ang nangyari.
Nagka-lover’s quarel pala ang mga loko, at matapos magtampo ni Nathan, ay tumakbo s’ya kay Dan para kalimutan si Reubert. Hindi raw n’ya akalain na idu-drug sya nito at ikukulong kung saan.
“So, si Dan pala talaga ang nag-drug sa iyo?” tanong ni Louie. “And he kept you in his house `till Friday?” tumango si Nathan.
“Buti na lang at na track namin ang GPS sa cell mo,” sabi ko, “pero naputol ito sa area ng San Juan, the bar probably had a jammer inside.”
“Kung ganoon...” tumingin si Nathan kay Reubert. ”Paano mo `ko nahanap?”
Tumingin sa kan’ya si Reubert at ngumiti.
“I could smell you.”
Natahimik ang silid. Napatitig kami sa napakaamong ngiti ni Reubert, at sa maluha-luhang mga mata ni Nathan habang pinagmamasdan ang professor n’ya.
“Tell us, how were you able to differentiate his scent from the other alphas?” biglang pasok ni Aahmes na pamatay ng moment.
“His scent is different,” sagot ni Reubert, “Parang nagiging solid ito, parang pulang trail na papunta sa kan’ya. Ito lang ang natitira... ”
“...na parang nawawala ang ibang amoy sa paligid...” dugtong ni Louie na napatitig kay Reubert.
“Mr. Del Mirasol, it seems you know the feeling?” tanong sa kan’ya ni Aahmes.
“Yes... just recently, with my omega partner,” sagot ni Louie na muling humarap kay Reubert. “Ano ang naaamoy mo kay Nathan?” tanong n’ya.
“Amoy sandal wood siya, ang paborito ko’ng scent mula pa noong bata pa ako.”
“Ang partner ko naman, amoy vanilla... habang ako, amoy cinnamon ayon sa kan’ya,” sinabi ng bayaw ko na napatingin sa anak n’ya. “Ano naman ang naaamoy mo kay Sir Go, Nathan?”
“...lilacs...” mahina’ng sagot ni Nathan. “Ang bulaklak na nilalagay ni papa Jonas sa asukal natin noon...”
“Ibig sabihin ba nito...” hindi natuloy ni Blessing ang sasabihin n’ya.
“It means that they are fated pairs,” pagtatapos ni Aahmes.
Mahaba pa ang naging talakayan namin. Sa huli, napagpasyahan ni Louie na ipaubaya na muna kay Reubert ang pag-aalaga kay Nathan, matapos magpresinta ang isa na disiplinahin ito.
“Papa, seryoso ka ba?!” reklamo ni Nathan.
“At least kung kasama mo si Sir Go, baka mas makaya ka n’yang pasunurin, as your fated pair,” sabi ng ate Blessing niya.
“Tama, gaya nang pagpapasunod ni Josh kay Papa!” sabi ni Mercy, “As a matter of fact, sa bahay na nga siya nakatira ngayon, eh!”
“Ha? Since when?” sabay naming tanong ni Nathan.
Nasa bahay na nila si Blondie?! Wala ako’ng alam dito, ha?
“Since Friday,” sagot ni Bless.”
“Ah, kaya pala pinapamigay n’yo na lang ako?!” mukmok ni Nathan.
“If that’s what it takes to help you,” sabi ni Louie, “Anyway, nakikitulog lang si Josg sa guestroom! Besides, in this day and age, such cases are already common, particularly when alpha-omega pairs are involved.”
“And I promise to take good care of Nathan for as long as we’re together,” sagot ni Reubert na may ngiti sa mukha.
“Sandali lang, hindi pa ako pumapayag!” reklamo ni Nathan.
“Can you look me straight in the eyes and tell me na hindi mo ako gusto’ng makasama?” tanong sa kan’ya ng mate niya.
“Hi...” nagtitigan ang dalawa. “Hin... Hind... Arghhh!” sigaw ng pamangkin ko na huling-huli na.
“That settles it then!” tumayo si Louie mula sa mesa. “Mr. Go, I’m leaving Nathan under your care and supervision.”