Chapter 81 - magkaiba, pero pinagbiyak na bunga

2197 Words
Chapter 81 - magkaiba, pero pinagbiyak na bunga     Limang araw na ang lumilipas at `di pa rin nagigising nang tuluyan ang sutil ko’ng pamangkin. Alam ko na tumatagal nang isang linggo o higit pa ang mga pasyente na nao-overdose sa droga, pero ang hirap maghintay, lalo na at mahal mo sa buhay ang nakalatay sa kama. Putang ina. Nauna pa’ng ma-discharge ang isa sa mga demonyo’ng may dahilan kung ba’t na ospital si Nathan in the first place. Nagising nang isang araw sa kanyang 3 day coma `yung kasabayan namin dito sa ospital, at na-discharge na rin kahapon. Ang nakakabwiset pa, hindi namin s’ya p’wedeng sugurin. Hindi rin namin s’ya p’wedeng idemanda, dahil hindi ko dapat alam ang nangyari nang araw na `yun. Hindi namin pwedeng kunan ng statement si Nathan na nasa comatose state pa rin hanggnag ngayon. Wala ring nakuhang CCTV footages sa Club A kung saan naganap ang krimen, kaya wala dapat may alam kung ano ang tunay na nangyari noong araw na iyon. Nanggigil na lang ako’t nananahimik, lalo na nang malaman ko na nagising na rin ang dalawa pa sa apat na mga salarin. Kasama si Dan. “This is so frustrating!” singhal ni Louie na nag-kwento sa akin nito habang kasama kong nagbabantay kay Nathan. “Alam ko na magkakasama silang magkakabarkada, pero wala daw silang maalala sa nangyari sa buong araw na `yun! Ni `di nila maalala na pumunta sila sa Club A!” ”Hmph. Putangina lang,” bulong ko. “Wala bang paraan para mapagsalita sila? Baka nagkukunwari lang sila’ng walang maalala?” tanong ko. “Pucha... tama ba’ng si Nathan lang ang nagkaganyan sa kanilang lima?!” “`Yun din ang iniisip ko. Alam ko, sila ang may gawa kay Nathan nito, pero wala tayong ebidensya,” sagot ni Louie, “isa pa, mabibigat na abogado rin ang kinuha ng mga pamilya nila. May nag-alok nga pati kay Florence, eh, buti at `di s’ya pumayag, dahil alam n’yang konektado ang apat sa nangyari kay Nathan.” “Speaking of Florence, dadalaw daw ba sila ngayon?” tanong ko sa bayaw ko. “Oo, baka parating na rin `yun.” sagot ni Louie na napatingin sa relo n’ya. Tamang-tama naman ay may kumatok sa pinto. Bumukas ito at pumasok ang dalawang lalaking magkaiba, pero pinagbiyak na bunga ang pagmumukha. ”Florence, Franklin, buti nakarating kayo.” bati sa kanila ni Louie. Sila ang kambal na Derejedo. Ang isa ay magaling na abugado, ang isa naman ay magaling sa basag-ulo. Kita naman sa pananamit, kagalang-galang ang suot na barong tagalog ni Rence, habang si Lin naman ay nakasuot ng itim na shirt na may juts na design at puros bakal at leather ang mga braso na puno ng tattoo. Isang tanyag na tattoo artist kasi ito. “O, mga `tol, `musta na?” bati sa `min ni Lin, “`Di pa ba nagigising `tong alaga natin?” “Hindi pa nga, eh, nag-aalala na nga kami...” sagot ni Louie. “`La `yan `tol, nang huli ako’ng na overdose, 8 days ako na-coma, kaya `wag kayo’ng mag-alala, magigising din `yan!” pagmamayabang ni Lin. “Loko,” binatukan s’ya ng kakambal n’ya. “kahit kailan talaga, kuya, puro kalokohan ka!” ”Pinagagaan ko lang ang mood!” sagot nito, natatawa. ”Mukha namang maayos na si Nat-Nat, pawala na rin mga pasa n’ya.” ”You should have seen him when we first found him,” sabi ni Louie. “So, pano na kaso? May suspects na ba kayo?” tanong ni Lin. “Meron, pero mahirap maghabol dahil walang ebidensya,” sagot ko. “Ayun nga ang kinababahala namin, eh, maaring maging unsolved case ito, dahil kahit ang ibang mga pumunta sa Club A noong araw na `yun, puros nawalan ng memory after mag-amok,” sabi ni Rence, “and iba namang beta at mga babae sa club ay puros takot magsalita!” “Hindi rin namin sila ma-incriminate kay Nathan kahit alam naming magkakasama sila, dahil p’wede nilang sabihin na sadyang nagpa-party lang sila sa bar.” dagdag ni Louie. “Tumawag man si Dan kay Blessing nang araw na `yun para sabihing gigimik silang magkakabarkada, `di natin kayang patunayan na sila ang may gawa nito kay Nathan. Isa pa, hindi pa sila pumapayag magbigay ng DNA and semen samples para ma-check ang nakuhang semen specimens kay Nathan noong pinasok s’ya sa ospital.” “At kahit pa mapatunayan ito, p’wede nilang sabihin na consensual ang lahat, or idahilan na tinamaan sila ng rut dahil sa kung ano mang gamot na kumalat sa buong bar,” dugtong ni Rence. “Kaya nga kailangan nating magising agad si Nathan para maayos na ang kaso,” sabi ni Louie. “Kung bakit kasi, nawala lahat ng footage sa lugar na `yun...” napailing si Rence. Ako naman ay medyo tinamaan. “Eh, `di ba nga, sabi ni erpats, pag-aari daw ni Col. Rozales ang Club A?” sangit ni Lin. “Anak n’ya `yung isang kabarkada ni Nat-nat na nasa coma pa rin hanggang ngayon.” “At si Dan naman ay anak ni Sen. Di,” dagdag ni Louie. “mabibigat ang mga `to, kaya nga linggo pa lang, wala nang balitang masasagap sa TV o radyo tungkol sa Club A incident.” “Oo nga, pinalabas lang nila na may bagong alpha stimulant na kumalat at na-overdose dito ang mga tao,” nakangising sinabi ni Lin. “Kung meron man noon, gusto ko itong masubukan!” “Actually, meron talagang alpha stimulant,” singit ko sa usapan nila. “Woah! Meron ka?” tanong agad ni Lin sa `kin. Truth be told, wala talagang gamot. Pero kailangan maipaliwanag ang nangyari, kaya, kami ang napag-atasan na gumawa ng palusot para rito. Tumawag sa akin si Gagamba noong Linggo at sinabihan ako’ng muling ilabas ang formula na ginawa ko dati para pagtakpan ang unang aksidente sa Tanay Facility. Which is, by the way, kagagawan rin ni Reubert. Palalabasin namin na ito ang nakitang `drug’ sa Club A. ”Dinala sa amin ng Gender Police ang findings nila,” kuwento ko, “isang highly concentrated omega pheromone based stimulant ang nakita sa venue. Kaya nitong maapektuhan ang mga alphas at maging mga omegas. Highly volatile.” “So, may ‘Terminus pill’ talaga?” tanong ni Lin na malaki ang ngisi sa mukha. “Anong Terminus pill?” tanong ko pabalik. “`Yun ang tinatawag nila sa bagong stimulant na `yan, ‘Terminus’, because it terminates everything in one glorious o****m!” sagot ni Lin, tumatawa. “’Club A Drug’ o `Terminus’ drug ang street name n’ya ngayon, at kaparehas lang daw ang epekto nito sa nakuhang drug sa isang facility sa Tanay, Rizal dati, kung saan nagpatayan daw lahat ng mga alpha sa loob nito.” Bigla ako’ng kinabahan. “A-anong facility `yon? At saan mo nanaman nasagap `yang balita mo?” tanong ko kay Franklin. ”Never underestimate the sources of a known drug addict,” singit ng kakambal n’ya. “D’yan nga ako madalas kumukuha ng leads ko, eh.” “Ex-drug addict!” Pagtatama ni Lin, “For your information, narinig ko `yun kay papa, at matagal na `yun nangyari, mga 5 or 6 years ago na,” patuloy nito. “Ang nakakapagtaka, lang, eh, walang makuhang sample ng drug na `yun kahit saan. Sumulpot lang ito at naglaho na parang bula, at ngayon, eto nga at sumulpot nanaman.” “At mukhang lumabas pa sa market...” dagdag ni Rence. “And since walang memory ang lahat ng alphas and omegas sa lugar na `yun, eh, mukhang wala na rin makakapagsabi kung saan nila ito nakuha.” Well, hindi talaga nila mahahanap ang stimulant na `yun, dahil isang batch lang naman ang ginawa ko. And I never wrote the formula. Also, I disposed of it already. Kailangan nila ng scapegoat para sa insidente’ng nangyari, kung hindi, iisipin ng mga tao, may mga terorista na sadyang pumapatay sa mga alphas. Kaya nga pinalabas na lang nina Gagamba at Grinch na nag-overdose ang mga parokyano ng Club A sa naturang stimulant, sabay warning sa mga balak gumamit nito na `extremely harmfull’ ang effects ng drug. As if may makukuha sila nito. Feeling ko nga, mas magkakagulo pa ngayon dahil sa pagkalat ng balita. Siguradong maraming maglalabasang fake `Terminus’ drugs dahil dito. Humans are naturally curious, after all. “Ang inaalala ko, kahit pa mapatunayan natin na ang apat na kaibigan nga ni Nathan ang gumawa nito sa kan’ya, p’wede nilang gawing palusot ang Terminus drug. P’wede nilang sabihing wala sila sa sarili kaya nagawa nila `yun,” patuloy ni Lin na biglang nag-seryoso. “Kaya nga gusto ko talagang masubukan ang Terminus na `yan, eh, para malaman kung gaano ito ka-epektib!” Natahimik kami sa kuwarto. May punto nga s’ya. Aside from saying that they remember nothing, they can also blame the effects on the drug. A drug that does not even exist. “Fuck.” “The f**k it is, lil bro,” ginulo ni Lin ang buhok ko. “Baka p’wede mo ko’ng ipuslit ng kaonting Terminus mula sa evidence rack n’yo?” pangungulit pa nito. “Tuturuan mo pa’ng maging gago ang Eric natin!” muli s’yang binatukan ng kakambal n’ya. “Ikaw, Rence, nakakahalata na `ko sa `yo, ha?” inambaan n’ya ito. Nagtititigan pa ang kambal, nang magbuntong hininga si Louie. “Well... what ever happens, let’s just hope that Nathan wakes up soon.” sabi nito. “At sana, naaalala pa n’ya ang nangyari sa kan’ya.”   Naputol ang usapan namin nang may kumatok muli sa pintuan. Pumasok maya-maya sina Blessing at si Mercy na may dalang pagkain. ”Ninong Florence!” bati ni Mercy na nagmano kay Rence, ”Buti po nakadalaw kayo kay kuya.” ”O, wala ka’ng pasok ngayon?” tanong ko rito. ”Nag-absent po ako, tito, malakas kutob ko, gigising si kuya ngayon!” Nagmano naman si Bless sa ninong Franklin n’ya. ”Aba, dalagang-dalaga na ang Blessing namin, ha?” masayang bati nito. ”Opo, tito Lin,” singit ni Mercy, ”May nanliligaw na nga kay ate, eh!” Nawala ang ngisi sa mukha ni Lin na paborito si Blessing. ”Sino? Alpha ba? Nasaan?” ”Ninong talaga, buti na lang `di ko kasama si Miles ngayon.” natatawang sagot ni Bless. ”At saka alam n’yo po ba, si papa may bagong boyfriend na rin?” chismis ni Mercy. ”Ows? Talaga?!” nanlaki ang mga ngiti sa mukha ng kambal. ”Ano’ng pangalan?” ”Taga saan?” ”Saan nagta-trabaho? ”Sexy ba o pogi?” ”Kakilala ba namin?” ”Haay, kayo talaga, pati ako iniintriga n’yo!” sagot ni Louie. ”Teka,” singit ko, ”Akala ko ba ipinasa mo na kay Florence ang kaso para p’wede na kayo’ng mag-on?” Napatitig sa `kin si Louie na nanlaki ang mga mata. ”Ano kamo?!” tanong ni Rence, ”`Wag mo’ng sabihin... si Mr. Safiro ba ang bata mo ngayon?!” “Bata ka d’yan...” sabi ni Louie, namumula, “he’s already of legal age.” “Pucha, pare, kaya pala pinilit mo `ko’ng kapitan ang kaso?!” “Pinagkakatiwalaan kita kaya ikaw ang pinili ko!” palusot nito. Loko talagang Louie `to! Ni `di pala pinaliwanag kay Rence kung ba’t n’ya pinasa rito ang kaso n Blondie! ”Nasaan na nga ba ang bata mo?” nakangisi ko’ng tanong. ”May class s’ya ngayon, kaya pinagbawalan ko s’yang pumuntang ospital. Iniisip nga n’ya, kasalanan n’ya kung ba’t nagloko si Nathan... dahil sa inuuna ko pa siya kesa sa sarili kong pamilya...” sagot ni Louie. ”Sus. Ikaw ang may kasalanan nun kung sakali, hindi si Blondie!” sagot ko. ”Eto talagang si Eric, tumanda na, di pa rin pumupurol ang dila!” sabi ni Lin na umakbay sa `kin. ”Kaya walang nagtya-tyaga sa `yo, eh!” ”Uy, tito, akala mo lang `yan! Alam n’yo ba, may mate na rin si tito Eric?” bisto ni Mercy sa akin. “`Oy, ikaw Mercy, ha, bakit ba ang daldal mo ngayon, bata ka?” nginusuan ko `to. “Aba... ayan ba `yung poging omega na pinagtanggol mo dati? Kayo na ba ngayon?” nakangising tanong ni Florence. “Hanggang ngayon kamo, ninong!” eto nanaman si Mercy! “Aba... kaya pala hindi na ko `uli pinatatawag ng mga pulis!” ”Pinatawag ka ng pulis?” tanong ni Louie, ”Kailan `yan? Ba’t wala akong alam d’yan?!”  ”Nasaan nga ba si Doc Aahmes, tito?” tanong ng pahamak na si Mercy. ”S’ya namamahala sa lab ngayon, kaya ako nakapunta rito,” sabi ko. ”Shh! Nagsasalita si Nathan!” Natahimik kaming lahat sa sabi ni Blessing na nakaupo sa tabi ng kapatid n’ya. Lahat kami naglapitan at pinaikutan s’ya sa kama. ”...er...” bulong ni Nathan. ”...ert...” ”Ano raw?” tanong ni Lin. ”Shh....” pigil ni Rence. ”Kuya, gising na!” tawag naman ni Mercy, sabay hampas sa braso ni Nathan. Unti-unti’ng bumukas ang mga mata nito’ng nakasimangot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD