Chapter 5

1452 Words
Chapter 5 Sapiosexual?     In the end, wala rin ako’ng nagawa kung `di hayaan si Aahmes na pasikipin ang bahay ko. Nagkaroon ako ng fully furnished kitchen, living room, den, at bath tub sa ilalim ng shower sa malaking banyo sa second floor. Pinalitan nga n’ya ang single bed ko ng double at naglagay pa ng study table at wardrobe dito. Sa kuwarto naman n’ya ay may divider pa s’ya at yoga area na may carpet. Pati ang terrace ko ay nilagyan n’ya ng mga upuan, at garden set naman sa back yard. Ngayon, `pag naglalakad ako, pakiramdam ko naliligaw ako sa bahay ng ibang tao! “Now, I can prepare better food for you!” sabi n’ya nang mag-alisan na ang mga kargador. Binuksa n’ya ang kanyang doble door ref, at ang gulat ko nang makitang puno ang loob nito! “Wow, ano `yan pagbili mo libre laman?” pamimilosopo ko’ng tanong. “No, I actually bought the food earlier and placed them inside while you were busy telling the movers where to place your bed,” sagot n’ya habang naglalabas ng karne sa kalahati nito’ng freezer. “Haay... ano naman balak mo’ng lutuin?” Inusisa ko ang nilabas n’ya. Mukhang steak. “Something quick,” sagot nito, “I know you are hungry.” Naglagay s’ya ng olive oil sa bago n’yang biling frying pan, inilagay ang steak nang mainit na ito, tapos ay binudburan ito ng asin at paminta bago nilipat sa bagong bili n’yang mga pinggan at hiniwa sa harapan ko. Pucha, tumulo ang laway ko sa amoy nito! Naglabas pa s’ya ng red wine at dalawang goblets at inabot ang isa sa `kin. “Are you still angry?” tanong n’ya sa `kin. “May magagawa pa ba `ko?” “Good, let us eat, then.” “Wala’ng kanin?” napatingin ako sa mga pinamili n’yang appliances. “Hindi ka bumili ng rice cooker?” “Rice cooker?” kumunot ang noo ni Aahmes, “Ah, that is right, rice is a staple here in your country. Would you like some dinner buns instead?” at nag-abot s’ya sa `kin ng maliliit na monay. “Saan mo nilagay `yung luma ko’ng rice cooker?” “I told the men to place them outside.” “Ha? Bakit outside?” “We won’t be using  them anymore. Might as well throw them out to save space.” “Ha?!” napatunganga ako kay Aahmes. Nagmamadali ako’ng lumabas at nakita ang lahat ng mga lumang gamit ko na nakatambak sa tabi ng pader ng driveway! “At sino naman nagsabing ilabas mo mga gamit ko!? Maaayos pa mga `to!” kinuha ko ang rice cooker ko at oven toaster at ibinalik ang mga `to sa loob ng kusina. “`Wag mo’ng pakeelaman ang mga gamit ko, ha!” “But the counter on your toaster does not work anymore.” sabi nito. “Eh, ano kung walang counter? Nakakaluto pa naman! At mas gusto ko `yung walang alarm, hindi nakaka-gulat!” “Okay, if you insist.” Bahagyang naglapit ang mga kilay ni Aahmes. “I just don’t see why you need to keep it, when you can easily buy a new one.” “Kung p’wede pang gamitin, `di kailangan bumili ng bago!” pilit ko. “Nasaan na nga pala `yung pina-laundry mo?” “Oh, they are still at the back of my car.” Tumayo s’ya at lumabas. Sa pagbalik nya, isang malaking laundry bag ang dala n’ya. “Ano `yan? Libre sa laundromat?” tanong ko. “I bought it for us.” sagot ni Aahmes. “Nagkasya dyan lahat ng damit ko? `Di ba’t kanina, tatlong garbage bag ang dala mo dahil binitbit mo lahat ng laman ng aparador ko?” “Yes, I told the people there to get rid of the old ones.” “Ha?!” napatunganga nanaman ako kay Aames. “At ano namang karapatan mo’ng itapon ang mga damit ko?!” “I noticed that most of your clothes are already threadbare, also, you only have two formal suits which are also threadbare and faded. You should buy new ones.” “`Di ko kailangan ng new ones dahil `di naman ako umaalis!” pilit ko rito na kumakain na ngayon. Pucha, paborito ko pa naman ang mga `yun dahil malalambot na sa katawan! Pero mukhang kahit anong galit ko, eh, `di tinatablan ang tarantado’ng arabo na `to! Wala na `kong nagawa kung `di magbuntong hininga at umupo sa mesa. Tinitigan ko ang niluto n’ya at tinikman ito. “Next time, we need to go to the tailor to get you measured for a new suit.” “Anong measured-measured ang sinasabi mo?” tanong ko, namumuwalan. “`Di ko kailangan ng suit.” “What if you need to go to a meeting? Or an award ceremony?” “Wala akong pinupuntahang ganoon.” umabot pa `ko ng isang piraso ng niluto n’yang steak. “Professor, you have a scheduled meeting on Thursday, and the award ceremony for your newly developed suppressant will be held next month.” “Sino’ng nagsabi?” sinimangutan ko s’ya habang umiinom ng wine. “Your schedule did,” sagot n’ya. “I have been reminding you about the meeting since last Friday.” “Haa... ikaw na lang pumunta.” “It specifically requested for your presence, professor Antonio.” pilit nito. “If it’s not life or death, then I’m not needed,” sagot ko. “Ikaw na lang ang pumunta.” Kinuha ko ang huling pisaro ng steak at sinabayan ito ng maliit na monay. “Sarap nito ha, magluto ka pa nga.” Tinitigan ako ni Aahmes, tumayo sa kan’yang kinauupuan, iniwan ang kalahating steak sa kanyang pinggan, at nagsuot ng apron para magluto `uli. Pinanood ko s’ya habang nakatalikod sa `kin. Bakit nga ba nagpapaka-ulila sa `kin `tong loko’ng to? Kung tunay s’yang prinsipe, ba’t s’ya pumapayag na gaguhin ko s’ya? Pero kung hindi naman totoo `yun, pano n’ya nagawang bilhin lahat ng appliances na ito? Mukhang matalino namn s’ya, may itsura, long hair, makisig, maamo ang mukha, marami nga sa trabaho, napapatitig `pag nagdadaan s’ya, at maraming nagpapa-cute sa kan’ya sa mga interns ko and researchers, pati ang mga alpha sa kabilang division, madalas magpapansin sa kan’ya. So, bakit nagpapakatanga s’ya sa `kin? Nang una s’yang dumating, ang sabi n’ya mahal daw n’ya ang mga gawa ko. Mahal daw n’ya `ko dahil mataas ang respeto n’ya sa `kin. Nang una, nagulat ako sa sinabi n’ya. Sa totoo lang kasi, wala pa’ng taong nakakapagsabi sa `kin noon, maliban lang sa kuya ko. May mga lumalapit dati, oo, mga babae na nagwa-gwapuhan sa `kin, pero matapos ko sila’ng mapagtaasan ng boses ay sasama na ang loob o bigla na lang iiyak. Pucha. Ano naman kasi silbi sa `kin ng babaeng iyakin? Kung `di nila kayang makibagay sa ugali ko, `di talaga sila tatagal bilang assistant ko. Pero ito’ng si Aahmes... sa bagay, mukhang autistic si gago. Malamang nasa spectrum `to kaya `di tinatablan ng mga insulto ko. `Di kaya sapiosexual din s’ya? Posible, in love s’ya sa katalinuhan ko kaya ayaw n’ya ako’ng lubayan. Tinignan ko ang kalahating steak sa pinggan nya. At least masarap s’yang magluto, and since hindi s’ya naiinsulto sa mga ginagawa ko, eh, hindi ko kailangan pigilan ang sarili ko `pag naiirita ako sa kan’ya! Napangisi ako. Hindi na masama, nagkaroon pa `ko ng assistant na matalino, `di tulad ng ibang mga nagdaan na puro mga tanga. Umikot si Aahmes at naglakad pabalik sa mesa. Agad ako’ng umiwas ng tingin sa kan’ya. ”Here you go, professor, I added a splash of red wine for flavor.” Agad ako’ng kumuha ng isa rito. “Mmm... sarap!” “I am glad that you like it. Most of the food I prepare are simple, quick and easy to cook, since I myself am usually busy with my own work.” “Mm.” “By the way, professor, is there anything that you do not eat? Any preferences or allergies” “Wala.” “Good, I will try to create healthy, balanced dishes for you from now on, so as to make sure that you are at the peak of your health.” Ang daldal naman nito. “As for the new appliances, think of them as my gifts to you for taking me in as your student. After our meal, I would like to go through your study with you and start the extraction of the omega pheromone so we can start on the project as soon as posible.” “Sige na, kumain ka na,” sabi ko para matahimik na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD