Chapter 4 - Saan Mo Balak Ilagay `Yan?!
“Akala ko ba sabi mo Marunong ka’ng mag-laba?!” bulyaw ko sa loko’ng Arabo na nakatayo sa tabi ko.
“Correction” sabi nito, “I said, I know how to cook. I never said anything about other housework.”
“Eh, bakit mo pinakeelaman `tong washing kung `di mo naman alam gamitin?!”
“Because, how hard can it be?”
Tinitigan ko nang masama ang lokong omega na nagpumilit makitira sa pamamahay ko.
“At ngayon, tignan mo ang ginawa mo! Nag-over flow ang sabon sa laundry area!” sinipa ko ang foam papunta sa kan’ya. “Biro mo, halos tinambak mo `yung buong bote ng liquid detergent sa loob ng washing machine!”
“It said in the instructions to put 1 cup full for every 10 pieces of clothing...”
“Ten pieces ng malalaking damit! Hindi yung tig-sasampung pirasong under wear lang at mga medyas ang lalabhan mo!” bara ko rito, “Anong utak ba ang meron ka? Tinagurian ka pa namang scientist, nuknukan ka naman pala ng katangahan!”
”It is simply a case of trial and error,” sabi nito na `di natinag sa mga sinabi ko. “Now, I know better.”
“At teka, sino ba ang nagsabing labhan mo lahat ng damit ko?!” muli ko’ng sita rito, “Kahapon, hinika ako nang i-reverse mo ang vacuum sa loob ng bahay, ngayon naman tinambak mo laman ng underwear drawer ko sa washing! Eh, ano’ng isusuot ko n’yan?”
“Aren’t you wearing one already?” pamimilosopo nito.
“Eh, pano `pag naligo ako?!”
“Do you plan to take a bath today? You just took one yesterday, and you don’t stink yet.”
“Eh, pano kung maisipan ko’ng maligo ngayon?”
“Then I will go buy you new ones.”
Inambaan ko s’yang sasakalin. Ni `di s’ya umiwas o umilag sa `kin. Alam n’ya k’se na `di ko kayang sakalin ang isang `prinsipe’.
“Punyemas! Kung ba’t k’se pati mga damit ko pinapakeelaman mo!”
“They stink of mildew.”
“Eh, ano, ikaw ba ang magsusuot?”
“No, but I am forced to smell you since we are living together.”
“Pinilit ko ba’ng tumira ka sa pamamahay ko?”
Hindi na s’ya sumagot. Sa halip, kinuha n’ya ang hose at binomba papuntang driveway ang sandamakmak na soap sudds mula sa `king washing machine. Pumasok na lang ako ng bahay para hanapin ang instruction manual ng automatic washing machine ko.
B’wiset talaga, oo. Kung ba’t kasi pumayag pa `ko na patirahin dito `yung arabong `yun, eh. Ah, Egyptian nga pala s’ya, pero iisa naman itsura nila kaya Arabo na siya ngayon. Besides, matagal nang nagkaisa ang mga bansa sa Gitnang Silangan na tinawag nang United Arab Countries of the Middle East ngayon.
Doon daw s’ya galing, sa UACME. Isa raw s’yang `prinsepe’ na maraming pinag-aralan, kaya feeling n’ya, alam na n’ya lahat! Buti nga totoo ang sinabi n’yang marunong s’yang magluto, kung `di nga lang masarap luto n’ya, matagal ko na s’yang pinalayas, kahit pa isa s’yang dominant omega.
“O, `yan, pag-aralan mo nang mabuti!” sabi ko, pag-abot sa kanya ng manual ng washing machine. “Baka naman mamaya `di mo pa `yan maintindihan, ha?!”
“Thank you. It would have helped a lot if you had given me this earlier.”
“It would have been even better kung sinabihan mo `ko na maglalaba ka!” balik ko rito.
“You were busy in the lab, I didn’t want to disturb you.”
“At sa tingin mo, hindi mas malaking istorbo ang nangyari ngayon?”
Tinuro ko ang driveway ko na ngayon ay natatakpan na ng wall-to-wall bula. Nagkibit-balikat lang si loko na ipinagpatuloy ang pag-hose nito palabas ng gate.
Iniwan ko na s’ya nang tuluyan sa baba at pumanik sa aking laboratoryo. Kumuha ako ng blood samples sa aking cold storage at inilagay ito sa rotator, nang may marinig ako’ng putok at mawala ang kuryente sa buong bahay!
”Pucha, ano naman ang nangyari ngayon?!”
Nagmamadali ako’ng bumalik sa baba at nakitang nakatayo si Aahmes sa gitna ng mga bula at nakatitig sa umuusok ko’ng washing machine!
“Pucha! Ano nanaman ang ginawa mo!?”
“I think I accidentally got the outlet wet.”
“Anong accidentally?! Pano mo accidentally madidiligan ang power outlet ko?!”
“Perhaps because the place is covered in soap suds and I had no idea where it is.”
“Puchang’na... lumayo ka d’yan at baka makuryente ka pa!” sigaw ko rito.
Bumalik ako sa loob ng bahay at pinatay ang main switch. Pagbalik ko sa labas, nakita ko si Aahmes na inilalabas ang laman ng washing.
“O, saan mo naman dadalhin `yan?”
“To the laundromat nearby,” sagot nito.
“Dapat kasi simulat-sapul dinala mo na lang `dun `yung mga damit!” naiirita ko’ng sabi.
Lumapit ako sa kan’ya at tinulungan s’yang maglabas ng mga brip at medyas dito. Inilagay namin `yun sa isang garbage bag na malaki kasama ng iba pang mga damit na hinakot ni Aahmes, tapos ay umalis na s’ya papuntang laundromat.
“Haay! Sa wakas! Natahimik ang bahay!” sigaw ko sa paligid.
Ako na ang nag-hose sa natirang bula, since wala ang sasakyan ni Aahmes sa driveway ay mas madali ko’ng nawalis ito palabas. Tapos noon ay inalis ko sa saksakan ang washing na mukhang naprito, at saka binuksan `uli ang main switch.
Mukhang naputukan ako ng circuit, ngayon kailangan ko pa’ng tumawag ng electrician!
Binuksan ko ang aking back-up generator at naghanap sa net ng electrician na malapit sa bahay. Dumating naman s’ya 15 minutes later, inayos ang kuryente, at umalis din. Samantalang si Aahmes naman ay `di pa bumabalik.
Naiirita man, kinuha ko ang aking phone at nag-text dito.
‘San ka nagsuot?’
‘I am on my way home right now.’
On my way, eh...
May narinig ako’ng bumusina sa labas.
Sumilip ako at may nakitang dalawang malalaking cargo trucks!
Muli ako’ng nakarinig ng busina. Lumabas ako at binuksan ang maliit na gate sa gilid at nakita ang sasakyan ni Aahmes. Lumabas s’ya at lumapit sa `kin.
“Can you open the door so we can let them in?”
“Ha?!” napakunot ang noo ko.
“I bought a new washer and dryer and some other stuff to replace the one I broke.”
“Ha?” napakamot ako ng ulo.
Pumasok si Aahmes, nilampasan ako, at binuksan mag-isa ang gate sa driveway.
“Okay, you can take them in now!” tawag nito sa mga lalaking nakatayo sa tabi ng dalawang cargo trucks.
“Ba’t bumili ka pa? P’wede pa naman ipaayos `yung isa...” natigilan ako nang maglabas ng front loading washing machine ang mga kargador. Sinundan ito ng dryer.
“Please place those at the right side of the house.”
“Bakit dalawa pa ang binili mo?!” tanong ko rito.
“These are easier to use.”
“Says who?”
“Said the sales personel at the appliance store.”
“Well, who’s gonna pay for them?!”
“Don’t worry, I already paid for everything,” sagot nito na ngumiwi sa akin.
“Sir, saan po namin ilalagay itong oven?” tanong ng isa pang karkador na may kasunod na dalawang may bitbit na malaking kahon!
“Inside the kitchen, follow me...” at naglakad sila papasok ng bahay.
“Teka, teka, ba’t ka bumili ng oven?!”
”It is very hard to use a single burner induction stove.” sagot nito, sabay tawag sa iba pang sumusunod sa amin na may dala ring mga kahon!
“Please place the coffee maker and microwave oven on the counter, place the Refridgerator over there.”
Napatingin ako sa mala-aparador na kahon na buhat ng anim na tao!
“Ba’t ang dami mo’ng binili?!”
“Of course, how can I cook if all you have is a small stove and a miniature refridgerator?” turo n’ya sa 4 cubic feet ko’ng ref.
“Eh, `di ko naman kailangan ng ganyang kalalaking gamit, eh!”
“Oh, don’t worry, I bought them for myself,” sagot nito, “that way, you won’t get mad in case I break them.”
“Ha?!”
So, tinablan pala s’ya nang nangyari kanina?
”Sir, nailagay na po namin sa living room ang mga sofa, yung mga kama po, saan namin ilalagay?”
”Anong kama?!”
”I bought proper beds for your rooms.”
“Bakit? Anong problema mo sa mga kama ko?”
“The singles are too small,” sagot nito na pataas na ng hagdan, “I bought double beds for both of us, the singles can go in the extra rooms.”
“And who told you to rearange my house?” reklamo ko rito.
“Don’t worry, you can keep everything when I leave.”
“That’s not the problem!” napasigaw na ako sa inis.
“Umm... Sir? Ito’ng bath tub po, saan?”
At napatitig ako sa bitbit na bathtub ng apat na kargador.
“Saan mo naman balak ilagay `yan?!”