Chapter 57 - I’ve seen way too many arrogant alphas like you

1633 Words
Chapter 57 - I’ve seen way too many arrogant alphas like you     “Prof. Antonio.” Tawag nang malamig na boses ni Aahmes sa `kin. “Prof. Antonio.” Inaantok pa rin ako, pero mukhang seryoso n’ya akong ginigising. “Wake-up.” Inabot ko s’ya at niyakap. Ang lamig ng paligid, ba’t parang wala ang kumot ko? “Aahmes, I’m cold...” lambing ko rito. “Wake up, ghabi!” “Aray!” nagising ako nang tuktukan ako ni  Aames sa bumbunan! “What was that for?!” Tinignan ko s’ya at nginusuan. Ba’t ang aga-aga bad trip na agad `to?! “T-tito Eric!” tawag ng cute na cute na boses ng aking anghel. Napatingin ako sa tabi at nagulat nang makita si Meme at si Nathan na nakatayo sa tabi ko! Pucha! Nasaan ba ako?! Tama, umidlip nga pala `ko sa pantry matapos ang meeting namin, at ngayon ang dating ng mga pamangkin ko! “Ah, nandito na pala kayo?” agad ako’ng bumangon at umupo sa tinutulugan ko’ng sofa. Napatingin ako kay Aahmes na namumula sa tabi ko. “Aahmes, I told you to wake me at 1 pm!” bulong ko rito. “I was busy,” sagot n’ya. “But I haven’t even eaten yet!” hinawakan ko ang kamay n’ya. “T-that’s you’re problem! Ghabi!” humiwalay s’ya sa `kin at naglakad paalis. Ba’t kaya nagalit nanaman `yun? Akala ko ba, bati na kami kanina? Dapat nga ako pa mainis dahil `di n’ya `ko agad ginising, eh, sabi ko pa naman sabay kaming kumain! “Tito, Ghabi ba ang palayaw mo rito?” tanong sa `kin ni Mercy na sinundan ng tingin si Aahmes. “Ah, hindi, term of endearment lang sa akin ni Aahmes `yun!” natatawa kong sinabi. “It is not! You idiot!” sigaw ni Aahmes na narinig pala ako. “Was that your lover, tito Eric?” tanong sa `kin ni Nathan na sinisilip pa si Aahmes. “I wish,” bulong ko. “He’s a fellow professor and a Doctor of Philosophy in Molecular and Cellular Biology from the United Arab Countries of the Middle East,” seryoso ko’ng sagot. Ayoko naman isipin ng lokong Nathan na `to na pabanjing-banjing lang ako sa trabaho, tulad n’ya. “He’s here to study the omega genome we recently unlocked.” “Really, tito? May advancement na po ang research ninyo?” tanong ni Mercy na proud na proud sa akin. “Oo, baby Mercy, ang galing talaga ni tito Eric mo, `no?” binuhat ko ang favorite kong pamangkin at kinarga s’ya, paikot-ikot. Matagal nang umayaw sa pet name n’yang bebe Meme si Mercy, pero s’ya pa rin ang cute na cute na bebe ko! “Natuklasan ko ang genome na responsible sa pagkakaroon ng womb ng mga omega. Sa pamamagitan nito, maaari na nating malaman kung omega ang secondary trait ng isang bata!” pagmamalaki ko sa dalawa. “Hey, that is classified information!” Napalingon kami kay Aahmes na bumalik at may dalang tray ng pagkain. “Aahmes! I knew you wouldn’t let me starve!” Agad ko’ng binaba si Mercy at lumapit sa kan’ya. “Ah, let me introduce you first,” sabi ko habang nakaakbay kay Aahmes. “This is my niece Mercy and my nephew Nathan,” pakilala ko sa kanila, sabay yakap kay Aahmes, “and this is my Habibi, Dr. Aahmes Abdel,” sabi ko sa dalawa ko’ng pamangkin. “Who is your Habibi?” tinulak ni Aahmes ang mukha ko palayo. “Ah, don’t get mad, Habibi...” lumapit ako sa taenga n’ya at bumulong. “Eto naman, pa-good shot lang ako sa dalawa ko’ng pamangkin, alam mo naman, mataas ang respeto ng dalawang `yan sa `kin. Promise, after this, I will grant you any wish you have.” Kinabahan ako nang nanlaki ang mga mata ni Aahmes. “Tito, ba’t nga ba pinapunta mo pa kami rito?” tanong sa `kin ni Nathan na mukhang bored na. “Una sa lahat,” hinarap ko sila ng seryoso, “pakainin n’yo muna ako.” Matapos kumain ay sinama ko ang apat sa loob ng workstation ko at binigyan sila nang tigi-tig-isang face mask. ”Para saan po ito, tito?” tanong ni Nathan. ”Para walang makabasa sa sasabihin natin.” sagot ko. ”Bakit po? Masyado ba’ng classified ang pag-uusapan natin?” tanong ng bebe Meme ko. ”Oo, at wala akong tiwala sa mga tao sa building na ito,” sagot ko, ”Ang bagay na nabanggit mo sa telepono kagabi...” sabi ko sa kanila, ”isang topic ito na taboo sa alpha society. P’wede mo bang sabihin sa `kin kung saan mo narinig ang tungkol sa dominant omega?” ”N-narinig ko lang po sa school...” sagot ni Nathan na halatang nagsisinungaling. Or at least, `di sinasabi ang buong katotohanan.  “Ang dominant omega ay isang myth o fairytale, tulad ng mga storya ng fated pairs.” sabi ko. “H-ha?” agad nag-react si Mercy. “Pero, sina papa Louie at papa Jonas ay fated pair, `di po ba?” “Hmph! Iyon pa rin ba ang pinipilit ng tatay ninyo?” `di ko mapigil mairita, kahit pa si Mercy ang nagsalita. “There is no such thing as a fated pair. There is no science to back it up! Tanging ang omega lang ang nagkaka-problema `pag kinakagat sila ng alpha, dahil may chemical na inilalabas ang laway ng alpha pag sila ay nasa rut. Para ito’ng kamandag na ini-inject nila sa omega sa pamamagitan ng kagat sa batok, at ang chemical na iyon ay pumupunta sa kanilang pituitary gland at sinisira ang kanilang s****l appetite para sa ibang tao.” Tama. Ito ang totoo, ang scientific explanation behind alpha-omega pairs, fated man o hindi. Ito ang narealize ko sa tagal nang panahon ko sa linyang ito. “Ano kamo?” tanong ni Nathan na napakunot ang noo. “It is a type of imprinting.” paliwanag ni Aahmes, “Like how some animals imprint the first thing they see when they hatch from an egg.” “Right,” patuloy ko, “From the day an omega is ‘marked’ or ‘bitten’, their body will record the alpha’s DNA. Their sensitive smell will then know if the person they are having s*x with is their alpha mate or not. Kaya imposible ang sinasabi nila na alam na agad ng `fated pairs’ ang destined sa kanila simply by meeting them.” “Kaya ba kapag iba ang ka-s*x ng mga `marked omegas’ ay sumasama ang pakiramdam nila?” tanong ni Nathan. “Oo, maari silang mag-suka, magka-panic attack, or in some extreme cases, go into shock and even die,” sagot ko. “Woah, sobra naman `yun!” ani Mercy. “Pero, ang sabi ni papa, mula raw nang maging sila ni papa Jonas, hindi na raw s’ya na-attract sa pheromones ng ibang omega!” pilit ni Nathan, na kahit sira-ulo at m******s ay mukhang nangangarap din na makahanap ng fated pair n’ya. “Hmph! Dahil lang `yun sa napaka OA ng tatay ninyo!” bara ko sa kan’ya. “Ikaw ba naman ang mamapak ng suppressant pills, ewan kung ma-attract ka pa sa ibang omega!” “Pero...” “Wait, are we here to talk about the fated pair myth, or the legend of the dominant omega?” tanong ni Aahmes na mukhang naiinip na sa usapan namin. Humarap s’ya kay Nathan at naghalukipkip ng mga braso. “So, what would you want to know?” “I... I just wan’t to make sure if it’s true... that dominant omegas are stronger than dominant alphas.” ”What for?” muling tanong ni Aahmes. “Are you perhaps, trying to win one over?” Mukhang spot on ang tanong ni Aahmes dahil nagkulay kamatis ang mukha ng pamangkin ko “Wahaha! Don’t tell me, natalo ka ng omega? Ang malibog ko’ng pamangkin na puro yabang! Napabagsak ng isang omega!?” “W-wha?! P-pano n’yo nalaman?!” Bistado si loko! ”It’s too obvious,” sabi ni Aahmes. “I’ve seen way too many arrogant alphas like you.” “Wait...” napatitig si Nathan kay Aahmes, “Don’t tell me, you’re an omega?!” Agad ako’ng pumagitna sa dalawa. “Oi, Aahmes is mine. You’re not allowed to even touch him.” “Who are you calling yours?” siniko ako ni Aahmes sa sikmura. “A-are you a dominant as well?” tanong pa ni Nathan. “Regretably, no,” agad ko’ng sagot. “Ordinaryong omega lang siya na nabighani sa katalinuhan ko.” Muli ako’ng siniko ni Aahmes na mukha talagang malaki galit sa `kin ngayon. ”Can you tell us who this dominant omega is?” tanong n’ya kay Nathan. “I... I can’t...” mahina nito’ng sagot. Napaisip ako. Isang dominant omega? Dito sa pinas? At nilapitan n’ya ang pamangkin ko... Putcha... posible kaya... “Let me guess, then... since mukhang nasa university mo s’ya, malamang isa siyang professor, ano?” Napatingala si Nathan sa `kin. “Pa’no n’yo nalaman? K-kilala mo siya?!” Mukhang tama ang hinala ko. Tila imposible, pero, sino pa nga ba ang dominant omega na makikilala ng pamangkin ko? Napaka laking coincidence naman `yun kung may iba s’yang nakilalang dominant omega, na one in a milion lang ang bilang sa mundo! Maari kayang hinahanap niya ako? Kaya s’ya lumapit sa pamangkin ko? Napatingin ako `uli kay Nathan na seryoso ang tingin sa akin, naghihintay sa `king sagot. ”Pinakilala siya sa `kin dati ng isa sa mga mentors ko, kung s’ya nga ang iniisip ko...” sabi ko sa kan’ya, ”Hindi ko talaga inakala na babalik pa s’ya sa Pinas...” dagdag ko, pabulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD