Chapter 58
”You know him?” tanong ni Aahmes na napatingin sa `kin. As if naman may iba pa akong kilalang DOME maliban sa kanila ng dati ko’ng alaga.
“Sorry, Habibi, I am bound by a vow of secrecy to never indulge the names of my omega patients,” pabiro kong sagot dito.
Kaya nga `di ko binibigay sa kan’ya ang full details ng DOME project namin noon, eh.
“Kung ganoon... totoo nga na may malalakas na omega?!” tanong ni Nathan na mukhang natulala.
”Of course,” sagot ni Aahmes, “in nature, if we compare males to alphas and females to omegas, then a lion is no match for a lioness who hunts for the pride. Elephants are also matriarchal, as well as hyenas and orcas. In the insect world, some females are even bigger than males, as well as many fishes, reptiles and birds of prey. Why would you think that males are always superior?”
“But I can’t understand how they can make an alpha submit to them!” sabi nito.
Nagkatinginan kaming tatlo nina Mercy, at sabay-sabay natawa.
“Kuya, ibig mong sabihin, hindi ka lang natalo, napaluhod ka pa?!” tanong ni Mercy.
“W-wala akong sinasabi...!” bawi ni loko na bistado na.
“Sabihin mo nga, Nathan, ano ang mas matapang ang amoy, ang alpha ba, o ang omega pheromones?” tanong ko rito.
Matagal bago sumagot si loko.
“Ang alpha!”
“Mali!” binatukan ko nga `to! “Napaghahalata nanaman ang pagiging arogante mo! Parehong-pareho kayo ni Louie!”
“An omega’s pheromones are stonger than that of an alpha,” sagot ni Aahmes. “That is why it lasts longer and can cause other people to go into rut.”
“At hindi pa dominant omega iyon,” patuloy ko. “Ininom mo ba ang mga tabletas na binibigay sa front desk bago ka umakyat dito sa East Tower?” tanong ko sa kan’ya.
”Opo.”
”Kung gayon, subukan mo’ng magpakawala ng pheromones ngayon.”
Sandaling nag-concentrate si Nathan, pero walang nangyari.
“Sa mga alpha, tanging mga dominante lang ang kayang mag-release ng pheromones kahit kailan nila gusto,” patuloy ko, “ang iba naman ay parang mga beta, at nakapagpapalabas lang sila ng alpha pheromones kapag nakakaamoy sila ng pheromones ng omegas in heat. In other words, they need an omega to trigger their rut before they can release of their own pheromones. At ngayon, sa ininom mo, ay isang lingo ka’ng magiging ordinaryong beta.”
”Eh?” nanlaki ang mga mata n’ya.
”Hehe, buti nga sa `yo, `di mo natanong, si tito gumawa ng mga suppressants na `yun!” sabi ng bebe Meme ko.
“Now, think of an omega that can release his pheromones freely,” sabi naman ni Aahmes. “Remember, omega pheromones are stronger and more potent, especially when it is concentrated on a single person.”
Natahimik ang mayabang ko’ng pamangkin.
“Kaya ba taboo sila para sa alpha?” tanong ni Meme. “Just imagine, a lowly omega that can make all the alphas bow!”
“Tama! Ang smart talaga ng bebe Meme ko!”
Niyakap ko at pinanggigilan si Mercy, nang mapatingin ako kay Aahmes. Nakatitig s’ya sa amin na wala nanamang expression sa mukha.
Agad ko’ng binitawan si Mercy.
“Anyway,” sabi ko sa kuya n’yang slow. “iyon ang dahilan kung bakit ka napa bagsak ng dominant omega!”
“Teka lang... ano `yung sinaba mo na one week ako’ng magiging normal na tao?!” tanong nito. `Yun pa talaga ang mas inalala n’ya.
“That is the price of information,” sagot ni Aahmes.
“Tama lang sa `yo `yan,” dinuro ko s’ya, “siguradong may ginawa ka nanamang kalokohan kaya ka pinabagsak ng professor mo!”
Napatingin ako kay Mercy na napapalakpak sa tabi ko.
“Ang galing n’yo talaga, tito! At bagay na bagay kayo ni Mr. Aahmes!” nagulat ako nang magpa-cute kay Aahmes ang aking pamangkin! ”Buti po nakakaintindi kayo ng Pilipino?”
“Oo, ayaw lang n’yan mag tagalog, nahihiya sa accent n’ya,” bulong ko kay Mercy.
Sumama ang tingin sa `kin ni Aahmes.
“Will there be anymore questions?” tanong nito matapos ako’ng sikuhin.
“W-wala na po...” sagot ni Nathan na mukhang natalo sa sugal.
“Ah, then why don’t I treat you to some cake, Mercy?” aya ko kay bebe Meme, “Aahmes, come with us as well.”
“I’m still busy,” sagot nito na tumayo at lumabas ng aking work station. “Don’t take too long.”
Pinanood ko s’yang pumasok sa kuwarto n’ya bago ngumisi sa mga pamangkin ko.
“Anong say n’yo? Ayos ba ang future tito Aahmes ninyo?” tanong ko sa kanila.
“Opo, tito, approve ako sa kan’ya! Mukhang kasing talino n’yo, at ang pogi pa!”
“S’yempre, pipili ba naman ako ng pangit? Halika, pasyal tayo! Saan mo gusto’ng mag-date?”
“Sandali, tito!” habol ni Nathan. “Hindi pa tapos ang usapan natin tungkol sa fated pairs.”
Napatingin ako rito ng masama.
”Tsk. Kung ayaw mo’ng maniwala, itanong mo sa tatay mo kung sino si Winston Heuer,” sagot ko rito. “Sa kan’ya mo dapat malaman ang totoo.”
“Pero tito, pano mo po nasabi na kalokohan lang ang faited pairs, samantalang dati nang bata pa kami, kinukwentohan mo pa kami ng mga fairytales tungkol dito?” tanong muli ni Nathan nang nasa sasakyan na kami.
“Haay, ilang taon lang ba kayo noon?” tanong ko pabalik.
“Pero, tito, ngayon ko lang kayo narinig na kumontra sa fated pairs,” sabi naman ni Mercy. “Dati-rati, kahit nag-aaway kayo ni papa, never mo na-mention na hindi tunay ang relationship nila si papa Jonas!”
“Well, totoo naman talaga ang relationship nila, iha,” sagot ko. Ayokong masira ang image ni kuya sa mata ng aking pamangkin. “Pero sa totoo lang, research shows that the fated pair syndrome is just an overreaction in the brain. Masyado lang matapang ang pheromones ng ilang omega kaya may mga alpha na sobrang naa-attract sa kanila, and vise versa.”
“Pero, nag-iisa lang ang alpha na naa-attract sa pheromones ng particular omega na `yun, `di ba?” tanong ni Nathan, “And vise versa?”
“True, dahil ang bawat alpha at omega ay nagpapakawala ng unique scent. At iyon marahil ang napi-pick-up ng pair nila.”
“Then, how can you say that papa Louie and papa Jonas are not fated pairs?” ngumuso sa `kin si Meme.
Ang cute-cute n’ya talaga!
“What I’m saying is, there in no such thing as fated pairs, pero perfect pa rin sila ng papa mo.”
Ugh... the things I say for love of my pamangkin...
“At mas mabuti kung ang tatay n’yo ang tanungin n’yo tungkol d’yan,” dagdag ko. “Later, Mercy, may ibibigay ako sa `yong libro, it can explain a lot about this `Fated Pair Syndrome’, I suggest you read it, sinulat ito ni Aahmes.”
“Oh, may sinulat pala’ng book about fated pairs ang partner mo?” tanong ni Nathan na nakangisi. “Kaya ba biglang nag-iba pananaw mo sa fated pairs?”
Tinitigan ko nang masama ang pamangkin ko’ng loko. I have to admit, may talino rin `to, kahit pa’no, he’s got kuya Jonas’ genes after all.
“Oo,” I replied, “His research had led me to realize that the fated pair myth could be explained scientifically, in fact, may theory s’ya kung paano mabe-break ang bond ng mga mates, pati na rin ng mga fated pairs.”
“Talaga, tito?” tanong ni Meme na mukhang excited, “That means, p’wede nang humiwalay ang mga omegas na nakakagat ng mga alpha na `di nila gusto!”
“Exactly!” niyakap ko at hinalikan sa bumbunan ang bebe Meme ko. ”Ang tali-talino naman ng bebe ko, manang-mana talaga sa tito!”
“S’yempre po! Kaya nga magkamukha tayo, eh!”
“O, tama na landian, andito na tayo sa mall!” papansin naman ang kuya n’yang asungot sa harapan.
“Okay, sabihin n’yo kung saan n’yo gustong kumain, si tito ang bahala sa inyo.”