Chapter 20 - Bakit Parang Biglang Naging Komplikado ang Buhay Ko?
Mali pala ako.
“Bakit ba kasi ang higpit ng pagkakasara ng mga bote! Hindi tuloy ako nakapagtimpla ng kape kagabi!” reklamo ko kay Aahmes pagdating n’ya kinabukasan.
“I already placed some beans on the coffee machine,” sagot nito na busy magluto ng breakfast. “You should go back upstairs and change your clothes.”
“`Di na `ko magpapalit, ayos na `to.”
Tinitigan n’ya ang kansonsilyo at lukut-lukot na polo na pinantulog ko.
”Would you like me to help you change?”
“Hindi na nga, mas komportable ako sa gan`to.” Nagkusot ako ng mata ko’ng namamaga pa sa puyat, “Hindi pa ba luto `yan?”
Nakatulog ako sa lab dahil wala ako’ng kape. Nagulat na lang ako nang gisingin ako ni Aahmes habang nakapatong ang mukha ko sa aking laptop na natanggalan ng S, E, R at G key. Buti nga at `di namatay ang apoy sa naiwan ko’ng bunsen burner, napagalitan pa tuloy ako ng manyak na omega.
“Here is your breakfast.” naglagay s’ya ng platter ng pork and beans sa harap ko na may kasamang bacon, sausages and eggs. Agad kumalam ang sikmura ko!
“O? Uupo ka lang ba d’yan?” tanong ko nang pumwesto s’ya sa dulo. ”Sabayan mo na `ko kumain.”
”I already ate,” sagot nito, ”and I only cooked enough food for you.”
“Sabayan mo na `ko!” ulit ko. Kumuha ako ng platito at naglagay ng isang pirasong sausage dito at monay, tapos ay pinadulas ko ito papunta sa kan’ya.
“Thank you,” mukhang natuwa ang loko.
“So, ano nang nangyari sa `pabango’ mo?” tanong ko.
“I decided to drop it. You were right, it was not worth the trouble extracting it. I could just as easily use my pheromones as it is, rather than placing it in a bottle.”
“Saan mo ba balak gamitin `yun?”
“It is easier to explain that I have a calming agent in my disposal,” sagot nito, “rather than being caught as a dominant omega by directly using my calming pheromones.”
Hmm, mukhang may punto s’ya.
“`Yun din ba ang dahilan kung ba’t ka gumagamit nung isa mo’ng pabango na mabaho para sa mga dominant alpha’s?” tanong ko sa kan’ya.
“Yes, it is much easier than incapacitating them,” sagot nito. “It was a good thing that Dr. Heathlow was already drunk when I put him to sleep.”
“Sandali,” natigilan ako sa sinabi n’ya, “ibig mo’ng sabihin... noong eat out...”
“Yes. He was too much of a bother, so I put him to sleep.”
Natawa ako ng malakas.
“Buti nga sa tarantadong `yun! Kala n’ya kaya n’yang lumaban sa isang DOME!?”
“That is why there is no reason for you to worry about me,” mahinahong sinabi ni Aahmes, “I am fully aware of what I am doing. I can take care of myself.”
Natigil ako at napatitig sa kan’ya.
”Hindi ka pa rin dapat nagpupunta sa kabila nang walang kasama! Pano kung mabisto ka? Pano kung pag-tulungan ka nila?”
”I doubt they would do anything in a work place full of close circuit cameras,” sabi nito, “but thank you, none the less, for your concern.”
Ngumiwi si Aahmes sa `kin. Nasasanay na nga `ko sa kakaibang ngiti n’yang `yun.
“Hmph! Sinong nagsabi’ng concerned ako sa `yo!” sagot ko rito. “Hindi pa rin kita pinapatawad sa ginawa mo sa `kin! At tandaan mo, bawal ka’ng lumapit sa kin ng 10 meters! Bawal kapit! Bawal pumasok sa kuwarto ko!”
”Yes, of course.” nakangiwi n’yang sagot.
Pagdating naman sa lab ay sinalubong ako ng mga surot na nag-iiyakan.
“Sir Eric! Buti po okay lang kayo!” ngawa ni Pedro.
“Okay ba ang tawag mo rito?” tinaas ko ang kanang kamay ko.
“Eh, ang chismis kasi na nag-circulate, inilabas ka raw sa stretcher!” ngawa ni Pilar.
“Oo nga po, sir, akala namin hindi ka na namin makikita!” sabi ng isang intern.
”Ano akala n’yo sa `kin? Mapapatay ng isang alpha lang?! Ha!”
”Eh, sir, ngayon na po ang last day namin, eh!” sagot ng isa pa’ng intern.
”Sir, mami-miss ka po namin!”
Napataas ang mga braso ko nang magsi-yapusan ang anim na loko sa `kin!
”`Oy, `oy, s****l harrassment `yan, ha!” reklamo ko, pero pinagtawanan lang ako ng mga ugok, sumali pa sina Pedro at Pilar sa pagyapos sa `kin, habang pinapanood kami ni Aahmes sa malayo.
”Since this is the last day, why don’t we hold a farewell party for our interns?” biglang suggestion nito.
“Ha?” sinimangutan ko s’ya, “Delayed na nga ang trabaho natin, gusto mo pa mag-party?”
“You are in no condition to work, anyway.” sagot nito, “Can you even see through that left eye of yours?”
“May right eye pa ako!”
“Sir! Baka po lalo kayo’ng ma-stress!” singit ni Pilar.
”Sinong stressed?!”
”Sir magpapa-reserve na ako, saan n’yo po gusto?!” nakangising tanong ni Pedro.
”Pizza!” sigaw ng mga alipores ko, at wala na ako’ng nagawa kung `di sumunod nang hatakin nila ako palabas at papunta sa malapit na mall sa amin.
Umorder ako ng apat na malalaking pizzas para sa mga bugoy, dalawang pasta platter, tatlong chicken basket, at kung anu-ano pa. Mukha namang masaya sila.
”Sir, `pag po graduate namin, papasok po ako sa inyo as a researcher, ha?” sabi ng isang intern naming natatakpan ng buhok ang mukha, ”Hintayin n’yo po ako! `Wag kayong kukuha agad ng ibang researchers!”
”Ay nako, si Habibi ang sabihan mo d’yan.” turo ko kay Aames na nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa.
”I will take note of it,” sabi nito.
“Ako rin po!” sabi ng ibang mga interns.
In fairness, ngayon lang may nagsabi nito sa `kin, ha? Usually, isa-isang nauubos ang interns ko, at bago pa matapos ang 2 months ay lagas na silang lahat. Eto namang dalawang researhers ko, kung `di ako nagkakamali, six months na si Pedro at mare-regular na.
Sa bagay, kahit alpha ang loko, madali naman `tong utusan at pagsabihan, hindi s’ya puro yabang, at marunong gumamit ng utak n’ya. Eto namang si Pilar ay madali rin umintindi, kahit pa medyo may pagka-kerengkeng. At least mukhang makakabuo na ako ng tunay na team na `di maya’t-maya napapalitan ang tauhan. Mas maayos na `yun kesa lagi ako nagte-train ng bago.
”Toast tayo!” tawag ni Pedro na may dalang baso ng iced tea, ”To the best professor in the world!”
“Ugok!” sabi ko, “Para `to sa mga interns natin na tumagal nang dalawang buwan!”
“Waaah! Sir, mami-miss ka talaga namin!” ngawa nanaman ng mga loko.
Matapos ng despedida ay nagkanya-kan’ya na kami ng uwi. Hinatid `uli ako ni Aahmes pauwi sa bahay. Bawal daw ako mag-stay sa opis.
“At bakit naman bawal ako sa opis? Ano naman ang pagkakaiba kung saan ako mag-stay?”
“Because you would most definitely stay up all night in the office,” sagot nito.
“At sa tingin mo matutulog ako sa bahay?”natawa ako sa inaakala n’ya.
“Yes, because I am staying over tonight.”
“Ha?!” tinitigan ko `to ng masama. ”Sinong nagsabi?!”
”Last night you left the bunsen burner burning. Just what do you think would have happened if the fire blew out and the gas filled your lab?”
“H-hindi naman namatay `yung apoy, ha? Saka wala namang malakas na draft sa laboratory ko! Hindi `yun mamamatay nang basta-basta!”
“And who will make you coffee?”
“Kaya ko na `yun mag-isa! `Wag mo lang higpitan ang pagkakasara ng container ng kape!”
“How about dinner and breakfast? Who will cook for you? Wash the dishes? Wake you up when you fall asleep in the lab?”
“K-kaya ko na `yun! Dati naman nakakaya ko’ng mabuhay nang wala ka, eh!”
“Never the less, I have decided to sleep over, at least until your hand gets better.”
“Ganon? Eh, `di parang `di ka na rin umalis?!”
”You’re right. I should just move back in,” sabi nito.
Napatitig ako sa kan’ya.
Totoo, na sanay ako’ng mabuhay mag-isa, pero...
“Mabuti pa nga, hindi ko naman sinabing umalis ka, eh.” bulong ko.
Napalingon sa `kin si Aahmes.
Tinitigan ko s’ya ng masama at inirapan.
”Then... do you mind if we go by my hotel first?”
At `yun ang dahilan kung bakit bumalik si Aahmes sa bahay.
`Di ko nga maintindihan, kung bakit sa dalawang araw na nawala s’ya, naiba na aura sa bahay ko. Parang ang laki ng lugar, kahit pa ang dami n’yang gamit na pinagsasaksak doon. Lagi ako’ng napapatingin sa pinto ng lab ko dahil baka mahuli n’ya ako’ng nagpupuyat sa experiments ko, at hinahanap-hanap ko ang kape at merienda na dinadala n’ya sa `kin.
Kaya nga ako nag-stay sa office, kasi masyadong tahimik sa bahay. Nakakayamot.
Bakit nga ba parang biglang naging komplikado ang buhay ko mula nang dumating si Aames?
“Um.” Sinipa ko nga ang loko sa binti habang binubuksan ang pinto ng bahay.
“Ow!” napatingin s’ya sa `kin. ”What’s the matter?”
“Wala. Naiinis lang ako sa `yo,” sinipa ko uli s’ya. ”Bilisan mo na at may ire-research pa ako.”