Chapter 19 - I Was Worried They Might Take You From Me
Putang’nang buhay `to, o, at putang’nang Aahmes `to na nagpilit na maghatid sa `kin pauwi. S’ya dahilan nang lahat nang `to, eh! Kung `di s’ya nagpunta kay Hitler, `di dapat ako napaaway! At kung `di n’ya `ko pinagsamantalahan nang Biyernes, `di sana kami nagkagalit nang ganito!
Buwisit na `yan! Bumili-bili pa ng kung anu-anong appliances! Tapos iniwan lang sa bahay! `Di ko naman gagamitin ang mga `yun! Nagpapasikip lang ng lugar! Tapos ngayon magpi-prisanta pa s’yang mag-alaga sa `kin?!
Sobrang nakakailang!
Matapos ang ginawa n’ya sa `kin, tingin n’ya mababalik pa ang tiwala ko sa kan’ya? Pa’no ako makakatulog kung alam ko’ng gagapangin n’ya `ko? Pano ako makakapagtrabaho nang kasama s’ya, kung alam ko’ng p’wede n’ya ko’ng talunin kailan man n’ya naisipan?!
“Would you like to order something to eat before we go home?” tanong sa `kin ni gago na nakasilip sa rearview mirror.
“`Wag na, magluto ka na lang.” sagot ko mula sa backseat.
Bigla ako’ng natigilan.
“Ah! Sige, drive through na lang tayo sa Jollybug!” bawi ko.
“It is okay, I believe there is still a kilo of prime ribs in the fridge. I can make something easy for you to eat.”
“`Wag na, magtatagal ka pa sa bahay!”
“It will not take too long,” pilit nito. “besides, I owe you for defending my honor against Dr. Heathlow.”
“Hmph! Sa susunod kasi, `wag ka nang lalapit sa tarantadong `yun!”
“Yes, professor,” ngumiwi sa `kin ang loko. Ang ngiwi na ngiti para sa kan’ya.
”At `wag ka’ng nag co-conduct ng experiment kung kani-kanino, ha?” dagdag ko. “Pati tuloy ako nadadamay sa `yo!”
“That lawyer was an alpha, right?” tanong nito. “You two seemed close.”
Napatingin ako sa kan’ya na wala nanamang expression sa mukha habang nagmamaneho. Ba’t naman kaya napunta doon ang usapan?
“Kababata `yun ng kuya ko,” sagot ko.
“And the other person he mentioned? That Louie?”
“Dami mo’ng tanong, ha?” tinarayan `ko nga s’ya, “Wala ka nang paki kung sino man `yun.”
“They seemed to be worried about you.”
“Hmph.” tumitig ako sa labas at `di nakatiis na sumagot. “Si Louie ang napangasawa ng kuya ko. Hinabilin ako sa kanila ni kuya bago... baga s’ya namatay... kaya masyado sila’ng nanghihimasok sa buhay ko. Lalo na `yung tarantadong Louie na `yun.”
“Ah, so they are family.” Mukhang sumaya ang tono ng pananalita ni loko.
“Bakit? Akala mo wala’ng nag-aaruga sa `kin!?” naiirita ko’ng tanong dito.
“On the contrary,” sagot nito. “I was worried that they might take you from me.”
“A-ano kamo?” sinipa ko ang likuran ng upuan ni Aahmes at iniamba sa kan’ya ang kanan ko’ng kamay. “Baka gusto mo’ng basagin ko `tong cast ko sa mukha mo?!”
“E-eh-eh-eh-eh,” tumawa s’ya na parang constipated na kambing. “It was a joke to break the ice. Please do not feel offended.”
“Joke-joke ka d’yan! `Wag mo `kong binibiro ng ganyan , ha? Matapos nang... nang ginawa mo sa `kin?!”
“Sorry... I have already asked for your pardon, numerous times,” sabi nito. “Though I am still curious about our experiment.”
“Anong experiment?” tanong ko.
“About which one is better.”
“Better?”
“A woman or me?”
Nag-init ang mukha ko. Pinagsisipa ko nga `uli ang likod ng driver’s seat sa galit. Natawa nanaman ang tarantadong omega’ng malibog!
“Carefull, you might break your leg next!” pang-asar pa ng gago.
“Dapat 10 meters lagi ang layo mo sa `kin! At bawal ka nang pumasok sa kuwarto ko!”
”How am I supposed to help you in your work then?”
Napaisip ako.
“P’wede ka lang lumapit `pag pinapalapit kita!”
Pagdating sa bahay ay agad ako’ng lumayo sa kan’ya at dumiretso sa kuwarto ko.
”Do you need help to change your clothes?” tanong sa `kin ng m******s na omega. “I could also prepare your bath for you.”
“Hindi na!”
“Are you sure?”
Pinanood ako ni gago habang pinipilit ko’ng tanggalin ang suot kong t-shirt. Ang hirap pala’ng maghubad `pag nag-iisa ang kamay at malaki pa ang dulo ng isa.
“Patanggal nga `tong shirt ko.”
Ngumiti sa `kin ang loko.
”Bawal mo ko kapitan, ha! Hatakin mo lang `tong shirt! Bawal chansing!”
”Would you like me to wrap your hand in plastic to keep it from getting wet?” payo pa nito.
“Sige, bilisan mo na!”
Pumasok na ko sa banyo at nagbabad sa hinandang bath tub ni Aahhes. Ang sarap ng mainit na tubig sa katawan ko’ng nabugbog! Tarantadong Hitler `yun eh! Bagsak na nga `ko, pinagtatadyakan pa `ko sa katawan!
Matapos maligo, de-botones na ang sinuot ko, at saka ako bumaba para kumain.
Ang bango nanaman ng niluto ni Aahmes! Eto talaga na-miss ko nang nawala s’ya. Umupo na ko sa mesa kung saan nakahanda ang pagkain ko na putol-putol na sa bite sized pieces.
”I’ll be going then, just put the dishes in the dishwasher when you finish.”
“Aalis ka na?”
Napatingin sa `kin si Aahmes.
”Ah... sige, umalis ka na,” bawi ko, ”pero `di ako marunong gumamit n’yang dish washer mo. Iiwan ko na lang sa lababo ang mga pinggan.”
”Would you like me to teach you, then?”
“Mamaya na, matapos ko kumain.”
Habang kumakain naman ako ay umakyat si Aahmes sa taas.
”I just placed some clothes on your dresser for tomorrow,” sabi nito pagbaba. “I also set the lab equipment so you could easily use them with your left hand.”
“Pumasok ka sa kuwarto ko?!” sinimangutan ko s’ya.
“I also cleaned the toilet for you and placed toothpaste on your toothbrush,” sabi pa nito bago umupo sa kabilang dulo ng mesa. “Don’t stay up too late, and remember to close up properly before you leave tomorrow.”
“Teka, tingin ko mas mabuti sa opis na lang ako matulog, hatid mo na lang ako sa opis.”
“You are already in your sleeping clothes.”
“So? Mas mainam kung nasa opis na `ko, para `di na ko magba-byahe bukas...”
“I will pick you up in the morning.”
“`Wag na, dadaan ka pa rito!”
“No worries, my hotel is just 5 minutes away by car.”
“Ha?” napatanga ako rito.
“Just give me a copy of your keys so I can wake you up in the morning.”
“`Wag na! Daanan mo na lang ako.”
“Are you sure you would be ready when I arrive?”
Malamang naman at gising pa `ko pagdating n’ya, pero binigay ko na rin kay Aahmes ang susi ko, panigurado, para `di ko na s’ya bababain pagdating n’ya.
Pagkatapos kumain ay hinugasan na n’ya ang mga pinggan at pinagtabi pa `ko ng microwaveable midnight snack para kung sakaling magutom ako. Sayang lang at `di n’ya `ko napagtimpla ng kape, pero kaya ko na `yun mamaya.