Chapter 84 - Ano’ng ikinatatakot mo?

1606 Words
Chapter 84 - Ano’ng ikinatatakot mo?     Ang haba ng buntong hininga ko nang sumakay kami ng kotse ni Aahmes. For the past 5 days kasi, nagugol ang oras ko sa pag-iisip ng paraan para iiwas sa gulo ang dalawang putang-inang lovebirds na iniwan namin sa condo, at sa pagsunod sa mga utos ni Gagamba para pagtakpan ang Club A incident. “Are you okay, professor?” nag-aalalang tanong sa `kin ni Aahmes, “Do we still need to go to the office? Why don’t we just go straight home so you can have some rest?” “Hindi p’wede...” sagot ko. “Kailangan ko pa mag-report kay Grinch... kailangan n’yang malaman na maayos ang lahat ng plano.” Oo, maayos ang plano. Ang pinagmulan naman nito ay ang dalawang gago, kaya tama lang na pagsamahin namin sila. Kompante na ako’ng ligtas si Nathan kay Reubert na may military training. Ang tanong lang, eh, ligtas kaya ang pamangkin ko’ng kupal sa professor n’yang mukhang patay na patay sa kan’ya? At kung tama ang hinala ni Aahmes, eh, top si Reubert at si Nathan ang bottom... ”He-he-he...” ”Is something funny, professor?” tanong ni Aahmes na nagmamaneho. “Nothing. Malapit na ba tayo sa UL?” “Almost, there’s just a little traffic.” Pagdating sa Universal Labs ay dumiretso kami sa office ni Grinch. Mukhang hinihintay na kami nito dahil pinatuloy agad ako ng secretarya n’ya sa loob habang naiwan naman si Aahmes sa labas ng silid. “Ah, Eric, kamusta na ang pamangkin mo?” tanong n’ya nang makita ako. ”Alam mo namang nakauwi na s’ya, `di ba?” sagot ko, sabay upo sa tapat ng mesa n’ya. “Of course, pero kamusta na ang lagay niya?” tanong n’ya `uli, nakangisi. “Maayos, mukhang wala namang masamang naging epekto ang pag-drug na kan’ya. Kasama na s’ya ngayon si Dome, gaya ng plano ko.” “Good...” “So, ang pangako n’yo na bantayan ang pamilya nila?” “Done,” sagot ni Grinch. “As of now, nabili na ng company ang bahay sa may tapat ng bayaw mo. Nagpadala na kami ng tao roon para mabantayan lagi ang pamilya nila.” “Pati si Blondie, idawit n’yo na na rin.” “Blondie?” kumunot lalo ang lukut-lukot na noo ni Grinch. “Ang mate ng bayaw ko... si Joshua Safiro.” “Ah, the young Safiro heir. `Wag ka’ng mag-alala, may sariling mga bantay ang batang `yun, pero para sa `yo, isasama ko na rin s’ya sa iyo’ng immediate family.” “At si Reubert? Maayos na rin ba ang kaso n’ya?” ”Katatawag lang ng Gagamba, he fixed everything on his side, although hindi s’ya masyadong makagalaw dito sa pinas, kaya nag-iimbistiga pa rin ng sarili ang local Gender Police, pero, rest asured that they won’t find anything that would point at his direction, pati na rin sa pamangkin mo.” ”Paano naman ang mga kaibigan n’ya? Sina Di at Rosales? Hindi ba sila naghahabol?” “Anong hahabulin nila?” ngumisi `uli si Grinch. ”Ang mga anak nila ang main suspects sa Club A incident, they are too busy trying to clean their own s**t to look into your nephew’s case. In fact, sinisisi ng mga Rosales si Dan Di dahil `di pa rin nagigising ang anak nila. Alam nila na si Dan ang nagsusuply ng drugs dito.” “So... we’re good then?” tanong ko. “Ulitin ko lang, a fake `Terminus’ drug to thwart the investigation, in exchange, babantayan n’yo ang pamilya ko for as long as they live.” “Yes, even though your nephew is the reason why we need the fake drug in the first place,” sagot ni Grinch. “Kung bakit kasi sa dinami-rami ng omega, si Dome pa ang nakilala n’ya.” “Well, mukhang fated pairs sila, kaya ganoon.” “I know. Nabanggit ito ni Dome noong mag-video conference kami nina Dr. Webb.” Napasimangot ako kay Grinch. So, ako na lang pala ang `di pa nakakaalam? “Kaya ba pumayag ka agad sa plano ko na pagsamahin sila ng pamangkin ko?” tanong ko rito. “Well, it is the best course of action, after all, ligtas na ang pamangkin mo, masaya pa si Dome.” “At muli, may magagamit nanaman kayo laban sa kan’ya!” naiirita ko’ng dinagdag. “Wasn’t that your idea?” “Hindi ko pa alam na fated pairs sila back then. Kilalang player ang pamangkin ko, madali s’yang magsawa at hindi kayang magtagal sa iisang relasyon. Inisip ko na doon muna s’ya pangsamantala kay Dome, hanggang sa mawala na ang hype sa Club A...” “Hindi mo naisip na maaring maging mates sila?” “Well, it’s too late now... at least nakakasigurado ako’ng aalagan s’ya ni Reubert, at sana nga ay magtino na s’ya, ngayong nakita na n’ya ang fated pair n’ya.” Natawa si Grinch sa sinabi ko. ”For someone who no longer believes in fated pairs, masyado ka ata’ng umaasa sa pamangkin mo?” Hindi ko s’ya sinagot. “I only hope, Prof. Antonio, that you would put the same faith in your own mate, Dr. Aahmes.” “I-iba kami... hindi ako alpha! Hindi kami p’wedeng maging mates!” singhal ko, “Hindi ko s’ya kayang angkinin... at wala ako’ng karapatan kung sakaling mahanap man n’ya ang fated pair n’ya...” “Pero, hindi naman totoo ang fated pairs, hindi ba?” ngumisi sa akin ang loko. “T-tama!” “Kung ganon, ano pa’ng pumipigil sa `yo?” Muli, hindi ako nakasagot. “Years ago, sinugod kami ni Aahmes, demanding that we let you go,” sabi ni Grinch na tumayo at umikot sa malapad n’yang lamesa palapit sa `kin. “He challenged me, Eric, can you believe that? A mere omega, challenging me?! He wanted to take you with him. At akala ko, magagawa n’ya iyon without any problems, pero four years later, at nandito ka pa rin, nagpapaka-alipin sa amin.” Tumigil si Grinch sa harap ko, bumaling sa mesa, at naghalukipkip. ”Bakit nga ba ayaw mo pa’ng sumama sa kan’ya?” tanong n’ya. ”P’wede mo nang iwan ang trabaho mo rito, you’ve trained Dr. Simeon and Dr. Peralta well enough to take your place.” ”It’s Dr. Hilario now, not Peralta,” singit ko, ”at feeling ko, nagbabalak na s’yang lumipat sa alpha division para makasama ang mister n’ya.” ”Be that as it may,” patuloy ni Grinch, ”marami nang chance para umalis ka na rito at sumama kay Dr. Abdel. So, bakit hindi ka pa sumama sa kan’ya?” “M-marami pa ako’ng ginagawa...” sagot ko. “Is that the truth?” tanong ni Grinch, “O, natatakot ka lang na baka iwan ka lang n’ya balang araw?” “Kaya nga... kaya nga ayokong umasa pa...” bulong ko. “Pero, hindi naman totoo ang fated pairs, hindi ba?” pangungulit ni Grinch na tumango pa sa akin. “Ano’ng ikinatatakot mo?” Naghintay si Grinch ng sagot mula sa `kin, pero `di na `ko umimik pa. “Haay, hindi ka na talaga nagbago, Eric,” muli s’yang naglakad pabalik sa upuan n’ya. “Noon pa man, madalas ka’ng mapag-initan ng ibang mga kaklase mo, dahil masyado ka’ng loner, sinasarili mo ang lahat ng mga natututunan mo. Hindi ka pa nakuntento noon, tinuruan mo pa si Dome na `wag magtiwala sa ibang tao, tulad ng ginagawa mo, tapos ngayon, pati ang taong mahal mo, hindi mo mapagkatiwalaang samahan ka habambuhay?” muli s’yang nagbuntong hininga. “Ano nga ba’ng gagawin ko sa `yo?” “Sapat na po ang tinuruan n’yo ako,” sagot ko. “Pinagsisisihan ko talaga ang pagpasok ko sa `yo sa Universal Laboratories, main branch sa US. `Di ka pa ganyang ka-praning noong estudyante ka pa lang namin ni Dr. Webb  sa MIT. Masyadong malupit ang lugar na `yun para sa isang batang beta na tulad mo...” “Dapat nga magpasalamat ako sa pagpasok n’yo sa `kin doon,” kontra ko, “matapos akong nakawan ng ilang beses ng mga formulas and experiments ko, natuto ako’ng maging mas-maingat at maging tusong tulad ninyo.” Napailing si Grinch. “At lalo ka pa’ng naging twisted, matapos ka’ng hawakan at isama ni Dr. Webb sa kanyang DOME Project...” sabi nito. “Well, ngayon, pinapalaya na kita,” sabi n’ya. “Wala na ako’ng pinanghahawakan sa `yo. Nangako na rin kaming aalagaan ang pamilya mo. Ano pa’ng pumipigil sa `yo para sumama kay Aahmes?” “Wala,” sagot ko, “Ako lang...” ako naman ang napabuntong hininga. “Ang SGT kits... ito ang pangako ko sa kan’ya... matapos lang `to, malaya na `ko... sasama na `ko kay Aahmes. Bahala na kung ano man ang mangyari sa amin.” “Good.” Ngumiti si Grinch sa `kin. “The latest report just came in, actually, you just passed the 15% requirement. P’wede na nating simulan ang production ng SGT kits for commenrcial use.” “Talaga?!” biglang nag-perk-up ang mood ko. ”Oo, we can talk about it next week, at mukhang ilang araw ka nanaman nagpuyat kakaplano sa araw na `to.” “Gan’on na nga.” Tumayo ako at nag-inat. ”Kung ganon, mauna na `ko sa `yo... may ginataan d’yan, iniwan ko sa secretarya mo.” “Salamat. You can take tomorrow off, professor,” pahabol pa ni Grinch, ”in fact, take the whole week off with Dr. Aahmes. You both deserve a break.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD