Chapter 54

1645 Words
Chapter 54 - In the most delightful way     “Just a spoon full of sugar, makes the medicine go up!” Madalas `to’ng kantahin sa `kin ni kuya dati, tuwing nagkakasakit ako at ayokong uminom ng mga gamot na nirereseta ng doktor. Madalas kasi ako’ng magka-trankaso noon. Sakitin ako’ng bata na magulat lang, nilalagnat na. Ngayon, tuwing may bago ako’ng naiisipang formula, napapakanta ako nito bilang tribute sa kuya ko. “In the most delightful way!” Binuksan ko ang pinto sa aking secret room at nag-disinfect bago pumasok sa storage area. Kailangan ko’ng kumuha ng ilang ingredients para sa aking bagong experiment.   Tama ang discovery ni Aahmes noon. May malaking pagkakaiba ang pheromones niya sa pheromones ng aking DOME. Ang pheromones ng DOME ko ay mas matapang, mas concentrated. Kumpara kay Aahmes na mas mild ang effect sa mga alphas. Ang kay Dome ay mas toxic ang dating, kaya mas ideal ito’ng gamitin sa aking mga experiments. Sa bagay, unique naman talaga ang mga pheromomes ng bawat alpha and omega, ang calming pheromones nga ni Aahmes ay sobrang potent, pati mga ordinaryong tao na tulad ko, kayang pakalmahin nito. Pero `di pampakalma ang habol ko. Nang isang araw lang, tinawagan ako ni Gagamba para balaan. Umuwi raw ng Pinas si Dome dahil sa kung anong dahilan o misyon na hindi ko na raw dapat malaman pa. Binalaan n’ya ako na `wag lumapit o magparamdam man lang sa kan’ya dahil bantay sarado s’ya ng militar ngayon. As if naman gagawin ko pa `yun, gayo’ng alam ko ang pwede nilang gawin sa mga pamangkin ko, kung sakaling hindi ako sumunod sa usapan namin dati. Besides, matagal na ako’ng naka-move on, at masaya na `ko sa buhay namin ni Aahmes ngayon. Pero dahil doon ay naisipan ko’ng gawin ang proyektong ito. Sikreto lang ito. Balak ko’ng gumawa ng suppressant para sa mga alpha. But not just any suppressant, kung `di isang gamot na tipong isang amoy lang, bagsak na agad sila. Nabanggit sa akin ni Aahmes na hindi pa n’ya nagagawang magpabagsak ng alpha gamit ang pheromones n’ya. Tanging calming pheromones lang ang ginagamit n’ya para mapatulog ang mga lokong alphas, at ang main pheromone n’ya, ay pang-akit lang ang silbi. In fact, nagulat s’ya nang nalaman n’ya na sa lakas ng pheromones ni Dome ay kaya nitong pumatay ng alpha. Well, wala naman ito halos pinagkaiba sa pheromones ng mga dominant alphas. May mga tarantado kasing dominant alphas na nagpapalakasan talaga ng pheromones nila. Sa sobrang tapang nga ng pheromones ng ibang dominant alphas, kayang-kaya nilang paduguin ang ilong ng kalaban nila at patulugin pa ang mga ito. May ilang kaso rin kung saan may mga mahihinang alpha na nagkukumbulsyon `pag tinitira sila ng pheromones ng malalakas na dominante. Parang sabong lang, kumbaga, payabangan para makuha ang natitipuhan nilang omega. Gaya nito, kaya ring magpalabas ng sobrang tapang na omega pheromone ang DOME ko, and since mas matapang ang omega pheromones n’ya kesa sa alpha pheromenes, ay mas malupit din ang epekto nito. It could actually send an alpha into a coma, and even cause instant death by overdosing the hippocampus with enough stimuli to fry the brain or cause a heart attack. `Yung tipong, mamamatay sila sa sobrang libog. `Di ko nga malimot ang itsura ng mga alpha na pinatay ni Dome noon, eh. Namatay sila nang dilat, at may malaking ngisi sa mga mukha. Well, wala naman ako’ng balak pumatay ng malilibog na alphas, gusto ko lang ng tranquilizer para mapabagsak ang makakapal ang mukha na umaali-aligid sa paligid ni Aahmes. For emergency situaltions lang naman, lalo na pag wala ako sa tabi n’ya. It will be the ultimate omega self-defense tool, kung mare-replicate ko ang pheromones ng aking DOME. Balak ko `to gawin as a surprise kay Aahmes para sa birthday n’ya sa August. Nakakatuwa kasi tuwing may nilalabas ako’ng bagong breakthrough, parang bilib na bilib s’ya talaga sa `kin! At para na rin may magamit s’ya kung sakaling may mangharang nanaman sa kan’yang mga lokong alpha. Hirap kasi sa isang `yun, masyadong cute, madalas tuloy pagpantasyahan ng mga putanginang alpha na malilibog sa paligid. Alam ko naman na he’s more than capable of defending himself. May apat pa nga s’yang mga bodyguards na isang okasyon ko pa lang nakita, pero iba na syempre `yung handa. Besides, hindi naman n’ya p’wedeng gamitin basta-basta ang DOME pheromones n’ya, at baka mamaya ay mabisto pa s’ya, lalo na ngayon at mukhang may kumakalat na balita tungkol sa dominant omegas. Hmm... Saan nga kaya nasagap ni Nat-Nat ang balitang `yun? May nabasa nga kaya s’yang libro tungkol sa dominant omegas? Ano `yun? Science fiction? Isang comic book? Mukha namang `di nagbubuklat ng scientific journals ang loko’ng `yun, kaya malabong non-fiction ang nabasa n’ya.  Well, kung saan man n’ya nabasa `yun, mas mabuti nang gumawa ako ng anti-alpha formula para kay Aahmes. Mas mabuti na `yung ma-trace ito sa `kin, since may koneksyon talaga ako sa DOME research, kesa naman mabisto pa si Aahmes at ma-deport pabalik sa UACME. Ayoko kayang mawalan ng magaling na tagatimpla ng kape!   Inayos ko ang mga gamit sa mesa, inisa-isa ang mga teyoriya ko, inilista sa isipan ko ang bawat reaksyon na nadiskubre ko rito. Nasa kalagitnaan na ako ng ika-limang reaksyon, nang biglang bumukas ang pinto. Ang gulat ko! Nakatayo doon si Aahmes, nakasuot ng puting bathrobe, nakapamewang at nakasimangot sa `kin! “You snuck out of bed again!” sabi nito. “Ah! Ha-ha, nagising kasi ako bigla, `di na `ko makatulog kaya naisipan ko’ng magpalipas muna ng oras dito!” palusot ko. “Hmph, knowing you, you probably snuck away as soon as I fell asleep!” lumapit s’ya sa `kin at tinignan ang ginagawa ko. Buti na lang at walang labels ang mga ginamit ko’ng test tubes. “What are you working on? I smell your DOME’s pheromones.” Nakow, malupit nga pala ang pang-amoy ng isang `to. “Ah, eh, sinimulan ko lang `yung balak ko’ng bagong suppressant...” “Suppressant? Then why are you using an omega’s pheromone?” “Tinitignan ko lang kung ano ang magiging rection nito sa dominant omega.” Madali ko’ng itinabi ang mga test tubes. “Hurry up and get back to bed,” sabi ni Aahmes sa `kin. Buti na lang at mukhang `di s’ya nakapuna. “Sandali lang, Habibi, baka p’wede mo muna ako’ng gawan ng ka-“ “No coffee.” Tinitigan n’ya ko nang masama at hinatak pabalik sa `ming kuwarto. “Now, go to sleep, or I won’t let you meet your niece later.” Bumalik na kami sa kama. Kumapit pa si Aahmes sa bewang ko para panigurado na `di ako tatakas, pero may iniisip pa rin ako, kaya pagpikit ng mga mata ko ay nagresearch muna ako sa isipan ko, hanggang sa magulat na lang ako at tumutunog na ang alarm namin! Inabot ko ito, balak sanang patayin muna, pero umungol si Aahmes nang gumalaw ako at lalong hinigpitan ang yakap sa `kin. “No coffee...” ungol n’ya. Inabot ko uli ang orasan nang pilit at napatay din ito sa wakas. Babalik na sana ako sa pagtulog, nang mapalingon ako sa likod at nakita si Aahmes na dilat na ang mga mata. “Good morning,” sabi nito, humihikab. “Did you get some sleep?” “Oo naman.” Ngumisi ako kay Aahmes. Kumunot ang noo nito at lalo akong tinitigan. ”I told you to sleep!” “Bakit, natulog naman ako, ha?” “No, you didn’t! Your eyes are telling me the truth!” pilit nito. “Eh, kasi, marami ako’ng iniisip, kaya `di ako makatulog...” “That’s it, I’m going to cancel your meeting with bebe Meme!” “Uy! At bakit mo naman `yun ika-cancel? Eh, dalawang buwan mahigit na kami `di nagkikita! Biro mo, Bagong taon pa huling bonding namin, dahil pina-attend mo ko ng Valentine’s day party sa opisina!” “That’s because the event was sponsored by one of our benefactors, and they wanted to meet you there.” “Ugh... gusto lang ako’ng ipakilala ng loko sa anak n’yang lumba-lumba. `Di tuloy ako nakapunta sa anual Valentine’s day party sa school ng bebe Meme ko... ako pa naman lagi ang ka-date n’ya since 1st grade!” Nginusuan ako ni Aahmes, na para bang gusto n’ya ako’ng murahin. “O, bakit, ang sama ng tingin mo  sa `kin?” tanong ko rito na umiwas lang ng tingin at tumayo na sa kama. “Nothing. Hurry up, I have a meeting at seven,” sabi nito na muling lumingon sa `kin, “which should be attended by you.” “Kayang-kaya mo na `yan, Habibi, patulugin mo lang ako sandali, mga 5 minutes lang...” “No. It would be better for you to wake up now and just take a nap later when we get to the office,” sabi nito habang kumukuha ng damit sa aparador. “Hay... sige na nga.” bumangon ako at yumakap sa likod n’ya. “Professor, you’re heavy.” “Maliligo ka?” “Yes, and you’re not invited.” “Ha? Bakit naman? Magpapahilod pa naman ako ng likod sa `yo!” natatawa ko’ng sabi. Hindi ako pinansin nito na tumuloy na sa banyo. Sa bagay, ika nga nila, masamang maligo `pag puyat. Nakaligo naman kami kagabi, eh. Humiga na lang ako sa kama at natulog `uli, hanggang sa gisingin ako ni Aahmes na kalalabas lang ng banyo. “I told you to get up aleady,” pangungulit n’ya sa `kin. “Put on your work clothes, I’m going to make breakfast downstairs.” “Hmm...” hinatak ko s’ya habang nakahiga sa kama. “Ang bango ng Habibi ko, pa kiss muna...” “Ghabi!” kinurot ako nito sa tagiliran. “Hurry up, I need to get to the office before 7!”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD