Chapter 55 – How perfectly true

1297 Words
Chapter 55 –  How perfectly true           Naku, mukhang naiirita na talaga si Aahmes, tinawag na ko’ng stupid sa lenguahe n’ya! He-he-he, `di ko pa `to nakikitang magalit nang lubusan, pero alam ko’ng napipika na s’ya `pag iba na s’yang magsalita. Bumangon na nga ako at nagpalit ng kansonsilyo at nagsuot ng t-shirt, tapos ay bumaba na ko sa kusina. “What are you wearing?” sumimangot nanaman s’ya sa `kin. “Work clothes,” ngumisi ako sa kan’ya. “Professor...” napa-face palm si loko. At least `di n’ya `ko makakaladkad sa meeting. “Go eat your breakfast!” sabi nito na pumanik `uli sa taas. “Uy, sarap nito, ha? Na mi-miss ko na nga ang longsilog mo...” Actually, frankwurst, sinangag at eggs benedict siya. Nasanay na rin sa kanin si Aahmes, although mas prefer pa rin n’ya ang tinapay o rolls. Sinimulan ko nang kumain at uminom ng napakasarap n’yang kape. “Ahh... iba talaga gumawa ng kape ang Habibi ko, walang kasing sarap.” “Here, put these on.” Napatingin ako kay Aahmes na bumaba na dala ang aking 4 piece suit. Mukhang may balak nga si loko na hatakin ako papuntang meeting! “Ayoko n’yan, mainit! Mas komportable ako sa suot ko...” ”Do you want your niece to see you looking like a slob?” sabi nito with his signature dead pan face na walang ka-ekspre-expresion. “Sanay na sina Meme na makita ako’ng ganito, kaya okay lang `yun.” “Well, it is not okay for me,” kinapitan ni Aahmes ang laylayan ng t-shirt ko at hinatak ito pataas. “Hurry up and change.” “Ikaw, Habibi ha! May binabalak ka sa `kin ano?” hindi ako pinansin nito at hinatak naman pababa ang kansonsilyo ko! “Ah! r**e! r**e!” tumatawa ko’ng sigaw. “If you don’t take those clothes off, I will really r**e you,” seryoso nito’ng sinabi. Pucha, kinilig ako doon! Pero mukhang bad trip si Aahmes ngayong umaga, kaya nagpalit na ko sa harap n’ya. “Bring your tie along. We need to leave now.” sabi n’ya matapos i-tuck-in ang polo ko. Natulog uli ako sa kotse. Pagdating namin sa opisina, didiretso na sana ako sa Lab para umidlip, nang hatakin nga ako ni Aahmes papunta sa company meeting. “Sabi ko na nga ba, eh...” “I prefer to go to meetings with you, professor,” pang-uuto pa nito habang inaayos ang butones ng polo ko. “Don’t worry, after the meeting, you can take a nap,” sinuotan naman n’ya `ko ng neck tie. “I will wake you before your niece arrives.” “`Yun ay kung matatapos ang meeting nang maaga.” “Don’t worry, it is just a short meeting about the company funds.” At naglabas pa s’ya ng suklay para ayusin ang buhok ko. “Good morning, Dr. Abdel, you look dashing today as usual.” Napatingin kaming dalawa kina Dr. Hilario at Dr. Perez na malaki ang ngiti kay Aahmes. Aba, at parang `di natunganga sa `min kahapon si Pretzel, ha? ”Prof. Antonio, it is good to see you, also,” bati nito sa akin. Well, at least mukhang nakikita na n’ya ako ngayon. “Buti po at naisipan n’yong pumunta sa meeting?” tanong sa `kin ni Higad. “Pinilit ako ng Habibi ko, `di naman ako makahindi,” sagot ko rito habang humihikab. “Professor, let us go to our seats,” hatak sa `kin ni Ahmes. “The topic for today will include the aditional budget I requested for our SGT kits, I would like you to be there when they release is to us,” sabi nito. “Ah, kaya ba pinilit mo ako’ng isama rito?” umupo na `ko sa lugar kung saan may nakasulat na pangalan ko. “Sana ikaw na lang  ang tumanggap, ikaw naman ang nagpakahirap doon, eh...” “How perfectly true.” Napalingon kami kay Pretzel na umupo sa tabi ko. “Aba, Doc, how sweet, gusto mo `ko’ng makatabi?” biro ko rito, “Dati-rati lagi kayong nasa tapat namin.” “Actually, I would much rather sit with Dr. Abdel, but since naisipan mo’ng dumalo sa meeting, then I guess I don’t have a choice,” sabi nito habang malagkit ang tingin kay Aahmes. “Naku, Habibi, kita mo nga, nakasagabal pa ko sa panunuyo ni Pretzel sa `yo?” Tinitigan lang ako nang masama ni Aahmes na bumalik sa pag-aayos ng mga papeles na dala-dala n’ya. “As a gentleman, I think it only prudent to tell you that I have no plans of backing out,” bulong ni Pretzel sa tabi ko. “Saan ka aatras?” tanong ko rito. “I said, wala akong balak umatras,” ulit n’ya. Tumingin ako sa likod n’ya. Nakaupo ang mga alpha assistants nila dito. ”Mukha ngang wala ka’ng aatrasan,” sabi ko. ”I’m serious, professor,” sagot nito na `di natitinag. “I plan to take Dr. Abdel away from you. Let that be fair warning, dahil gagawin ko ang lahat para ma-realize n’ya na mas sasaya s’ya sa piling ng isang alpha na tulad ko.” “Okay,” sagot ko habang nagpipigil ng hikab. “I’m not joking, professor!” pilit pa nito. “Okay. Goodluck.” In reply, nilingon ko si Aahmes sa likod at hinawakan ang kamay nito. “Habibi,” “Don’t call me Habibi in a formal meeting,” bulong n’ya pabalik. “Gusto mo’ng makipagpalitan ng upuan para `di malungkot si Pretzel?” “S-sino’ng tinatawag mo’ng pretzel?” singit ni Pretzel na ngayon lang na-realize ang palayaw n’ya. “Ah, ayaw mo ng Pretzel? Gusto mo Cheese Curls?” tanong ko rito. “`Di ka naman blondie, ha?” Napatitig sa `kin si Pretzel, bumuka ang bibig nito, tapos ay nagtimpi at huminga ng malalim. “Name calling won’t get you anywhere, professor,” sabi nito. “Wala naman ako’ng balak puntahan,” sagot ko rito, “at hindi ko rin ugaling ipagpilitan ang gusto ko,” bahagyang kumunot ang noo nito. “so, kung ayaw mo ng Pretzel at Cheese Curls, ano gusto mo, Curly Tops?” ngumisi ako sa kan’ya at may narinig na tumawa. Tumingin ako lampas kay curlie tops at nakita si Ms. Montez, ang  head ng advertising, na pasimpleng nagtakip ng bibig. Wala ako’ng palayaw para rito, hindi naman kasi s’ya nanggugulo sa `kin. “I should have known better than to argue with you,” bulong ni Curly na umismid sa akin. “We’re arguing?” nagkunwari ako’ng nagulat, “I thought we were exchanging words of endearment, I even gave you a nickname since I’ve grown so very fond of you!” hindi na ako pinansin nito. “Professor, the meeting is about to start,” tawag sa `kin ni Aahmes. “Okay, palit na tayo ng seat.” Tumayo ako at hinatak s’ya papunta sa mesa. “No, professor, you should be the one to seat in front!” reklamo n’ya. “I’m afraid I’m not feeling well,” sinabi ko, malakas, “Ikaw na ang bahala sa meeting, I’ll be right here behind you to cheer you on.” Ngumisi ako sa kan’ya. “Professor...” sumimangot s’ya sa `kin. “Sige na, at sumama pakiramdam ko sa kinain ko’ng curlie tops kanina.” Pinanood ko si curly na nagkuyom ang mga kamay. Napabuntong hininga naman si Aahmes na umiling na lang at umupo sa dati ko’ng pwesto. “Is everyone ready for the meeting?” tawag ni Godzilla mula sa harap. Umayos na ang lahat nang dumalo sa meeting, pati na rin ako, na naghanap ng magandang pwesto sa likod ng mga attendees. Kayang-kaya na ni Habibi ito!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD