Chapter 105 - May dadalawin tayo’ng Gagamba
“Dr. Webb is here in the Philippines?” tanong sa `kin ni Aahmes na tila nagulat. “How come you never tell me these things?” sumimangot s’ya sa `kin.
“Mahal, hindi ka naman nagtatanong, eh,” paliwanag ko, “at saka, alam mo naman na ayoko nang makipagkita pa sa isang `yun, although, lagi n’ya ako’ng sinasabihan tuwing umuuwi s’ya at kinukulit ako para makipag-kita sa kan’ya.”
“He does?” muling napalingon sa `kin si Aahmes. “Has he been pressuring you to work for him again?”
“Oo. Ayaw man n’yang aminin. Gusto lang daw n’yang makibalita, dahil matagal ko na s’yang inii-snub. Paborito kasi ako’ng estudyante noon, mula pa nang freshmen years ko sa MIT kung saan ko sila unang nakilala ni Dr. Gregorio as professors. Silang dalawa kasi ni Grinch ang naging parang parents ko noong college ako.”
“Hmm. Is that so?”
“Oo, in fact, s’ya ang nagbigay sa akin ng palayaw na Volant, meaning `fly’ o langaw. Inaasar pa ako ni Grinch noon, nahuli daw kasi ako ni Dr. Webb sa sapot n’ya, kaya n’ya ako tinawag na langaw, at ayaw na nila ako’ng pakawalan.”
Bahagya ako’ng natawa nang maalala ang nakaraan ko. Kahit pa malaki pa rin ang sama ng loob ko sa putanginang gagambang `nakahuli’ sa akin.
Tama kasi si kuya. Mag-isa lang ako’ng nagpunta sa US sa edad na walong taon. Wala ako’ng matakbuhan, wala akong kakilala. Kahit pa pinatuloy ako ng mga magulang ni Louie sa kamag-anak nila sa tate, hindi ako napalapit sa kanila, dahil na rin sa kawalan ng tiwala ko sa ibang tao.
Sina Dr. Webb at Dr. Gregorio lang ang pinagkatiwalaan ko noon, out of respect for them. Ang dalawang professor namin na parehas may dugong pinoy. Tuwang-tuwa sila sa `kin tuwing nagto-top ako sa `king mga klase, lalo na pag nananalo ako sa mga science and engineering competitions. Ako rin naman ay tuwang-tuwa tuwing napapansin nila ako, lalo na kay Dr. Webb na batikang doctor at head ng Universal Laboratories sa US noong mga panahon na iyon.
`Pag bata ka pa kasi at tatanga-tanga, wala kang ibang nais kung `di mapansin ng mga tao na iniidulo mo.
Hanggang sa mapansin mo na lang na naisanla mo na pala ang kaluluwa mo sa demonyo.
“So, where do we go now?”
Napatingin ako kay Aahmes.
“Ah, sa Pasay, doon tumutuloy si Gagamba tuwing umuuwi s’ya ng Pinas,” sagot ko, “mukhang panahon na para komprontahin ko s’ya.”
Nagpunta kami sa isang mataas na condo along EDSA. Pagbaba pa lang namin ng kotse sa basement parking ay tumunog na ang telepono ko.
Kinabahan ako’ng sagutin ito, pero alam ko na wala naman ako’ng ibang choice.
“Hello?”
‘Eric! Buti at naisipan mo’ng dumalaw! Sa wakas ay pinaunlakan mo rin ang aking imbitasyon, at may kasama ka pa’ng kaibigan.’
Napatalon ang puso ko sa sinabi n’yang `yon.
”Gusto ko po sanang makipag-usap,” sabi ko rito.
’Sige, halika’t tumuloy kayo, hihintayin ko kayo dito sa 74th floor.’
Kinapitan ako ni Aahmes sa braso. `Di ko napansin na natigilan pala ako sa pwesto at kasalukuyang nakatitig sa kawalan.
”Let’s go, Eric.”
”O-okay... Aahmes... gaya ng dati, `wag ka’ng masyadong magsasalita, lalo na sa harap ng tao’ng `to...”
”Don’t worry, professor,” humigpit ang kapit n’ya sa `kin. ”I’ll take care of you.”
Napangiti na lang ako sa Habibi ko. Pumunta na kami sa elevator, pipindutin ko sana ang 74th floor, nang umilaw na ito nang kusa at diretsong umakyat ang shaft sa palapag ng Gagamba.
”Professor Eric, Dr. Abdel! Welcome to my humble abode!” bati sa amin ng tarantadong Gagamba sa pagbukas ng elevator sa kanyang penthouse. ”Have you eaten yet? What would you like for lunch?”
“Wala po kaming balak magtagal, Dr. Webb,” sabi ko rito.
“Ahh, but we haven’t seen each other for five years! Surely you could spare some time to catch-up with your old mentor!” nakangisi nito’ng sabi.
Napatitig ako kay Gagamba.
Nasa late-40’s na s’ya. Kita naman sa itsura n’ya ang kanyang pagka-mestizo, pero sa taba n’ya, `di mo akalain na isa s’yang malakas na dominant alpha. Mukha kasi s’yang couch potato na bumabangon lang para magbanyo. Malinis man ang pagkakaahit ng balbas, nagmamantika ang mukha nito, at nangingitim ang libot ng kanyang mga mata, na isang senyales ng mataas na blood sugar levels. Naninilaw din ang mga ipin nito na balot ng nicotin at natatakpan ng labi n’yang nagbabalat at nangingitim din.
“Doc, nakakalakad ka pa ba sa lagay mo’ng yan? Parang wala ka nang binti, ha? Ang bilog mo, korteng bola ka na!”
Natawa lang si Dr. Webb sa sinabi ko.
”Ikaw talaga, Eric, kahit kailan talaga, `di pumupurol ang tabas ng dila mo!” sagot nito. ”Kamusta ka na nga ba?” tumingin s’ya kay Aahmes. ”Kamusta na rin, Dr. Abdel, you seem awfully quiet today?”
”Wala lang s’ya sa mood.” Tumayo ako sa gitna nilang dalawa. ”Anyway, doc, pumunta ako rito dahil kay Dome.”
”What about Dome?” Ngumisi s’ya sa `kin na parang Gagamba na tuwang-tuwa sa mga langaw na nadikit sa sapot n’ya.
”Bakit mo s’ya pinababalik sa US? Akala ko ba, eh, dito na s’ya maglalagi sa pinas? Ba’t kailangan pa n’yang umalis?”
”Ah, mukhang nakwento sa `yo si Dome ang tungkol sa misyon n’ya,” lalong lumaki ang ngisi sa mukha nito.
Bigla akong kinabahan.
”H-hindi s’ya nagkuwento!” agad ko’ng bawi, ”Sinabi lang n’ya na kailangan n’yang bumalik sa tate! At ano pa bang dahilan n’ya para bumalik doon, kung `di mo s’ya inutusan?”
Muling ngumisi sa akin ang Gagamba.
”Are you sure you want to talk about this in front of the good doctor?” tanong nito na napatingin kay Habibi.
“Of course. I hide nothing from my partner,” sagot ko.
Nanlaki bigla ang mga mata ni Gagamba.
“Totoo ba ito’ng narinig ko?” pang-asar nito, “Ikaw? Eric? May partner na ngayon?! At isang omega pa!” natawa ang gago.
“I mean, I’ve heard of rumors about you two, but I didn’t actually believe them!”
“`Wag ka’ng mag-alala, `di kita pipilitin maniwala,” naiirita ko’ng sabi. “Ngayon, ang tungkol kay Reubert...”
”I’m sorry, Eric, but since you are no longer part of the DOME project, I’m afraid you are no longer authorized to receive information regarding our missions.”
Ngumiti s’ya sa akin nang pang-asar.
“Unless,” dagdag nito, “you are willing to join our team again.”
“Wala na ako’ng balak magtrabaho pa sa ilalim mo, professor.” matigas ko’ng sinabi.
“Are you sure?” nanlaki ang mga mata nito at namilog ang nguso. “Balita ko, nagkakamabutihan daw ang pamangkin mo at si Dome,” bumalik `uli ang tusong ngiti. “Paano na kung magkahiwalay nang matagal ang dalawa? Makaya kaya ito ng pamangkin mo?”
Tumalon muli ang dibidb ko. Ito na nga ba’ng kinatatakutan ko, eh. Siguradong lalo pa ako’ng gigipitin ni Gagamba dahil alam n’ya ang tungkol kina Nathan. Sasagutin ko na sana s’ya, nang marahan ako’ng kapitan ni Aahmes sa braso.
“I am sorry to disappoint you, Dr. Webb,” sabi nito, “but the professor has already promised to stay with me. We have plans to go back to UACME as soon as the SGTK project reaches completion.”
“Is that so?” tumaas muli ang kilay ng Gagamba. He looked dissapointed. “How about joining us in the team as well?” alok nito kay Aahmes, “With the two of you on board, siguradong mas marami pa tayong magagawa at matutulungan sa mundo!”
Kinapitan ako ni Gagamba sa kamay. Nanlalagkit ang mga kamay nito’ng mamawis-pawis.
“I have always wanted you to take my place someday,” sabi n’ya, “and I haven’t changed my mind. I am yet to meet someone else who could rival your brilliance. Besides,” dagdag nito, “you wouldn’t be working under me if you take my place.”
“Ugh... salamat... pero may plano na kami ng Habibi ko.” Hinatak ko ang kamay ko na dumulas mula sa namamasa n’yang mga galamay.
Natawa nanaman ang Gagamba. Para s’yang gelatin na yumuyugyog ang taba.
“Kung ganon, eh, wala ako’ng maitutulong sa `yo, Eric,” sabi nito. ”There’s nothing to worry about, though, sandali ko lang... hihiramin ang alaga mo. He can come back to your nephew if he wishes, as soon as the mission is over.”
Wala kaming napala kay Gagamba.
Inalok pa uli kaming mag-lunch ng loko, pero umalis din kami agad at dumiretso na sa bahay nina Louie kung saan nagkukulong naman si Nathan sa kanyang kuwarto.
“Nag-aalala na nga kami, tito, eh!” ani bebe Meme ko. “Kagabi pa s’ya umuwi, pero hanggang ngayon, `di pa rin s’ya lumalabas!”
Tinignan ko ng masama ang bayaw ko na katabi ang kanyang mate.
“O, ba’t ako tinititigan mo nang masama?” reklamo nito, “Alam mo naman kung gaanong katigas ang ulo ng isang `yun! Sa `yo lang naman `yun natatakot, eh.”
“Pano, hindi mo magawang disiplinahin ang sarili mo’ng anak!” naiirita ko’ng sumbat dito.
“Tito, `wag na po tayo magsisihan, puntahan n’yo na lang po si Nathan sa kuwarto n’ya, baka kung sakali po, lumabas na s’ya `pag ikaw ang tumawag sa kan’ya,” sabi ni Bless.
”Haay...” napailing na lang ako, ”O s’ya, sandali at maakyat ang loko...”
”I’m coming, too.” sabi ni Aahmes sa tabi ko.
”`Wag na, dito ka na lang – ”
”I can perhaps, calm him down?” tumingin s’ya sa akin ng tagilid.
If I know, `di lang `to makapaghintay na ma-check-up ang kanyang test subject.
“O, sige, basta’t `wag ka lang makulit, ha?”
Umakyat kami sa 2nd floor, dumiretso ako sa kwarto ni Nathan at kumatok sa pinto nito.
”Nathan, p’wede ba tayo’ng mag-usap?” tawag ko, ”Kahit sandali lang, nag-aalala na sa `yo ang pamilya mo.”
”Hindi p’wede!” sagot ng loko sa loob.
Agad nag-init ang ulo ko.
“Ano’ng `di pwede? Hindi ka pa raw kumakain mula nang umuwi ka kagabi! Baka gusto mo’ng sirain ko `tong pinto at ipaghahampas `to sa `yo?!” bulyaw ko rito. “Buksan mo `to at mag-usap tayo.”
“Ayoko!” sigaw nito pabalik, “Hindi ako gutom, at wala tayong dapat pag-usapan!”
Nairita ako lalo, balak ko na sana s’yang bulyawan, nang makisingit si Aahmes sa amin.
”Nathan, we need to talk,” sabi nito, “if this is about Reubert-”
“If you already know it’s about him, then just leave me alone.” sigaw sa kan’ya ni Nathan. “I don’t want to be part of your `fated pair’ experiment anymore, and if this proves anything, it just shows that fated pairs are not as perfect as you thought they were. Tama ang research mo. It’s nothing but some hormones going haywire.” patuloy nito, “We broke up. We’re not getting back together. End of discussion.”
“Nathan, sigurado ka ba?” tanong ko sa kan’ya, “Aalis na raw si Reubert. Babalik na s`ya sa New York for some reason. Are you okay with that?!”
Natahimik ang loob ng kuwarto.
“See?” sagot n’ya maya-maya. “Ano pa bang gusto n’yong pruweba? Your experiment failed. Fated pairs don’t always stay together. Now it’s time to end it all.”
Napabuntong hininga na lang ako sa sagot niya. Umakmang magsasalita pa si Aahmes, pero kinapitan ko s’ya at umiling.
Kailangan muna namin s’yang hayaang mahimasmasan.
“Kung `yun ang pasya mo, then go ahead. Hindi ka naming pipiliting makipagbalikan sa kan’ya,” sabi ko, ”pero ibang usapan ang pagkukulong mo sa kwarto!” dugtong ko, “gusto mo ba’ng pati pamilya mo maging miserable dahil sa nakipag break ka sa partner mo?!”
“H-hindi `yun `yun!” sagot nito.
“Kung ganon, eh, lumabas ka na d’yan at kumain!”
”Hindi nga ako gutom!” pilit nito. ”`Wag n’yo nga akong kulitin! Lalabas ako pag gusto ko!”
”Hay, nako, bahala ka!” naiirita ko’ng sinipa ang pinto bago tumalikod dito at padabog na naglakad pabalik sa den kung saan naghihintay sina Louie sa amin.
”O, ano? Walang epekto ang sermon mo?” tanong pa ni Louie na may pang-asar na ngisi sa mukha.
”Loko’ng Nathan `yan, lalong tumitigas ang ulo!”
”Perhaps it is best if we just let him be for a while?” suggestion ni Aahmes.
“T-tama po,”sabi naman ni Blondie, “siguro, kailangan lang talaga ni Nathan makapag-isip nang mag-isa.”
“Sa bagay, nakakawala nga ng appetite ang heartbreak.” sabi naman ni Mercy, napatitig tuloy ako rito.
“Bakit? Naranasan mo na ba’ng magka-heartbreak?” tanong ko, “Sino’ng gago ang nag-break ng heart mo?!”
“S-si tito talaga, oh! Nasabi ko lang `yun!” namumula ito’ng nag-deny.
“Ang kinatatakot ko lang, eh, baka mamaya, kung ano nanaman ang maisipang gawin ng batang `yun, lalo ngayong depressed s’ya.” sabi ni Louie. “Alam n’yo naman na kung anu-anong naiisipan noon gawin tuwing magulo isipan n’ya.”
“Haay, kung bakit kasi ang pa-macho n’yang tatay, `di man lang magawang kausapin ng masinsinan at yakapin ang anak n’ya,” parinig ko sa bayaw ko.
“Nagsalita ang pa-macho n’yang tyuhin na dinadaan ang lahat sa sermon at kutos!”
“Oi, sign of affection ko `yun ha! Lalo na ang panggigigil ko kay Mercy!” sabi ko, sabay yakap kay Meme.
“Tito talaga, si kuya may kailangan ng hug, hindi ako!” sabi nito.
“Then, we should watch over him for now,” sabi ni Aahmes na kumapit sa braso ko.
“Tama, bantayan natin si Nathan para `di s’ya makagawa ng masama!” sabi ni Blondie.
“Ikandado na lang natin ang pinto n’ya sa labas.” payo ko.
“Tito naman, eh, `di lalo lang nagalit si kuya sa atin!” sabi ni Mercy.
“Tingin ko, ayos na po `yung bantayan namin s’ya,” sabi ni Blessing, “Siguro naman, natuto na rin si Nathan sa pinagdaanan n’ya noon, tingin ko naman `di na s’ya basta-basta gagawa ng kalokohan ngayon.”
“Hay, kung ganon, kayo nang bahala sa kapatid nyo, ha?” tumayo na `ko sa pagkakapo. “Tawagan n’yo na lang kami kung may mangyaring kahit ano.”
”Sige, Eric, Aahmes, pasensya na at pati kayo naaabala sa mga kalokohan ni Nathan,” sabi pa ni Louie.
“Think nothing of it,” sagot ni Aahmes, “We are concerned about him as well.”
“Dito na kayo mag dinner!” sabi naman ni Blondie, “Baka kung sakali lumabas din si Nathan pag nagutom s’ya.”