Chapter 104 - baliwala ang relasyon na walang tiwala

1882 Words
Chapter 104 - Baliwala ang Relasyon na Walang Tiwala   Inubos ko na lang ang oras ko sa pagdevelope ng bago ko’ng suppressant. Tinuloy namin ang pag-asikaso sa SGT kits, at tinapos ang contrata sa mga batang test subjects na nagsilabasan na ang secondary genders. Hectic. Marami laging trabaho. Pero masaya kami sa aming ginagawa, kaya nang matapos ang Linggo, ay saka lang ako kinulit `uli ni Aahmes tungkol sa kanyang experiment. ”Can we go to Reubert’s place today?” tanong n’ya sa `kin nang pauwi na kami ng Biyernes. “Sige, sandali at tatanungin ko kung nasa bahay sila.” sagot ko. Tinawagan ko ang phone ni Nathan. ”`Langyang Nat-Nat `to, patay nanaman ang phone!” naiirita ko na lang tinawagan si Reubert. Wala namang sumasagot dito. ”Pucha...” tumingin ako sa relo ko, ”Alas-otso pa lang, mukhang nagtitirahan na ang dalawa, ayaw magpaistorbo!” ”Does that mean that we can’t visit them right now?” tanong pa sa `kin ni Aahmes. “Gusto mo ba silang bitinin?” natatawa ko’ng sabi. “Tomorrow then,” sabi ni Aahmes na idiniretso na sa bahay ang sasakyan.   Kinabukasan ng umaga, hindi pa rin maabot ang phone ng dalawa. Kinutuban na ako noon, kaya ang tinawagan ko ay si Blessing. “Hello, Bless? Tito Eric mo `to, andyan ba si Nat-Nat?” tanong ko rito. ‘Opo, tito,’ sagot nito sa `kin. `Umuwi po s’ya kagabi nang mag-isa, mukhang bad mood. Hindi pa nga s’ya lumalabas ng kwarto hanggang ngayon, eh.’ “Ha? Bakit? Nag-away ba sila ni Reubert?” ‘Hindi ko po alam, tito, alam n’yo naman po si Nathan, sa inyo lang naman po nagsasabi `yun, eh, pati si papa, ayaw n’yang kausapin.’ “Haay, nako, may LQ siguro ang dalawa,” napailing na lang ako sa binalita n’ya, “`Wag kang mag-alala, papunta kami kina Reubert, matanong kung ano’ng nangyari, dadaan kami d’yan para mapagbati ang dalawa.” “So, they have a lover’s quarrel, huh?” tanong sa `kin ni Aahmes nang ibaba ko ang phone ko. “Oo, mukhang nagpataasan nanaman ng pride ang dalawa, umuwi tuloy sa bahay si Nathan,” sabi ko sa kan’ya. “Eto namang lokong Reubert, hindi hinabol ang mate n’ya. Akala ko pa naman maaasahan ko s’yang mag-bantay kay Nathan.” Perhaps he’s giving him some space?” suhestyon ni Aahmes, “Perhaps Nathan’s feeling too tied up in their relationship?” “Ewan, basta tumuloy na muna tayo kina Reubert, at matignan ang sitwasyon.” Pagdating sa condo ni Reubert, sinubukan ko uli tumawag sa kanyang phone, pero hindi pa rin ma-contact ito. “Still no luck?” tanong sa `kin ni Aahmes. “Oo, mukhang patay ang phone ni loko, o...” Natigilan ako nang may makita akong isang grupo ng mga lalaking lumabas sa elevator shaft. Lima sila. Nakasuot ng casual na mga damit, pero mababakas sa ilalim ng suot nilang shirts ang namumutok nilang mga braso at dibdib. Kapansin-pansin din sa tindig nila at paglakad na sanay silang mag-drill. Agad akong napaliko at nagtago sa likod ng grupo ng mga Koreano na papasok din sa building. ”Is there something wrong, Eric?” tanong ni Aahmes na sumunod sa akin. “Shh.” Hinatak ko s’ya. Pero dahil na rin sa sinumpa ko’ng katangkaran, ay nakita ako ng lalaking nangunguna sa grupo. Nagkatitigan kami, at bahagyang tumango ang kanyang ulo sa akin. “Fuck.” Napatingin sa amin ang ilang mga Koreano. “Eric, what seems to be the problem?” tanong muli ni Aahmes. “Mukhang may malaking problema,” bulong ko sa kan’ya. “What problem?” mukhang naiinis na si Aahmes sa `kin. ”Nakita mo ba `yung grupong nagdaan?” Lumingon naman si Aahmes sa likod at tinanaw pa ang limang lalaking galing sa elevator. ”What about them?” ”Mga tauhan `yun ng Gagamba,” sagot ko sa kan’ya. ”Mukhang `di lang simpleng lover’s quarrel ang dahilan kung ba’t napauwi si Nathan sa kanila... in fact, buti na lang kamo at umuwi s’ya kagabi.” Nagsimula ako’ng maglakad muli, at naghintay sa may elevator para pumanik sa 69th floor. Inakbayan naman ako ni Aahmes na puno ng pag-aalala ang tingin sa akin. ”Eric, you have turned pale, are you sure you’re okay?” “Hindi...” seryoso ko’ng sagot. “Kailangan ko’ng mag-relax... alam ko’ng hindi basta-basta makakapagsalita si Reubert kung isa nanaman ito’ng misyon...” “A mission?” “Basta, Habibi, hayaan mo lang muna ako’ng magsalita pagdating natin sa taas.” sabi ko. “Ako na muna ang kakausap sa kan’ya.”   Umabot na kami sa palapag ng unit ni Reubert. Agad kaming pumunta sa pinto niya at kumatok rito. Natagalan si Reubert sa pagsagot nito, at nakasimangot pa s’ya nang buksan n’ya ang pinto. “Reubert! Kamusta na?” masaya ko s’yang binati, sabay pasok sa unit, kabuntot si Aahmes. Agad nawala ang inis sa mukha ni Reubert. Napalitan ito ng lungkot at takot. Na para bang gusto n’yang magsumbong sa `kin. Pero alam naming pareho na hindi n’ya `to pwedeng gawin. “Prof. Antonio, Dr. Aahmes, tuloy po kayo.” sabi nito habang papunta kami sa kanyang sala. “Tulog pa ba si Nathan?” tanong ko, ”Mukhang pinagod mo nanaman, ha?” “Wala po siya rito,” mahinang sagot ni Reubert, “umuwi siya sa kanila kagabi.” ”Bakit, may problema ba?” tanong ko habang nakatitig sa kan’ya. Natagalang sumagot si Reubert. Mukhang nag-iisip. “I guess, our relationship didn’t work out,” sabi nito. “Babalik muna ako sa New York para mag-isip.” Napatitig ako lalo sa kan’ya. “Bakit? Anong nangyari?” tanong ko, “Bakit parang biglaan `ata?” “Wala lang...” nakasimangot nito’ng sagot, ”may konting aasikasuhin lang po, babalik din naman ako... hindi ko nga lang alam kung kailan...” “Kung gan’on, kailangan mo’ng sabihan si Nathan!” kinapitan ko s’ya sa braso. Gusto ko s’yang hatakin palabas ng silid na ito. Umiling lang si Reubert. Kinamot n’ya ang batok n’ya, tapos, dumikit ang daliri n’ya sa kanyang taenga at kinuskos n’ya ang kanyang mata. Ibig sabihin nito at may nakikinig at nanonood sa amin ngayon. “Like I said, hindi ako sigurado kung kelan ako makakabalik,” pilit ni Reubert, “It would be a month, at least, kaya mas mabuti pa, kalimutan na niya `ko, kesa maghintay siya sa wala.” “What about the experiments?!” Napatingin kaming dalawa ni Reubert kay Aahmes na nanlalaki ang mga mata. Kinapitan ko ang kamay n’ya para pigilan s’ya, pero mukhang mas importante kay Habibi ang kan’yang work. “We have already recorded progress and have advanced into the next stage, we can’t just-“ “I don’t believe it’s imposible for fated pairs to part.” bara sa kan’ya ni Reubert. “Noon pa man, nang una tayo’ng nagkita, sinabi ko na that I’m against that belief. I came here to prove that I can break that very bond and leave my fated pair behind.” “And you have also proven yourself wrong!” pilit ni Aahmes na ipinaglalaban ang kanyang study. “You said so yourself! It’s imposible for you to leave Nathan!” “Well, then, I have just proven myself wrong, again,” mahinahon na sagot ni Reubert. “Aahmes, tama na, wala tayong magagawa kung ayaw na ni Reubert ituloy ang experiment,” sabi ko sa kasama ko. “But-“ “Aahmes.” Tinitigan ko s’ya ng masama. Noon naman tila nakaramdam si Aahmes at naalala ang bilin ko sa kan’ya kanina. “Nagtampo si Nathan dahil `di ko kayang sabihin sa kan’ya ang mga bagay na itinatago ko,” paliwanag sa amin ni Reubert, “Alam ko, napuno na siya sa `kin, pero kung `di niya kayang magtiwala sa akin, eh, hindi kami magtatagal sa isang relasyon,” patuloy nito, bagamat kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata n’ya. “Siya na mismo nagsabi, baliwala ang relasyon na walang tiwala. Kaya buti pa maghiwalay na lang kami.” Napailing na lang ako sa itsura ng dati kong alaga. “Reubert, you still need to talk to him,” pilit ko. “You can’t just leave without telling him anything... Ba’t `di kayo mag-usap?” “Professor, you know exactly why.” `Yun lang ang sinabi n’ya. Tumayo s’ya at sinamahan kami palabas ng kanyang condo, at pinagsaraduhan ng pinto, at pare-pareho kaming walang nagawa. ”Pucha.” Tama, wala ako’ng magawa kung `di magmura. ”Putang ina lang talaga.” Kinapitan ni Aahmes ang braso ko. Inabot n’ya ang mga kamay ko’ng namumuti na sa higpit ng pagkakakuyom ng mga ito. “Eric, we can still fix this,” sabi niya, let’s go to your nephew, we could at least explain it to him...” “No... narinig mo naman ang sabi ni Reubert `di ba?” umiling ako. “Hindi natin alam kung anong pinanghahawakan nila ngayon... baka nga mamaya si Nathan na mismo...” `Di ko tinuloy ang sasabihin ko. Mahirap na, baka pati sa elevator shaft ay may taenga rin silang nakatago.   Nanatili ako’ng tahimik hanggang sa makasakay kami sa kotse ni Aahmes, knowing that his men keep it clean from all possible bugs and trackers. Noon lang ako napahinga ng malalim, at habang nilalamutak ang aking mukha ay sinermonan ang makulit ko’ng Habibi. “Ikaw talaga, bakit ba binanggit mo pa ang tungkol sa experiments mo? `Di ba’t sabi ko, `wag ka’ng magsasalita? `Di ba’t sabi ko na ako na muna ang bahala?” “You didn’t actually tell me not to speak,” sagot nito na wala nanamang expression. “Oo nga, pero sabi ko rin na ako lang ang magsasalita!” “But he said he was leaving. I can’t just let him go while we are in the middle of an experiment.” Napatingin ako ng masama kay Aahmes. ”Mas importante pa ba ang experiment mo kesa sa kaligtasan ng pamangkin ko?!” tanong ko rito, at agad din s’yang pinigilan. ”`Wag mo nang sagutin `yun!” singit ko, bago pa s’ya makapagsalita, ” Alam ko naman kung anong isasagot mo!” ”Then professor, what is it that you propose we do?” “Nothing,” agad ko’ng sagot. “Ano sa tingin mo ang mangyayari `pag nalaman ni Gagamba na hinihintay mo’ng may tumubo sa pamangkin ko?” tanong ko sa kan’ya. “Paano na kung magkatotoo nga ito? Sa tingin mo ba, basta na lang nilang pababayaan ang isang alpha na maaring manganak?” “Hmm... I have failed to plan that far...” sagot ni Aahmes na nakakunot ang noo. “Even so, it is still a bad idea for a fated pair to be so far away from each other,” patuloy niya. “What if they start showing signs of FPS?” “Hay, nako, kung nakaya ni kuya, makakaya rin `yan ni Nathan.” sabi ko, kahit pa nagdududa ako sa sagot ko’ng iyon. “Sa ngayon, kailangan muna nating alamin kung ano ang nangyari.” “So, do we go to your nephew next?” tanong sa akin ni Aahmes. “No,” sagot ko. “May dadalawin tayo’ng Gagamba.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD