Chapter 92 - Nagparamdam ang demonyo!
Pucha.
Putang ina.
Kaputa-putahan ng mga putang inang puta sa mundo!
Nagparamdam ang demonyo!
Nagparamdaw si Satanas dahil alam n’yang wala na s’yang hawak sa akin!
Nangako si Grinch na aalagaan nila ang pamilya ko... sina Louie... ligtas na sila... hindi na sila p’wedeng ipanakot ni Satanas sa `kin, kaya s’ya nagpakita ngayon!
Kaya s’ya nagparamdam, para ipaalala sa `kin na kapit pa rin n’ya ko sa leeg. Na hindi ko s’ya basta-basta matatakbuhan.
At si Aahmes naman ang tatargetin n’ya ngayon?!
Pucha talaga!
Ang demonyo’ng `yun... S’ya ang pasimuno nang lahat nang ito! Kung bakit kasi sa dinami-rami ng mga tao sa facility sa Tanay, siya pa ang natirang buhay?!
`Di ko dapat pinapunta si Aahmes nang mag-isa!
Dapat hindi na lang kami umuwi mula Batangas! Dapat nanatili na lang kami doon habambuhay!
Buti na lang at nag-withdraw ako ng cash kahapon para bayaran ang down p*****t sa resort in cash... buti na lang at wala silang makukuhang paper trail. Walang may-alam na bibilhin namin ang lugar na iyon, kaya’t may matatakbuhan na kami ni Habibi kunsakaling hunting-in man kami ng demonyo!
Pero... f**k!
”Eric, are you sure you’re okay?” nag-aalalang tanong sa `kin ni Aahmes na lumabas galing banyo.
Nilapitan n’ya `ko na pabalik-balik na naglalakad mula sa may pinto, papuntang bintana sa dulo ng aming kwarto. Hinatak n’ya ko sa kama at tinabihan doon.
”I told you, you don’t need to worry too much about that person. You know well that he can’t do anything to us.”
“I know, mahal, pero... I still can’t help but worry... alam mo naman na ilang taon din ako’ng ginago ng demonyo’ng iyon... s’ya si Satanas! S’ya ang hari ng lahat ng demonyo sa mundo!”
“And now, that time is over. He has nothing to hold against you now. You have nothing more to loose.”
“Nothing... but you...”
Niyakap ako ni Aahmes.
Bahagyang nawala ang kaba sa dibdib ko habang dama ko ang t***k ng puso n’ya.
“Alam ko, kaya s’ya nagpaparamdam, dahil alam n’ya na kaya ko nang makakawala sa kan’ya,” sabi ko, “Kaya ko nang magpakalayo... Ano pa ba ang dahilan at naisipan n’yang pumunta sa Universal Labs?”
“General De – “
“`Wag mo’ng sabihin ang pangalan ng demonyo’ng `yun!” pigil ko kay Aahmes, “You know what they say, when you speak of the devil!”
“Well, he can’t just magically appear in our bedroom, now, can he?” sabi ni Aahmes na marunong nang mag-joke.
“He actually wanted to buy the SGT kits as well,” sabi nito, “He said he plans to gather unwanted omegas from shelters and orphanages and build a special military school for them.”
“Pucha... balak n’ya gumawa ng omega army?” napaisip ako, “Sa bagay, sa dami ng mga unwanted omegas, ayos nga `yun kung matuturuan n’ya ang mga `to na lumaki bilang mga sundalo’ng sunud-sunuran sa kan’ya!”
“He said that he can teach omegas to defend themselves and turn them into upstanding members of society.”
“Defend? Anong tingin n’ya sa mga omega? Walang kakayahang maging upstanding members of society na kayang ipaglaban ang sarili nila?! if I know, nagbabakasakali lang si gago na makakita ng DOME, kaya gusto n’yang mag-ipon ng mga omega!”
“Actually, I think his cause is quite noble,” sabi ni Habibi, “It is true that a lot of omegas end up in the system, and due to the small funding in government run facilities, these omegas are inadequately trained and usually end up as low income factory workers, or worst, get exploited in the s*x industry.”
“Ugh... hindi mo kasi kilala ang demonyo’ng `yun. Laging may mas malalim at madilim na dahilan ang lahat ng mga plano n’ya!”
”I know from your stories just how much of a bastard he is,” sagot ni Aahmes, “but there is no longer a reason for you to fear him. All he can do now, is intimidate you. Which he seems to be doing a good job of.”
Napatingin ako kay Aahmes at nagbuntong hininga.
“Sa bagay, may punto ka. Malamang sumulpot lang s’ya para takutin ako. At muntik na s’yang magwagi...”
“That is why we must show him that we are not afraid of him,” dagdag pa ni Aahmes.
Napatitig ako sa Habibi ko.
Tama s’ya, masyado ako’ng nag-aalala at nagpaapekto sa demonyo’ng iyon. Ano nga ba ang magagawa pa n’ya sa `min ngayon? Wala na ang bomba sa ulo ko, ligtas na at binabantayan ang pamilya ni Louie, at hindi naman n’ya kayang takutin ang isang prinsipe mula sa United Arab Countries of the Middle East.
“Pero... parang masama ang kutob ako... ayoko s’yang bentahan ng SGT kits natin!” sabi ko kay Aahmes na nakayakap na ngayon sa akin habang nakahiga kami sa kama.
“Then, don’t sell it to him,” sagot ni Aahmes. “Frankly, using the SGT kits on orphans is quite unethical. Fosters are not supposed to choose a particular child, they should welcome the one given to them by the state, that is why it is usually not allowed for prospective fosters to view the children in an orphanage.”
“Ganoon ba `yun?” pagtataka ko. ”Hindi sila p’wedeng mamili ng bata?”
”Yes. In this fashion, the children would all have the chance to be adopted, not just the favorable ones. This is also the reason why it is even forbidden to take photos of children in orphanages.”
“Eh, pano kung hindi magustuhan ng mga aampon ang batang pinaampon sa kanila?” tanong ko.
“The orphanage usually asks the would be perents their preferences, like age, primary gender, color and race,” sagot muli ni Aahmes. “Uncovering the secondary gender of a child and using this as a preference for foster parents would be too biased. It would only lead to further discrimintation which we already have too much of.”
“Kung ganon... p’wede nating kontrahin ang balak ng demonyong `yun... p’wede ko’ng sabihin na ayoko s’yang bentahan ng kits for ethical reasons!” nagawa ko na ring ngumisi.
“Exactly,” sabi ni Aahmes. “In fact, I suggest we let your brother-in-law know about his plans. Invite Louie to our meeting on Monday, tell Mr. Derejedo about it as well.”
“Ang talino naman talaga ng Habibi ko!” inabot ko si Aahmes at hinalikan sa pisngi. “Kaya mahal na mahal kita, eh! Ang galing mo’ng mag-isip ng paraan!”
Mukhang nahiya naman si Aahmes na tumango at dumagan sa dibdib ko.
“If you really think I did good, then praise me more.” lambing n’ya sa akin.
S’yempre pinagbigyan ko ang mahal ko. Pinaghahalikan ko s’ya, at niromansa buong gabi!
Kinabukasan, nag-video conference kami nina Louie at Florence. Ikinuwento ko sa kanila ang tungkol sa SGT kits at sa demonya na balak gamitin ito.
‘Hmm... sounds like as interesting case...’ sabi ni Rence. ‘Count me in, anong oras tayo magkikita sa UL building?’
“Habibi, anong oras ba ang meeting?” tanong ko kay Aahmes sa tabi ko.
“Eight AM sharp.” nakasimangot nito’ng sagot sa `kin.
‘Okay, we’ll be there at exactly 8 am.’ sabi ni Louie na nagsulat sa kanyang memo.
‘Sigurado, matutuwa si dad pag nabalitaan ito.’ nakangisi pa’ng sinabi ni Rence, `Kilala ko nga `yang De Leon na `yan na may pagka sexist, mapa babae, beta at lalo na sa mga omega. Balita ko, s’ya ang unang tumutol sa pagpasok ng mga omega sa military noon.’
‘Tapos ngayon, balak n’yang mag-ipon ng omegas para gawing brainwashed soldiers.’ sabi ni Louie na kunot ang noo. `O baka naman iniisip n’ya na dispensable ang mga omega!’
“`Oy, wala ako’ng sinabing ganyan, ha?” singit ko.
‘Basta’t magkita-kita na lang tayo sa UL bukas ng 7:30,’ sabi ni Rence, `kami nang bahala sa `yo.’
Pagdating ng Lunes, `di `ko mapigilang nerbyosin.
Halos anim na taon na mula nang huli kaming nagkita ni Satanas. Nang huling kita nga namin, balak na n’ya ako’ng patayin, kung `di lang s’ya pinigilan ni Dr. Webb.
As in, tinutukan n’ya ako ng .45 sa ulo, kinasa pa n’ya `to.
Pumikit na lang ako noon, kahit pa nanginginig ang buo ko’ng katawan sa takot at inisip na sana magkita pa kami ni kuya, kahit bago pa man ako bumagsak sa impyerno, kung may langit at impyerno man.
Ganon ako ka-takot sa kan’ya.
Ganon ako ka-ilang na makita s’ya `uli. Kaya nga sinunod ko lahat ng utos nila, at nanahimik na lang sa Universal Labs, para na rin sa kaligtasan ng pamilya ni kuya Jonas... at ngayon, magkikita nanaman kami?
Well, actually, ni hindi namin alam kung darating si Satanas ngayon. Hindi rin n’ya sinabi kay Aahmes na magkikita pa kami. Company meeting lang naman ang pupuntahan namin, kaya malamang kami-kami lang sa kumpanya ang dadalo rito. Plus Florence and Louie.
Kung alam nga lang ni Louie kung sino at anong klaseng tao ang demonyong `yun, malamang, pati s’ya kabahan, kahit pa marami nang mga bigating pulitiko ang nakabangga n’ya sa mga kaso noon.
Ang isang `to kasi, hindi takot sa batas.
Alam n’ya na s’ya mismo ang batas kaya mas delikado s’yang banggain...
”Eric, are you finished?”
Kinatok ako ni Aahmes sa loob ng banyo.
Kanina pa nga ako nakatitig sa bagong ahit ko’ng mukha sa salamin.
Kailangan ko’ng makita si kuya, para lumakas ang loob ko’ng harapin ang isang `to.
”Sandali, palabas na `ko.”
Binuksan ko na ang pinto. Nakasandal sa hamba si Aahmes na ngumiti sa akin.
”I love it when you shave, you look so much more handsome.” Hinalikan n’ya `ko sa pisngi at niyakap. “I’ve placed your suit on the bed, hurry up and get dress while I take my bath.”
Kulay itim ang pinili ni Aahmes na americano para sa akin. All black ito, pati ang chaleco at ang undershirt, habang maroon naman ang tie. Katabi nito ay ang balak n’yang isuot na all white naman.
Sinimulan ko nang magbihis at suklayin ang buhok ko’ng hanggang balikat. Nagsusuot ako ng relo nang pumasok ang bagong paligo’ng si Aahmes.
“Your tie is crooked,” lumapit s’ya sa `kin para ayusin ito. “Are you still nervous?”
“S-sino’ng nervous? Handa na ito, `oy! Baka upakan ko pa `yang demonyong `yan pag nakita ko s’ya!”
Ngumiti sa `kin si Aahmes na nag-alis ng kanyang tuwalya para magbihis.
Parang gusto ko na lang bumalik sa kama kasama ang Habibi ko...
”I cooked your favorite longsilog for breakfast,” sabi nito, ”why don’t you head on to the kitchen and wait for me there?”
Tama, kailangan ko ng napakasarap na kape ng Habibi ko. Malupit ang kalaban, pero kakayanin namin ito.