Chapter 93 - Napaka ganda talaga ng araw na ito!

1761 Words
Chapter 93 - Napaka ganda talaga ng araw na ito!     Matapos kumain at makatatlong tasa ng kape ay dumiretso na kami sa impyerno – este, sa Universal Labs pala. Nasa Lobby na si Rence nang dumating kami. Tumango s’ya habang palapit kami sa kan’ya. “Kumusta na? Wala pa ba si Louie?” tanong sa `kin nito. “Ikaw nga balak ko’ng tanungin, eh,” sagot ko. “Mag-aalas siete y medya na, wala pa si Louie?” sabi nito na nakatingin sa kan’yang relo, “Dati-rati, s’ya lagi ang nauunang dumating tuwing nagkikita-kita tayo!” “Well, may dahilan na para mapuyat s’ya,” sabi ko. “Louie just arrived,” sabi ni Aahmes na nakatingin sa may entrance. “Sorry, I’m late!” humihingal na tawag sa `min ni loko, “I overslept!” “Hmph. Sigurado ka natulog ka lang?” pang-asar ko’ng tanong dito. ”Well, if you really need to know, ihinatid ko pa si Josh sa school n’ya which is in the other direction...” “So nag-oversleep kayo pareho ng syota mo’ng estudyante? Bakit kayaaa?” Pinanlisikan lang ako ni Louie ng mga mata as inirapan. ”So, saan ba ang meeting n’yo? Pumanik na tayo at nang maayos na `to.” ”Oo, pero bago ang lahat...” isinama ko sila sa front desk kung saan sila nagpatala. “Prof. Antonio, are they both alphas?” tanong sa `kin sa front desk, “They would need to take the suppressant if they are.” “I can vouch for them,” sagot ko. “They have been taking suppressants that I have prescribed myself.” “I’ll take your word for it then.” Tumuloy na kami sa elevator, paakyat ng East Tower. “Salamat,” sabi ni Rence sa pagsakay namin sa bakanteng shaft. ”Walang anuman,” sagot ko. Napatingin naman sa aming dalawa si Aahmes na mukhang gustong magtanong. ”Alam mo kasi, Dr. Abdel, may ginawang gamot si Eric na espesyal para sa amin ni Lin,” bisto nito. ”As you know, in my line of work, importante ang image, kaya nga bibihira lang ang mga omega na nagiging tanyag na abogado.” ”Then, the prescription the professor mentioned...?” ”Isa itong suppressant na kayang... pakalmahin ang estrus ng mga omega,” sagot ko. ”Dahil dito, wala pa’ng nakakabuking sa sikreto ko,” kinindatan ni Rence si Aahmes. ”sayang nga lang, at napaka hirap daw maghanap ng ingredients para dito, hindi tuloy ma-mass produce ni Eric ang formulation ng gamot n’yang iyon.” Napatingin sa `kin si Aahmes. Alam ko na alam na n’ya kung saan gawa ang riseta ko’ng `yun. ”How about you, Louie?” tanong n’ya sa bayaw ko. “Ah, iba naman `to,” sagot ko bago pa man makapagsalita ang bayaw ko. “eto naman, bawal nang uminom ng suppressants, dahil sa dami ng mga pinapak n’ya nitong nakaraang mga linggo, eh, baka ma-overdose na s’ya!” natatawa ko’ng sinabi. ”Is this the floor?” tanong ni Louie nang bumukas ang pinto sa elevator. `Di n’ya ko makontra, matapos n’yang maubos ang isang bote ng pills para lang `di s’ya tamaan ng rut tuwing kasama n’ya ang partner n’yang si Josh. “This way, please.” sagot ni Aahmes na naunang lumabas ng elevator patungo sa dadaluhan naming meeting.  Dumiretso ang grupo namin sa conference room, kung saan napatingin sa amin si Grinch. Tumaas pa ang kilay nito nang makilala n’ya ang dalawang abogado na kasama ko. “Prof. Antonio, it is always a pleasure to have you with us,” nakangisi nitong sabi, “May I ask who your companions are?” Pasimple pa `to... “Good morning, I am Atty. Louie Del Mirasol, and this is my colleague, Atty. Florence Derejedo, we came here as Prof. Eric Antonio’s lawyers.” “I see, but I don’t understand, what you are here for.” “We heard that your company have plans of selling the professor’s Secondary Gender Testing kits to a certain military personel who plans to use it in an unethical manner,” sabi ni Rence. “Our client does not agree to this. We are here to discuss it with you.” Napatingin sa akin si Grinch at napangisi. “Is that so?” tanong n’ya sa `kin, “Then please, do join us, I would be glad to help you out with this complaint.” Tumuloy na kami sa loob ng silid, kung saan naglaan sila ng mga upuan sa likod ko para kina Rence. Tinabihan naman ako ni Grinch bago magsimula ang meeting at kumapit pa sa balikat ko. “Pareho pala tayo nang iniisip,” sabi nito, tingin ko nga rin ay hindi  tama na gamitin ang isang gender testing kit para ihiwalay ang mga future alphas, betas and omegas sa mga bahay ampunan. In fact, I was about to raise the issue in today’s meeting.” “Buti naman po at kakampi pala kita,” sagot ko, ”sinama ko nga ang bayaw ko, panigurado, alam naman nating mapilit ang nagpayo nito.” “Tama ka, buti nga at wala s’ya ngayon, we can just send him a memo instead,” nakangising sabi ni Grinch. “Besides, we, as a company, have the right to refuse them. Now, all we need to do is to force the others to accept your choice. Buti na rin at may kasama kang dalawang magagaling na abogado para ilaban ito.” Tinapik ako ni Grinch sa balikat at tumayo. Pumunta na s’ya sa harap at umupo sa pwesto n’ya habang papasok naman ang iba pang mga dadalo sa meeting. ”Prof. Antonio!” mukhang nagulat si Dr. Hilario nang pumasok ito kasunod si Dr. Perez. ”Buti po at nakadalo ka sa meeting ngayon!” Tinaasan ko lang ito ng kilay. ”If everyone is here, we can start the meeting in 2 minutes.” tawag ni Godzilla mula sa harap. Ako naman ay umupo nang komportable sa aking swivel chair at ngumiti kay Pretzel sa harapan ko. I can relax now. May dalawa ako’ng tagapag salita, kakampi ko si Grinch, at nasa likod ko ang aking mahal. What could possibly go wrong?   “Ayan, ha, ayos na ang problema mo, patas na tayo!” sabi sa `kin ni Louie sa paglabas namin ng conference room. “Oo, sige, salamat sa inyong dalawa at `di mapupunta kay Satanas ang imbensyon ko!” nakangisi ko’ng sabi. “Ba’t nga ba parang ang init ng dugo mo d’yan kay Gen. De Leon?” natatawang tanong sa `kin ni Florence. “Shht! `Wag mo’ng tawagin, at baka biglang lumabas,” pigil ko sa kan’ya, “Ang mga demonyo, matatalas ang pandinig!” Lalo lang natawa si Rence sa sinabi ko. “Sige na nga, mauna na kami ng kuya Louie mo, at may aasikasuhin pa rin ako’ng kaso sa law firm ni dad.” sabi nito. “Hay, ako rin, may inaasikaso na kaso, at mukhang mapapa-overtime pa `ko mamaya, ang kukulit ng mga bagong kliente ko, eh...” singit ni Louie. “Sige, mag-ingat kayo, at pakamusta na lang kay Lin!” ”Sige, doc!” paalam nila kay Aahmes na tumango sa kanila. ”Shall we head up stairs, professor?” tanong ng aking mahal na nasa work mode na. “Op kors, Habibi! Namiss ko ang lab ko, ang tagal ko’ng nawalay sa kan’ya!” natawa ako sa aking sinabi, “O, Habibi, bawal mag-selos, ha, baka sabihin mo, may iba ako’ng labs!” “I am not,” simpleng sagot ni Aahmes. “It is good to see you in high spirits,” habol n’ya habang pabalik kami sa elevators. “Napaka saya ko talaga! Gusto ko’ng makita ang pagmumukha ng demonyo pag nalaman n’ya na hindi natin s’ya bebentahan ng SGT kits!” tumawa ako ng malakas, napatingin tuloy sa `kin ang ilang tao sa lobby, pero wala ako’ng paki. “Kamusta na nga ba ang mga tao sa lab?” tanong ko, “isang buong linggo rin ako nawala, ha?” “Nothing much as changed, professor,” sagot ni Aahmes. “Our interns have passed their dessertations. Pedro and Pilar have already viewed their initial drafts. Their works are pilled up on your table, waiting for your approval. “Okay lang, nabasa na naman pala nina Pedro, what could possibly go wrong?” Nakangisi ako’ng lumabas ng elevator kasama si Aahmes at binati ng mga alipores ko. “Welcome back Prof. Eric!” Talagang nag-effort pa silang gumawa ng banner, ha? Nakadikit ito sa pader, gamit ang surgical tape, at may puso pang drawing sa dulo! “Sir. Eric, nasa mesa n’yo na po ang mga thesis ng interns,” pamungad sa `kin ni Pedro. “nandoon na rin po `yung documents para sa production ng SGT kits, eto naman po `yung list ng mga kailangan nating gamit dito sa lab, for re-stock.” “Okay, paki bigay na lang `yan kay Aahmes,” sagot ko habang papunta sa aking kuwarto. “Sir, eto naman po `yung list ng mga bata’ng bagong manifest,” sabi naman ni Pilar, “lumampas na po tayo sa 30% mark!” “Ah, more good news!” humarap ako sa mga interns na sumusunod sa amin. “Sige, since good mood ako ngayon, umorder kayo ng pizza for everybody!” Tuwang-tuwa ang mga kulokoy, ilang beses sila’ng nagpasalamat hanggang sa makapasok kami sa `king workstation at magsara ng pinto. Napatitig ako sa mesa na `di na makita ang tuktok dahil sa dami at taas ng mga papeles na nakapatong dito. Pero okay lang iyon! “Habibi, dapat tayo’ng mag-celebrate sa araw na `to! Saan mo gustong pumunta mamaya?” nakangisi ko’ng tanong sa mahal ko. ”To Joshua’s school.” ”Ha?” nawala bigla ang ngiti ko. ”We need to talk to his school friend Rome, remember?” ”Habibi naman, napaka ganda ng mood ko, bigla mo’ng sisirain! Hindi ba p’wedeng ibang araw na lang `yan?” nakanguso ko’ng tanong. ”No. We need to meet them today. I already gave my word.” “Haaaay...” umupo ako sa aking swivel chair. Natakpan ng gabundok na mga papeles si Aahmes. “Sige na nga, pero tapos noon, date tayo, ha? feel ko’ng mag-bulalo ngayon. “Okay, professor, I promise we won’t take too long.” Okay lang, balik ang happy mode! May parating na pizza at may date pa kami ng mahal ko. Napaka ganda talaga ng araw na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD