Chapter 107 - I have my rights! I can do anything I want!

1787 Words
I have my rights! I can do anything I want!   “Ako na bahala rito.” `Yun ang sinabi ko kay Louie. Pero sa totoo lang, nauubusan na ako ng pasensya at idea kung pa’no aayusin ang pamangkin ko’ng sutil. Nathan. Bakit nga ba puro problema ang dinadala mo sa amin? Hindi na namin nagawa pa’ng matulog ni Aahmes. Nagising kasi ang loko ng alas-sais ng umaga, at nagwala nang makita na ikinulong namin s’ya sa kwarto. ”Illegal detention `to! Hindi n’yo p’wedeng gawin sa `kin `to!” pilit niya. “Pakawalan n’yo ko rito! Kung `di, idedemanda ko kayo!” “We’re doing this for your own good.” Sabi ko, nang dalhan ko s’ya ng umagahan. Ibinato n’ya lang iyon sa pader at lalong nagsisigaw sa akin. “What do you care about what’s good for me?!” bulyaw nito. “Tiyuhin lang kita! Hindi kita tatay! At matanda na `ko para ikulong n`yo pa `ko ng ganito! I have my rights! I can do anything I want!” “You are clinically unstable due to fated pair withdrawal syndrome,” naiiritang sabi sa kan’ya ni Aahmes. “You are a threath to society and to yourselve. As your doctor, I suggest you be kept indoors until your symptoms subside.” “Hindi ikaw ang doctor ko!” sigaw niya kay Aahmes. Sa inis ay tinulak ko s’ya sa kama kung saan s’ya napaupo. Mukhang may tama nga ang bago ko’ng suppressant dahil may halong c******s ang formulation nito. Either that, o sadyang nanghihina lang s’ya dahil wala pa s’yang kinakain mula nang isang gabi. “Nathan, matuto ka’ng gumalang, ha. Ganyan ka ba namin pinalaki ng papa Louie mo?!” Sandaling natahimik si Nathan na masama ang  tingin sa `kin. ”Bakit n’yo ba kasi ako pinigilan kagabi?! Ano ba’ng masama kung gusto ko’ng maghanap ng ibang partner?!” ”Sigurado ka `ibang partner’ and hinahap mo? O, iba’t-ibang mga `partners’ with an `S’ sa dulo?” bara ko rito, “Matapos ka ba molestyahin ng mga kabarkada mo, mas trip mo nang magpa-gang r**e sa mga alpha? Bagong kink mo na ba `yan ngayon?!” Muling natahimik si Nathan. Naisip ko naman na sumobra na ang sinabi ko. Nagtitigan kami, hanggang sa umiwas s’ya sa `kin ng tingin. Lumabas na ko noon, muling kinandado ang kanyang pinto, at napailing na lang nang marinig namin s’yang nagwawala sa loob. Binasag n’ya ang bintana. Nagsisigaw pa s’ya sa mga kapitbahay. Buti na nga lang at nakausap namin ang katabi namin, at sinabi na nagwi-withdrawal ang pamangkin ko. Buong araw s’yang ganoon. Tinapon din n’ya ang tanghaliang dinala ko sa kan’ya, at pagdating ng hapon ay nagmamatigas pa rin sa amin. “Kahit ano pa’ng gawin ninyo, wala pa rin mababago. Lalayasan ko rin kayo as soon as I get out of here.” Sigaw n’ya nang dalhan ko s’ya ng hapunan. Hindi ko na lang siya pinansin, pagod na ako’ng magsermon at pilit magpaliwanag sa kan’ya. Narinig ko’ng ihagis n’ya nanaman ang plato ng pagkain sa pagkasara ko ng pinto, at maya-maya at hinahampas naman n’ya ang doorknob. Feeling ata n’ya makakatakas s’ya `pag dinistrongka n’ya ito. Pinagpatuloy pa n’ya ito ng ilang minuto, hanggang sa wakas, ay matahimik din ang lugar. “Do you think he finally decided to give up?” tanong ni Aahmes nang matahimik ang paligid. “Probably,” sagot ko. “Wala s’yang kinain sa mga hinanda natin sa kan’ya. Malamang napagod din ang loko at naisipang matulog na lang.” ”Good. We can inject him with another dose of suppressants when he sobbers up.” sabi ni Aahmes, “I suggest you give him a higher dosage.” “Tama, sandali at kukuha ako ng bagong ampule.” Hinanda ko ang gamot. Dinagdagan ko nga ang dosage nito, at saka binuksan ang pinto sa silid ni Nathan, kung saan namin s’ya nakitang nakahiga sa kama. Nasa lapag pa ang kalahati ng katawan n’ya, at namumutla ang mukha nya. Agad ako’ng tumakbo sa tabi n’ya para kunan s’ya ng vitals, at sinigurado’ng wala s’yang ginawa sa sarili n’ya. “I think he passed out due to hunger,” sabi ni Aahmes na chine-check na rin ang pulso n’ya. “Sira ulo kasing... halika, dalhin na natin s’ya sa ospital para makabitan ng suwero!” Ayun na nga ang ginawa namin. Dinala namin s’ya sa malapit na ospital, at pinayuhan ang mga doktor at nurse na i-strap s’ya sa kama. Later, tinawagan ko si Louie para malaman ang nangyari. Pagdating n’ya ay iniwan namin siya para magbantay at muling umalis. Kailangan ko’ng makausap ang pinagmulan ng problemang ito.   “You need to talk to Nathan,” pilit ko kay Reubert sa pagbukas n’ya ng pinto sa kanyang condo. “Say something to him... anything!” “What for?” sagot nito na para ba’ng walang kabuhay-buhay. “Reubert, sinisira niya ang buhay niya dahil-“ “Hindi ko kasalanan kung ano man ang gawin niya sa buhay niya,” bara n’ya sa `kin. “At bakit ko pa siya kakausapin? Para umasa pa siya na babalik ako? Alam ko naman na madali niya lang ako’ng mapapalitan!” Ah. So that’s how it is. Nag-init ang ulo ko. Kumulo ang dugo ko at `di ko napigilan nang sapakin ko ang makapal na pagmumukha ng tarantadong omega sa harap ko. “Matapos mo siya’ng paasahin?!” singhal ko sa kan’ya. “Matapos mo siyang angkinin, basta-basta mo lang siya iiwan?!” Muli ko’ng hinagisan ng sapak si Reubert, but this time, nasalo n’ya ang kamao ko at hindi ito pinakawalan. “Ano? Sawa ka na ba agad sa pamangkin ko?” sumbat ko sa kan’ya. “Ano’ng pinagkaiba mo sa mga putanginang alpha sa ginagawa mo sa kan’ya?! Ano’ng ikinagaling mo sa kanila? Mas malaswa ka pa! Dahil inspite of all that you’ve been through, you’re still acting like the alphas that you f*****g hate so much!” Hinatak ko palayo ang kamay ko. Nakakadiring makapitan ng putang-inang `to. Sobrang nagsisikip ang dibdib ko sa galit at pagkadismaya sa kan’ya. “Kung `di mo s’ya pupuntahan,” hinihingal ko’ng dinagdag, “siguraduhin mo na rin na `di ka na manggugulo sa kan’ya muli! `Wag ka nang makabalik-balik pa rito!” sigaw ko, “Magkalimutan na tayo, Reubert! Kalimutan mo na lahat ng pinagsamahan natin!” Hindi s’ya umimik. Ni hindi n’ya magawang tumingin sa akin. Umalis na lang ako. Padabog ko’ng binuksan ang pinto at binalibag ito, tapos ay dumiretso na `ko sa elevator. Sinundan pa pala ako ng damuho, at naramdaman ko’ng may isaksak s’ya sa `king bulsa. Hinampas ko ang kamay n’ya paalis at tinitigan s’ya ng masama. Sa pagbukas ng elevator, sumakay ako rito at tuluyan nang umalis.   “What happened, Eric?” nag-aalalang tanong sa `kin si Aahmes nang balikan ko s’ya sa parking area. “Putang-ina.” binalibag ko pasara ang pinto ng kanyang kotse. “Putang-inang tarantadong Reubert na `yun! Bagay na bagay nga sila ni Nathan! Pareho silang mga gago! Tama lang na pareho rin silang magdusa sa paghihiwalay nila!” “Didn’t Reubert say anything? Is he still going to leave?” tanong ni Aahmes. “Wala daw s’yang paki! Madali naman daw s’yang ipagpapalit ni Nathan, kaya buti pa maghiwlay na sila ng tuluyan!” “Hmm... could it be that he found out what Nathan did last night?” “Aba, malay ko!” naiirita ko’ng sagot, “Eh, `di naman magkakaganon si Nathan in the first place, kung `di n’ya `to basta pinabayaan!” Huminga ako ng malalim ng ilang beses at napailing. ”Sorry... pati tuloy ikaw napagbubuntungan ko ng init ng ulo...” ”It is okay, professor, I’m quite used to it.” Napatingin ako kay Aahmes. Diretso ang tingin n’ya sa akin, walang expressions as usual, pero alam ko na naaapektuhan na rin s’ya ng mga pangyayaring ito. Tila imposible namang `di s’ya affected, kahit naman mahina sa emotions ang mahal ko, nakakadama pa rin s’ya, lalo na papag ako ang involved. “Ayan na, professor nanaman ang tawag mo sa `kin...” inabot ko s’ya at niyakap. “Sorry, mahal, akala ko, wala na tayo’ng problema, hindi pa pala tapos ang drama ng pamilya ko...” “It is inevitable. We all go through strifes, the least we could do is face them together.” sagot niya. “At buti na lang at narito ka sa tabi ko.” Muli akong huminga ng malalim, ng ilang ulit, bago nagawang umupo ng maayos sa aking puwesto. Noon ko naisipang tignan ang inilagay ni Reubert sa bulsa ko. Isa itong pahina ng tabloid na tinupi ng ilang ulit para lumiit. Binuklat ko to at nakita ang isang article sa page 8 na nakatawag sa pansin ko.   ’University Professor Found Dead in Motel.’ Sabi rito. ‘A 35 year old university professor was found dead due to heart failure in a motel in Sta. Mesa, Manila. Initial findings showed that he was in bed with a partner, possibly an omega, and had a heart attack while in the heat of having s*x. Eye witnesses say he checked in with a partner wearing a hoodie. Police are currently looking for said partner for questioning.’   “Pucha... ano nanaman ba’ng ginawa ng sira-ulong Reubert na `to?!” bulong ko nang makita ang CCTV capture na nagpapakita ng dalawang lalaking nakatayo sa tapat ng elevator. “What is it?” tanong sa `kin ni Aahmes. “Inilagay `to sa bulsa ko ni Reubert kanina. Mukhang may pinatumba s’yang professor mula sa university nila. Ano naman ang kinalaman noon kay Nathan?” Naiirita ko’ng ibinalibag ang dyaryo sa dashboard ni Aahmes. “Bwiset talaga! Gusto ko na lang tumakas papuntang Batangas kasama ka at iwan lahat ng problema rito... gusto ko na lang matulog sa beach habang yakap ka at magising kinabukasan sa pagsikat ng araw, na walang ibang pinuproblema sa mundo kung `di ang muta ko!” “In due time, Eric...” kinapitan ni Aahmes ang kamay ko at pinisil ito. “For now, we need to take care of Nathan. He would definitely need all our support to get through this.” Nagbuntong hininga ako nang pagkahaba-haba. Hinintay naman ako ni Aahmes na mahimasmasan bago magsalita `uli. “So, where do we go from here?” “Balik sa ospital,” sagot ko. ”Kailangan nating subaybayan si Nathan, bago pa s’ya makaisip gumawa ng panibagong problema.” “Perhaps we can get him a pregnancy test as well?” Napatingin ako kay Aahmes. “Talagang pinaglalaban mo `yan, ha?” napailing na lang ako, “Okay, mamaya sabihan mo si Nathan. Ikaw nang bahala magpaliwanag sa kanila.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD