Chapter 108 - Sa kinikilos mo, daig mo pa ang bata!

1612 Words
Sa kinikilos mo, daig mo pa ang bata!   Pagbalik namin sa ospital ay tulog pa rin ang damuho. “Maayos naman ang lagay n’ya,” sabi ni Louie na kunot ang noo, “pero inaalala ko ang pwedeng mangyari, gayo’ng magkahiwalay sila ni Reubert ngayon... alam ko ang feeling `pag matagal nahihiwalay sa fated pair. Baka hindi ito kayanin ni Nathan kung magpapatuloy pa ito’ng lover’s quarel nila.” “Actually, paalis na si Reubert papuntang tate.” Napatitig sa akin si Louie, nanlalaki ang mga mata. “Ano kamo? Eh, kailan daw ang balik niya?!” tanong nito. “At least a month daw... maybe more.” “Ha?!” napatayo na si Louie. “Basta na lang n’yang iiwan si Nathan?! Eh, `di ba isang buwan lang ang tinagal ni Winston dati bago s’ya...” hindi tinuloy ni Louie ang kanyang sasabihin. Tama. Isang buwan lang ang tinagal ni Winston Heuer. Siya ang tunay na fated pair ni kuya, at hindi n’ya kinaya nang naghiwalay sila. Kinitil n’ya ang sarili n’yang buhay, a month after he and my brother separated from each other. “`Wag ka’ng mag-alala, malakas ito’ng si Nathan, dominant alpha s’ya, umaasa ako’ng makakaya n’yang lampasan ang mga simptomas ng  pair withdrawal. Or at least, mas matatagalan n’ya ito.” “Pero... ba’t ba kailangan pa’ng umalis ni Reubert?” tanong ni Louie na ibinuhos ang frustration sa taong wala sa kuwarto. “At bakit hindi man lang s’ya nagpaalam ng maayos? Basta na lang ba n’ya iiwan si Nathan nang ganon-ganon na lang?!” “Maraming dahilan... siguro balang araw makakapagpaliwanag din s’ya, pero sa ngayon, kailangan na muna nating maghintay.” “Ano namang ibig mo’ng sabihin doon?” ako naman ang pinagbuhusan n’ya ng galit. “Bakit mo s’ya pinagtatanggol? Bakit parang may conspiracy sa pagitan ninyo?” “Haay... pare-pareho lang tayong frustrated, Louie,” sabi ko rito, “buti pa, ang isipin na lang natin, eh, kung pano matutulungan ang mokong na `to para `di s’ya masyadong tablan ng Fated Pair Syndrome.” “If I may suggest...” Napatingin kami ni Louie kay Aahmes na tahimik lang na nakikinig sa amin habang nagsusunat sa likod. “I may have a way to severe his connection to his pair.” “Severe his connection?” ulit ni Louie, “Paano mo naman balak gawin `yun?” “Nakaisip si Aahmes ng experimental way para matanggal at paghiwalayin ang mga pairs,” paliwanag ko kay Louie. “Kailangan nito ng operation, para i-disconnect ang ilang connections sa hippocampus, pero `di pa n’ya ito nasusubukan sa mga tao.” “Then... it’s never been proven to work?” tanong ni Louie. “Yes, it is still experimental, after all, but I don’t need to use surgery to – “ “Aahmes, you will need surgery if you want to do it the proper way,” sabi ko habang nakatitig sa kan’ya. “You wouldn’t want to get into trouble, would you?” dagdag ko pa. Tinitigan ako ni Aahmes pabalik. He should know well na hindi n’ya pwedeng gamitin basta-basta ang dominant omega pheromones n’ya para rito. Kahit pa pamangkin ko ang nangangailangan nito. Dahil naman sa ingay namin ay napaingit si Nathan. Sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa kan’ya. “Nathan?” Sa wakas, dumilat din muli ang mga mata ng loko. ”Nathan!” inangat s’ya ni Louie nang tuluyan at niyakap. ”Kamusta, anak?” ”A-ano nanaman `yan...?” pilit s’yang tinulak ni Nathan na napatingin sa paligid. “Nasaan...” “Nasa ospital ka, for dehydration and low blood pressure,” sagot ko. “Ba’t naman hindi ka kumakain?” tanong sa kan’ya ni Louei, ”Wala ka pa rin bang gana?” Umiling si Nathan na may lakas pa nang loob na magsumbong sa tatay n’ya. ”Kinulong ako ni tito...” sabi nito. ”Oo, alam ko. Ako ang nagsabi’ng siya na muna ang mag-alaga sa `yo.” ”Alaga?” namula ang mukha ng damuho, ”Ano ba tingnin n’yo sa akin? Bata?” ”Sa kinikilos mo, daig mo pa ang bata!” singhal ko. ”Eric.” Tinitigan ako ni Louie. Mukhang balak nanaman n’yang i-spoilin ang anak n’ya. “Nathan, tama na, kung may problema ka, pag-usapan natin. Hindi mo kailangan maghanap ng iba para lang matakbuhan ang problema mo.” “Wala ako’ng problema!” paismid na sagot ng anak n’ya. “Hay, naku, alam mo ba na ganyan na ganyan din ang ugali ng papa Jonas mo, nang pumayag na s’yang hindi makipag kita kay Winston Heuer?” Napatingin si Nathan kay Louie nang marinig `yun. Pati ako nagulat. “Ilang araw siyang nawalan ng gana kumain, naging mainitin din s’ya at napaka tigas pa ng ulo, tapos, tuwing gabi, hindi ko s’ya halos ma-satisfy sa kama.” Natawa si Louie. Hindi naman ako makapaniwalang nagawa na n’yang ikwento sa iba ang tungkol kay kuya! “Nag-aalala tuloy ako sa `yo,” patuloy n’ya habang hinihimas ang buhok ni Nathan, ”pero anak, `wag ka naman kung saan-saan lang maghanap ng ipapalit sa partner mo.” “These are signs of pair withdrawal syndrome after all.” biglang pasok ni Aahmes, na patuloy sa pagsusulat. “Hanggang ngayon ba naman?!” sigaw sa kan’ya ni Nathan. “Aahmes, can you please step out for a bit?” pakiusap sa kan’ya ni Louie. Tumingin sa `kin si Habibi, at pagkatango ko ay saka lang umalis. “`Wag kang mag-alala, malalampasan mo rin `yan,” patuloy ni Louie, “kahit si papa Jonas mo, nakayang kalimutan ang lalaking iyon, ikaw pa kaya?” ginulo niya ang buhok nito. “Anak kita, isang dominant alpha na tulad ko. Madali mo ito’ng malalampasan, Nathan. Basta’t tandaan mo lang na nandito lang kami. Kasama mo kami palagi.” Hindi umimik si Nathan. Nanatili lang s’yang nakatungo, hanggang sa mapansin ko’ng tumutulo na ang mga luha sa kanyang mga mata. “Pa...” bulong n’ya, “P-pwede mo pa ba ako’ng kuwentuhan tungkol kay papa Jonas? Kung pano n’ya nakayang...” muli s’yang natahimik. Mukhang `di na n’ya kayang magsalita. “Magtanong ka lang, anak,” sagot ni Louie, “Sasabihin ko na ang lahat. At sorry. Sorry dahil naging malayo ako sa inyong magkakapatid.” Tumingin din s’ya sa akin, at wala ako’ng nagawa kung `di tumango. “Maaayos din natin lahat ng ito, bilang isang pamilya.” patuloy ni Louie, “Basta’t tandaan mo lang palagi na `di ka nag-iisa.” kinapitan din niya ako sa kamay at hinatak papalapit. Napayakap tuloy ako sa mag-ama nang `di oras. “Nandito lang kami ng tito mo, pati na mga kapatid mo, at pati na rin si Josh. Hinding-hindi ka namin pababayaan.”   Lumabas din kami ng ospital nang araw na `yun. Hindi na naisingit ni Aahmes ang balak n’yang preggy test, at baka lalo lang magwala si Nathan. Sinundan na lang namin sina Louie pauwi kung saan sinalubong kami nina Blessing pagdating sa bahay. Nagyakapan ang buong pamilya, nag-iyakan, humingi ng tawad at nagkapatawaran. Kami naman ni Aahmes ay nanatiling nakatayo sa isang tabi, hinayaan lang sila sa kanilang drama. Nang mahimasmasan na ang lahat ay saka kami muling nagparamdam ni Habibi. “You would need to take these suppressants for the time being.” sabi ni Aahmes habang inihihilera isa-isa ang mga gamot ni Nathan sa mesa. “These are to keep you from looking for a `substitute’ mate while your partner is gone.” “Ang dami naman n’yan!” sabi ni Josh na nanlalaki ang mga mata. “`Pag ba naghiwalay kami ni Louie, kakailanganin ko rin uminom ng tatlong tabletas araw-araw?!” “Ba’t naman tayo maghihiwalay?” tanong ni Louie na nakaakbay sa kan’ya. “Kung lang naman.” “Don’t worry, this is made specifically for Nathan, due to his condition.” sabi ni Aahmes. Buti na lang at `di na inusisa nina Louie kung ano ang mga `condition’ na iyon. “Gawa rin sa all natural ingredients ang bagong suppressant na `yan,” dagdag ko, “kaya walang masamang side effects `yan sa katawan, although, I needed to pump up the dosage since may pair withdrawal ka, kaya kung mapapansin mo, medyo magiging groggy ang pakiramdam mo, due to the c******s buds.” “Sigurado ka, medyo lang?” pamimilosopo ni Nathan na mukhang inaantok. “Mabuti na `yan, kesa sa kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip mo.” sagot ko. Bago umalis, inakyat pa namin si Nathan sa kanyang kwarto, at muli, kinausap s’ya nang masinsinan. “Umalis na si Reubert,” sabi sa kan’ya ng tatay n’ya. “His flight was scheduled this afternoon at three.” “Good riddance.” Tipid na sagot ni Nathan. “And I guess you would know what this is?” inabot ko sa kan’ya ang nakatuping dyaryo na inilagay ni Reubert sa bulsa ko. ”Ibinigay niya sa akin `yan bago s’ya umalis” Tinignan n’ya ito, at napansin kong manlaki ang mga mata n’ya. “Ano ba ang pinag-awayan ninyo ni Reubert?” tanong ko. “May kinalaman ba `yun sa article na `yan?” Iniabot n’ya lang pabalik sa `kin ang dyaryo. ”Does it matter?” sagot n’ya, ”Tapos na ang lahat. Hayaan n’yo na lang ako’ng makalimot.” “Are you sure you’re okay, though?” paniniguro ng papa n’ya. “Opo, pa. Maayos na ako ngayon,” sagot ni Nathan. “Kung nakaya ni papa Jonas humiwalay sa fated pair n’ya noon, ako pa kaya?” Ngumisi s’ya, nagpakita ng lakas ng loob sa amin. And it was all we needed back then. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD