Chapter 103
“Mukhang ang saya-saya mo ha?”
Tanong ko kay Aahmes na ang laki ng ngiti sa mukha habang nagmamaneho pauwi.
”At mukhang `di tayo matutuloy ng Batangas.”
”Ah!” napalingon s’ya sa `kin.
”It’s fine, knock yourself out, masaya na ko as long as masaya ka.” Ini-recline ko ang aking upuan at huminga ng malalim. “Sa bagay, gusto ko ngang magpahinga muna at naimbyerna ako sa balita kay Blondie.”
At `yun nga ang ginawa namin.
Pagkauwi ay dumiretso si Aahmes sa aming lab, ako naman ay nagpalit ng sando at kansonsilyo at humilata sa aming kama.
At least, ngayong nahuli na si Dan, matatahimik na ang pamangkin ko’ng gago. Bantay sarado na s’ya ni Reubert, mamatyagan pa sila ng mga bata ni Grinch. Tignan ko lang kung may manggulo pa sa kanila.
Nagtakip ako ng kumot, yumakap ng unan, at naghanap ng magandang pwesto sa kama. Maya-maya pa ay tulog na `ko at nananaginip tungkol kay kuya na masayang kumakaway sa `kin. May dala s’yang isang piling ng saging at nag-abot sa `kin ng dalawa. Nang buksan ko `to ay nakita ko’ng magkadikit sila.
‘Tito Eric, handa ka na ba?’
Tanong sa `kin ni kuya.
Tatanungin ko sana s’ya kung ano’ng kailangan ko’ng paghandaan, pero pagtingin ko sa kan’ya, nakita ko’ng malungkot ang mga mata n’ya, at doon ako nagising nang may biglang mabigat na tumalon sa `kin!
“Oof! Wahh... anong...”
“It’s a positive!” sabi ni Aahmes na nasa tuktok ko.
Kinapitan n’ya ang mukha `ko at pinaghahalikan ako sa mukha!
”Anong positive?!” naguguluhan ko’ng tanong.
“The test! It’s a positive! His estrogen hormones are way past normal levels!” niyakap n’ya `ko ng mahigpit at muling hinalikan. “I need to get his MRI to make absolutely sure, but I garantee you that we’ll definitely find a miniature womb inside him by next week!”
“Ano ba’ng pinagsasasabi mo?” tanong ko habang naghihikab. “Anong womb? Alin? Sino?”
“Nathan! I just checked his blood sample and I discovered that his estrogen levels had gone up! He’s showing changes that a budding omega manifests before the emergence of a miniature womb!”
“Ano? Si Nathan?”
“Yes, professor! This is the scientific discovery of the decade! I am about to prove that an alpha also has the capability to develope a womb!”
Napatitig ako kay Aahmes.
Hinihingal s’ya at dilat na dilat ang mga matang nagniningning sa half darkness ng aming kuwarto.
“Habibi, matulog ka na, puyat lang `yan.” Niyakap ko s’ya at hinatak pahiga sa kama.
“Eric, I am not hallucinating! This is actually happening right now, and I can prove it! Come with me to the lab, professor!”
Pagkasabi nito ay nagpumiglas si Aahmes at hinatak ako pabangon.
“Hurry up, professor!” tawag pa n’ya sa `kin.
Talagang `pag excited si loko, bumabalik sa professor ang pangalan ko!
Kinaladkad n’ya `ko papunta sa aming lab at ihinarap sa microscope sa mesa, kahit namamaga pa sa antok ang aking mga mata.
“There, take a look for yourself!” sabay tulak n'ya sa `kin paupo.
“Oo na, oo na, `wag ka’ng atat!” sabi ko rito habang nagkukusot ng mata, “Ano ba `yang sinasabi mo?”
Sinilip n’ya ang microscope, inayos ito sandali, at muling humarap sa `kin.
”Just take a look!” nagmamalaki nito’ng sabi.
Sumilip nga ako sa hinanda n’yang slide.
”Hmm... galing kay Nathan ang sample na `to?” tanong ko.
“Yes. Do you see it? His estrone levels are over 2,000! That is well above 60 picograms per milliliter which is the normal level for Pubescent males!”
“Oo, pero hindi lang `yun ang batayan para isipin mo na agad na nagiging omega ang pamangkin ko.”
“Of course, not!” sabi ni Habibi, “He is not turning into an omega after all, he’s just developing a miniature womb and an unpaired ovary.”
“Pshh, pwede ba `yun?” `di ko napigilang matawa. “He’s an adult alpha, isa pa kamong dominant! Imposibleng tubuan na lang s’ya basta-basta ng miniature womb at single ovary na nangyayari lang sa mga batang nagiging omega!” pilit ko. “Kung ganoon lang kadaling tubuan ang mga alpha, bakit wala pang nababalitang ganoong nangyari? Marami pa man ding pumapasok sa alpha to alpha relationships, lalo na ang mga purists na nandidiri sa mga babae at omega!”
“True, but there has never been a pair with a dominant omega top and a submissive alpha bottom,” sabi ni Aahmes na mukhang tuwang-tuwa sa sarili niya.
Napahinga na lang ako ng malalim. Ayokong sirain ang trip n’ya, kahit pa alam ko’ng malabo ang iniisip n’yang mangyari.
”Okay, sige, do you have any other evidence to back-up your theory?”
“As of now, this is all I have to show, I am still at the process of analyzing his genetic code to see if there are any alterations.” Sabi nito.
Napatingin ako sa orasan. Alas nueve na pala ng gabi! Biglang kumulo ang tyan ko.
”Mahal, kalahating araw na pala ako natutulog, ba’t di mo ko ginising agad?” pag-iiba ko ng usapan, ”kumain ka na ba?”
”I ordered some take-out since I was busy here in the lab. Your food is currently in the fridge, just heat it in the microwave,” sagot nito.
“Nagdinner ka na ba?” tanong ko uli sa kan’ya.
”Not yet...” Sandali s’yang natigilan. ”Let me order something...”
“`Wag na, ako na’ng bahala.”
“Okay, thank you.”
Muling bumalik si Aahmes sa kanyang microscope.
Napailing na lang ako at bumaba sa kusina para matignan kung ano ang pwede ko’ng lutuin. Buti na lang at marami pang karne sa fridge, pero `yung binili ni Aahmes na mga gulay, nagsisimula nang manilaw. Kinuha ko ang beef steak at ang naninilaw na brocolli sa ref para magluto. Hiniwa ko sa maninipit na piraso ang sirloin at ini-stir fry ito kasama ang brocolli at iba’t-ibang seasonings. Thirty minutes later, bumalik ako sa lab dala ang isang malaking tray para pakainin ang mahal ko.
“O, break muna, kumain muna tayo at mag-aalas-dies na.”
”Ahh, that smells good!” sabi ni Aahmes na nagpunta sa lababo para maghugas. ”It is quite refresing to have you cook for me and force me to eat,” natatawa nito’ng sinabi.
”Ano? May nakita ka ba’ng mutation sa blood sample ni Nathan?” tanong ko sa kan’ya.
“None yet,” sagot ni Aahmes na seryoso ang mukha, “I’m still looking for changes in his genes that would trigger the growth of his womb.”
“Hay, mahal, imposible nga kasi `yun mangyari. Kumbaga, tapos na ang paglaki ni Nathan, makunat na laman `nun, wala nang ibang tutubo sa katawan n’ya!” biro ko rito.
“Yet, it is the adult moray eels that change their s*x when their partner expires,” sagot n’ya sa `kin. “And is it not from that certain species of eels that the famous Filipino professor, Dr. Dalisay, formulate the Covid22 vaccine he invented?”
Natahimik ako.
Totoo nga na ang nakitang dahilan ng pagkakaroon ng second genders, ay nagmula sa ginawa ni Dr. Dalisay na vaccine gamit ang genes ng moray eel na immune sa lahat ng uri ng coronavirus. Wala naman kasing nag-akala na magti-trigger ito ng mutation sa human genome, some 15 years later.
Oo nga at na erradicate ang corona at ang covid sa mundo, pati na rin ang common cold, pero kapalit naman nito, ay nagkaroon ng secondary genders ang mga lalaki.
“Okay, balitaan mo `ko pag may nakita ka’ng kakaiba sa genetic make-up ni Nathan,” ginulo ko ang buhok nito. “At kung may tumubo man d’yan, sige, gagawin ko kahit ano’ng iutos mo sa `kin!”
“Are you sure, professor?” tanong sa `kin ni Habibi na seryosong makatingin.
“Oo ba,” ngumisi ako sa kan’ya. ”Basta’t kumain ka muna, at mahaba-habang pagbabasa pa ang gagawin mo.”
‘Lalo na kung wala ka namang makikitang kakaiba sa kanyang sample,’ dugtong ko sa `king isipan.
Ayun nga ang ginawa ng Habibi ko.
Every evening, matapos namin sa trabaho, ay agad s’yang nag-aaya sa bahay para ipagpatuloy ang research nya. `Di ko nga malaman kung ba’t ayaw n’yang dalhin ang samples n’ya sa office, eh, para `di na kami uuwi.
Tingin ko nagdududa pa rin s’ya sa mga tao sa trabaho.
Sa bagay, nakakapagtaka naman kasi talaga, pati ako `di makapaniwala’ng may nakagawa agad ng piratang Terminus pill.
Alam ko, si Pilar ang pinagbibintangan n’yang kumupit noon, pero hindi naman siguro magagawa ni Pilar `yun! Apat na taon ko rin nakasama si Pilar. Hindi s’ya ang tipo ng tao na magagawa ako’ng traidorin.
Ayoko’ng isipin iyon.
Ayoko.
Kaya nga pilit ko na lang inalis sa isipan ko ang tungkol sa Terminus pill. Ayoko nang palakihin pa ito.