Napangiti si Claude sa sarili habang nagtatrabaho at naririnig niya ang orchestra concert sa pamamagitan ng tawag ng dalaga sa kanya. Naka-loudspeaker ang phone niya at kahit paano ay nagustuhan niya ang mga tinutugtog ng mga ito. Para na rin siyang malapit kay Darcelle dahil dito. Nakapatong ang cell phone niya sa kanyang desk habang may tinitingnang dokumento galing sa forensics. Isang kakilala niya ang gumawa nito at satisfied naman siyang makita ang resulta base sa autopsy ng bangkay ni Mr. Genaro. Laking pasalamat niya sa Diyos at ipinaglaban at ipinagtatanggol niya ang nasasakdal na inosente. Ayon sa report ng forensics ay ang lalim at anggulo ng pagkakasaksak ay dahil nga sa pagkaaksidente nitong nasaksak ang sarili. Nandoon din ang analysis ng paghugot ng kutsilyo ni Mrs. Genaro