Kumunot ang noo ni Darcelle nang may nag-missed call. Mas mahina kasi ang message alert tone niya kaysa ringtone at hindi naka-vibrate. Medyo nagulat siya nang makitang si Claude pala iyon. Tapos may dalawa palang magkasunod na texts ito. ‘Ano naman kaya ang sinasabi nito?’ Para siyang matilihan sa sinabi nito sa text nang mabasa na. Hinanap ng mga mata niyang nakublian ng shades ang lalaki. Kausap pala nito si Sir Mack at kasama rin si Sam. Pasulyap-sulyap din ito sa gawi niya. ‘Tch! Pakialam niya sa suot ko? Bahala nga siya! Pinagpapawisan na nga ako na suot ko ang ganito ta’s babalutin ko pa ang sarili ko? Ano siya? Kung makadikta ‘to, ‘di ko naman siya tatay o boyfriend, ah!’ “Halika na, Darcelle. Magsisimula na yata ‘yong team building. Medyo late na nga rin, eh,” aya sa kanya ni