CHAPTER 15 Pabaling-baling sa higaan si Leticia sa silid na kanilang inookupa. Dahil sa nabasa siya ng ulan kahapon, ngayon ay nilalagnat na siya. Hindi na siya pinayagang magtrabaho pa nila Corazon at Martha kahit pa sinabi niya na kaya niya naman. Mag-aalas kwatro kahapon nang makauwi sila ni Benedict mula sa kubo sa may manggahan. Hinintay nito na tuluyang humina ang ulan bago siya hinatid sa bahay. Na laking pag-aalala ni Corazon nang makitang para siyang basang-sisiw kahapon. At ngayon nga ay hindi siya makatulong sa gawain sa bahay dahil sa lagnat. Mahihinang katok ang nagpalingon sa kanya sa pinto. She saw Benedict na nakatayo sa may hamba ng pintuan. Ngumiti ito sa kanya. "Ate Corazon told me that you are sick." Napaupo siya sa higaan. "Ayos lang ho ako. Masyado lang nag-aala