CHAPTER 15 "Liam, baby, mahal kita. Kaya ako nandito ngayon kasi mahal na mahal kita ngunit sana magsabi ka sa akin kung ano ang totoo, gusto kong malaman kung mahal mo pa din ako. Let's make this formal. Okey lang ba? I need you to be honest. Kapag sasagutin mo ako, babalik na tayo sa US at doon tayo magsimula. Gusto ko yung malayang buhay. Hindi katulad ne'to. Gusto kong marinig sa'yo. Mahal mo pa ba ako? Handa ka bang sumama sa akin sa pagbalik ko sa US?" Hindi siya makatingin ng diretso kay Bobby. Ngunit hindi ang tingin niya ang hinihintay ni Bobby kundi ang tugon nito. Ano ba ang ang mas matimbang? Ang sigaw ng utak o ang bulong ng kaniyang puso? Bumaliktad na ang sitwasyon. Siya noon ang ganito kay Bobby. Siya ang ilang buwang nagmamakaawang maging sila at hindi lang dahil sa s*x