The Bodyguard Humugot siya ng malalim na hininga. Pana-panahon lang ang lahat. At ngayon, panahon din niya para ipadanas kay Justine ang sakit na ipinadanas nito sa kaniya sa probinsiya. Kung mahal siya ni Justine, mararamdaman din nito ang sakit na pinagdaanan niya. "Sino 'to?" tanong ni Justine nang iniaabot ni Liam ang cellphone sa kaniya. "Si Bobby, boyfriend ko." Napalunok siya. "Gusto niyang malaman kung anong oras tayo darating sa Cubao dahil susunduin niya ako." seryoso niyang sinabi iyon. Nakatitig siya sa mga mata ni Justine. Gusto niyang mabasa doon kung ano ang magiging reaksiyon nito. "May boyfriend ka?" puno ng pagtatakang tanong ni Justine. Halatang hindi lang pagkagulat ang nababasa niya sa mukha nito. May kalakip na takot, na pagseselos. "Hindi mo naman kailangan pan