Chapter 13

2608 Words
THALIA GEORGINA MENDEZ SA MGA sumunod na araw napagpasiyahan na namin ni Jino na mamasiyal, bawat store na mapuntahan niya ay binibilhan niya. Sa totoo n'yan nakaka apat na store pa lang kami pero napakarami na ng binili niya. Mabuti sana kung siya ang nagbubuhat pero hindi iyon ang siste. Ako ang nagbubuhat ng mga binibili niya nakaka-stress na dahil hindi ko na kinakaya ang bigat.  “Ito pa, kunin mo rin ito.” utos niya sa akin. Kumunot ang noo ko. "Isa- isa lang abot. Dalawa lang ang kamay ko tapos sampung paper bag na ang hawak ko. Butis sana kung mayroon para sa akin dito!" Reklamo ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Sinundan ko na lamang siya habang naglalakad sa loob ng souvenir shop.   “Bakit ka ba bili ng bili eh dalawang araw pa lang tayo dito? Ang aga mo naman ata mamili ng souvenir?” tanong ko sa kaniya. “Trip ko lang saka naghahanap ako ng perfect gift kay Marco!” sabi niya habang kinikilig pa. “Teka, diba sabi mo ‘di kayo bati at ayaw mo sa kaniya?” tanong ko sa kaniya nung mga huling araw pag tinatanong ko siya inis na inis siya kay Marco. Napailing siya at masayang bumuntong hininga sa aking harap, napangiwi na lamang ako.  “Na-realize ko na mahal ko talaga siya, pagbalik natin sa Manila I will give this cute couple doll. Tig-isa kami” sabi niya sa akin. ‘Tss.. Bakla!” mahina kong bulong sa kaniya. Mahina siyang tumawa at tumingin sa akin, "Apology gift to. Masyado akong naging mainitin dati kaya nasaktan ko si Marco." Sabi niya sa akin.Natahimik ako at saka tumingin sa kanya, "I realized that I shouldn't have acted that way. If only I was honest I won't retort into hurting someone." Giit niya sa akin. "Ho- honest?" tanong ko sa kanya, hindi siya sumagot sa akin. Namula ako, alam ko sa puso ko at sa isip ko na mayroon. Gusto ko lang na marinig mula sa kanya. Sa halip, kinuha niya ang limang paper bag na hawak ko at siya ang naghawak no'n, nag-iwan lang siya ng maliit na plastic para dalhin ko. Napangiti ako nang dahil doon, kung laging ganito edi sana hind mainit ang ulo ko. Tumingin siya sa orasan niya. “Kumain na muna tayo ng Lunch. Mayroon akong nakitang magandang restaurant dito. Laging pinupuntahan ng mga tao at tourist rito.” Sabi niya sa akin at saka niya ako hinila papunta sa isang restaurant. Hindi siya simpleng restaurant kasi may mga sumasayaw na hoola dancers do’n at winewelcome ang guest. Sinuotan pa kami ng kwintas na gawa sa flowers, umalingawngaw ang magandang rustic music. Napahanga ako sa nakita ko. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin. "Oo, ang ganda dito. Sigurado ako na masarap ang pagkain rito!" "Good food, nice music. Entertaining pa, pwede tayong magtagal muna rito." Sabi niya sa akin at saka kami naghanap ng upuan. Mayroong bakateng upuan sa harap kaya doon kami pumunta ni Jino. Nag-order na rin kami agad ng pagkain dahil parehas na kaming gutom. Nakakakapagod na kahit apat na stores pa lang ang napupuntahan namin.  Feeling ko talaga e napagod lang akong magbuhat. Isa isang nilapag ang mga pagkain ng mga dancers sa harap namin. Sumasayaw pa sila habang naglalapag ng drinks at may choreo maski ang paglapag ng kutsara at tinidor. Mayroong show at maraming nagsasayaw. Wala akong ibang magawa kung 'di humanga sa malalambot na beywang ng mga babae at lalaking dancers. Pakiramdam ko ay wala na silang buto.  Maganda ang show na napanood namin, maraming tinawag na bisita para sumayaw din sa harap nag huhoola hoop dance sila tapos parang pearly shells.  “Ang cute oh? Ang ganda! Ang galing nilang kumembot.” Sabi ko kay Jino at tinuro ko ang mga nagsasayaw saka ko kinuhanan ng litrato. “Do you want to join?” tanong sa akin ng isa sa mga dancer.  “No! I don’t do dance!” sabi ko sa kaniya. "I can't dance! muli kong giit. “Also you? Are the two of you couples?” tanong niya sabay tingin kay Jino. Tumango naman si Jino sa kaniya “Join us? Dance!” Aya muli ng babae sa amin. “No! I don’t want!” sigaw ko sa babae tumayo naman si Jino  at hinila ang kamay ko. Nadama ko na naman ang pamumula ng aking pisngi.“Tara na! let’s join it’s once in a lifetime. Huwag ka ng JK, walang ganito sa Pilipinas.” Sabi niya sa akin. “Pero 'di ako sumasayaw saka ayoko magsuot ng ganyan. Jino, hindi ako pangganyan!” sabi ko sa kaniya. “Edi ipapatong mo na lang, masaya to at saka para naman may maipakita tayong bonding sa mga lola natin. Come on,  I want to try this it will be fun. Let's try this as a couple, okay?" Aya niya muli sa akin. Napakagat ako ng labi ko, tinawag ba niya kaming dalawa na couple? Bakit tumalon ang puso ko dahil do’n? “Ano?” He asked me. Tumango na lang ako sa kaniya at pumunta kami sa harap. “Okay, we have a new pair! What is your name?” tanong ng host kay Jino, agad na inilapit ni Jino ang labi niya sa mikropono upang magsalita. “Jino Yoshida” sagot niya “And you?” “Me? Geo—este Thalia Yoshida,” sagot ko sa kaniya. “Oh, A young and gorgeous couple!” sabi naman nito. “How long have been the two of you married?” tanong ng host.“Not long ago, just within this year. ” sabi naman ni Jino sa kaniya.  "A new couple. New couple should do our love dance." Namula ang aking tainga ng nadinig ko 'yon “Ano? Lo—” natigil ako nang tumingin ako kay Jino to see him really happy and enjoying this day. Sa ilang buwan na magkasama kami ngayon lang siya napangiti ng ganito. Wala na lang akong nagawa kundi ang maging masaya kasi gano’n din ang nararamdaman niya. Tinuruan kaming magsayaw dito, kahit hindi ako magaling kumembot ay ginalingan ko kasi kitang- kita ko na nag-i-enjoy si Jino. Ang saya nga, tama si Jino, masaya iyon at kailangan mo lang mag enjoy para mawala ang hiya. Kasi kung tutuusin nakakatawa siya.  “Okay now, shake your bum.. right in front of him. Shake as if you are twerking!” sabi ng host tapos may dalawang dancer na nagtuturo sa gilid.Kinembot nung babae ang pwet niya do’n sa lalaki na nakatayo sa likod niya. Twerking nga 'yon! “Ah? No! it’s not look good!’ sabi ko. Bakit ba kasi ang barok ko magenglish ha?  “Can we try another one? That one is too provoking?” tanong ni Jino sa kaniya. "My wife is a bit conservative." Giit ni Jino.  “No! Only this one!” sagot ng host. "This dance is know to invite fertility and happiness in a couple's s*x life!" “Try It! Try It!” sigaw naman ng mga tao sa amin. Wala na akong nagawa kundi ang subukan iyon. Nakatayo si Jino sa likod at ginawa ko naman. “Urghh.” Narinig ko ang maliit na groan galing sa kaniya. Tiningnan ko siya at nakita ko siyang napapawisan na. tapos mamaya maya pa ay may matigas na sa pwetan ko!  Ano iyon? Yung kaniya ba iyon? “Good try! Good try! Now you may sit down! This couple is too cute!’ sabi ng host. Nanguna si Jino sa pag-upo at nang makaupo siya ay natulala na siya sa harap ko.   “Hoy okay ka lang?” tanong ko sa kaniya “Ah.. ano.. Oo ayos lang ako,” sabi niya sa akin at saka siya nagpunas ng pawis niya. Bakit biglang matigas yung kaniya? Alam ko naman na ang mga lalaki nata-turn on sa gano’n pero bakla si Jino saka di naman masyadong madikit ang ginawa ko ha? Natapos ang sayaw at parehas kaming tahimik ni Jino. Bumalik kami  sa pagkain at sinubukang gawing 'di noticeable ang presence namin. Natapos na ang lunch namin sa lugar na iyon. Namasyal muna kami sa mga parks at museums. Masaya kasama si Jino at di siya nakakairita ngayon dahil  ineenjoy din niya ang Bali.  “Gusto mo ng Crepe?” He asked me sabay turo sa bilihan ng crepe sa may gilid.  “Sige!” sagot ko sa kaniya. Agad naman siyang tumakbo do’n upang bumili. Tumingin ako sa view at nakita ko ang magandang sunset, papalubog na ang araw. Ang ganda nga talaga ng sunset dito “Here!” di ako lumingon pero kinuha ko ang crepe. Kita ko naman kasi ang lokasyon ng kamay niya sa peripheral vision ko.  “Ang ganda Jino. Ang ganda ng sunset dito.” sabi ko sa kaniya. “Tama, ang ganda,” sabi niya sa akin. "Mas gumaganda kapag tinitingnan ng matagal." Sagot niya sa akin. "Hindi ba? Ang astig, siguro ganito dito dahil walang polusy--" Natigil ako sa pagsasalita ng tumingin ako sa kaniya. Nakita kong nakatitig siya sa akin imbes sa skies. Napalunok ako. Bakit iba ang tingin niya sa akin ngayon? “Sabi ko maganda ang sunset pero bakit 'di ka naman nakatingin sa sunset?” pagtama ko sa kaniya, agad naman siyang namula dahil do’n. Binaling niya ang tingin niya sa sunset “Oo maganda ang sunset. Kanina nakatingin ako doon, tumingin lang ako sa'yo kasi nagsasalita ka.” sagot niya sa akin. Umupo kami sa may batohan habang pinapanood ito. “Gusto mo bang malaman kung bakit ko gustong pumunta sa Bali?” Tanong niya sa akin. “Hindi ko alam, bakit nga ba?” I asked him back. “Kasi gusto kong makita yung magandang sunset, I want to see it with the the one I love. That was my dream before. Mom and Dad use to go here with me, when they are still together and they are full of love despite of the difference in their beliefs and traditions.” Sabi niya sa akin. Sumubo ako sa crepe na binigay niya sa akin. “Paano ba iyan? Ako ang kasama mo at hindi ako yung taong mahal mo?” tanong ko sa kaniya habang natatawa ako.  “Paano kung mahal na kita?” He asked me. Na-estatwa ako at 'di agad nakapagsalita. Pakiramdam ko nanigas pati lalamunan ko. “Wag kang magbiro sa akin Jino. Alam nating parehas na bakla ka at tomboy ako” sagot ko sa kaniya. “But people can change,ang tagal na nating magkasama, we both had different first times. Nagbago ka, nagbago ako.. It is not possible for the both of us to fall for each other. We're human beings afterall. We are not perfect." Sagot niya sa akin. “Wag mo nga akong binibiro ng ganyan,” sita ko sa kaniya. Tumawa lang siya ng mahina habang nakatingin pa rin sa araw.  “Diba tinatanong mo kung bakit ko sinuntok si Marco?” “Oo, diba crush mo siya kaya nagtaka ako kung bakit mo siya sinuntok” tanong ko sa pabalik.  “'Yon din ang akala ko, pero nung nakita ko hinawakan niya yung labi mo nainis ako. Ang pakiramdam ko kasi ako lang ang may karapatan na humawak sa labi mo. Pakiramdam ko inaagaw ka niya sa akin,” sagot niya sa akin napahawak ako sa labi  ko at sa dibdib ko, Jusko ang bilis ng t***k nito. Sa mga sinasabi niya mas bumibilis ang t***k ng puso ko. “Do you have a feeling like you own me too?” He asked me at napaisip ako. Oo, ayoko talaga na kasama niya si Demi, pag magkasama sila gusto ko siyang tirisin na parang kuto o kaya patayin na parang uod. Linta kasi siya kung kumapit pero kahit na ganoon aware ako na friends lang talaga sila. Minsan lang 'di ko maintindihan ang trust issues ko. “I don’t know,” sagot ko sa kaniya. “I still don’t know what I feel, but it’s weird.. It’s weird in a sense na parang nagiging kaligayahan ko ang makasama ka.” Sabi niya ulit sa akin this time nakatingin na siya sa akin. “I still consider my self gay, but I don’t know if it’s normal for me to adore a strong woman like you,” sabi niya sa akin. Wagas ang pamumula ko dahil sa mga sinasabi niya sa akin. “But I think Thalia, I think I Love—” Natigil siya ng hinalikan ko siya ng biglaan. Di mo na kailangang sabihin Jino, nararamdaman ko na, Oo gusto din kita. Pero gusto pa lang. Gusto ko ang pagiging bakla mo, banidoso,ozzy,hinahanap hanap ko iyon. Naramdaman ko ang paghawak sa mukha ko at ang paglalim ng halik niya sa akin. It was so deep at pakiramdaman ko malulunod na ako. Nung parehas na kaming di makahinga kusa na kaming dalawang tumigil. “Gusto din kita Jino, gusto din kita. Mahal din kita at alam kong mahal mo rin ako kahit hindi pa tapos ang sentence mo.” Sabi ko sa kaniya and he went to kiss me again this time, a lot more deeper, a lot meaningful.  Simula ng araw na iyon naging mas close kami ni Jino. Laging magkahawak ang kamay namin, laging magkadikit, though minsan lagi pa rin nag-aaway. Wala pang nangyayari sa amin pero mas okay na 'to! Mas gusto ko na maging malapit pa kami sa isa't- isa. Bakla pa rin kasi siya at ako dugyot pa rin daw ako pero pagtatiyagaan daw niya iyon kasi nainlove siya sa kadugyutan ko.  “Gosh! thalia ‘di ka ba marunong maglaba ng panty mo?! Sa apat na araw natin dito sa Bali. E' ako na lang lagi ang naglalaba ng panty mo!” sigaw niya mula sa banyo. “Bakit sinabi ko bang labhan mo ha? Ako nga ang maglalaba niyan kaya itambak mo lang yan diyan!” sigaw ko sa kaniya. Napakamot na lang ako ng ulo ko sa inis. Hindi ko naman sinabing labhan niya ang panty ko eh, palibhasa kasi pangarap din niyang magkapanty kaya iyan yung akin ang pinagdidiskitahan. Pumasok ako sa banyo at nakita ko siyang nilalabhan ang panty ko na kulay pink. Di ko maiwasan ang mamula dahil sa pagkusot niya. Bakit ako namumula dahil sa hawak niya ang panty ko? “Akin na nga yan ako na lang ang maglalaba niyan!” sigaw ko sa kaniya at hinablot ko ang panty ko. “Ako na lang nasimulan ko na eh!” sabi niya at agaw pabalik nung panty.  “Hindi! Ako na Jino! Nakakahiya na ako na ang maglalaba,” sabi ko sa kaniya. “Ako na!” sagot niya sa akin. Nag-init ang ulo ko. “Ako na lang Jino! Ako na lang, do’n ka na sa loob, ako na lang.” Mahinahon kong sabi sa kaniya binitawan naman niya ang panty ko at inabot sa akin. Ako na lang ang maglalaba sa panty ko nakakahiya na. Nakakalimutan ko na may gusto siya sa akin at nakakahiya na  kapag ipalaba ko ang panty sa kaniya. Nang matapos na akong maglaba ng panty ko ay sinampay ko na iyon paglabas ko nakita ko siyang nanonood ng TV. "Yan kung 'di pa nakitang may ibang maglalaba ng panty niya hindi pa magkukusa." Asar niya sa akin. Umirap ako sa kanya at saka tumabi sa kanya.   “Gusto mo mamasyal ulit?” tanong niya sa akin at saka hinawakan ang aking kamay pabalik. Kinilig naman ang buong pagkatao ko.  “Mamasiyal? Saan naman lahat na ata napasiyalan na natin dito. Puro buhangin na lang ang natitira."  “Diba sabi ko maglotion ka? So dry talaga ng skin mo tingnan mo yung palm mo may kalyo din, sumasabit ka ba jeep?” he asked me. “Oo, at saka nakakadiri mag lotion. Malagkit sa balat tapos nakakairita. Alam mo Jino, ang mahalaga naghihilod ako ng singit ko. Aanhin ko ang malambot na kamay kung may amoy ang singit ko.” sagot ko sa kaniya.  ‘What ever, I will not touch that again baka mag dry din skin ko eww!” sagot niya sa akin. "Ang arte mo! Hayop ka!"  “Whatever at least pretty ako!”sagot naman niya sa akin. Inirapan ko na lang siya. He took a deep breath. “May night restaurants and bar dito, maybe we can try to drink alcohol.” sabi niya sa akin.  “Inuman sa Bali?” tanong ko sa kaniya. Tumango siya sa akin. “We almost tried everything pero di pa ang night life, nagoopen daw yung ng 7PM gusto mo?” He asked me tumango ako sa kaniya at saka ngumiti, hinalikan niya ako ng saglit sa labi na ikinapula ko naman. “Ang cute mo talaga! Ang sarap mong tirisin sana mamatay ka na!” sabi niya sa akin. “Ikaw din! Lulunurin kita mamaya don’t worry!” sagot ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD