Chapter 12

2833 Words
THALIA GEORGINA MENDEZ HINDI ako mapakali matapos ng ginawang pagsuntok ni Jino kay Marco. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat kahit na hindi ko naman maintindihan kung bakit nangyari 'yon. Hindi kaya ay nagalit sa akin si Jino dahil dikit ako ng dikit kay Marco? Ano bang nangyayari? Buong tapang muli ay lumapit ako kay Jino na kanina pa tahimik at seryoso ang mukha. Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya pero puro irap ang naisasagot niya sa akin. Hindi siya umimik na tila ba may mali ako. Pinaparamdam niya na galit siya. “Jino, ano ba talangang problema mo?” malakas kong tanong sa kaniya yan. Actually kanina ko pa tinatanong yan sa kaniya pero panay irap ang ginagawa niya.  “Diba crush mo siya bakit mo siya sinuntok kung crush mo siya?” muli kong tanong sa kaniya.  “Kasi naiinis ako sayo at sobrang careless mo, Thalia!” Pasinghal n'yang sagot  sa akin. 'Pero hindi pa rin tama na saktan mo siya. At saka ano ba ang ginawa ko? Wala naman akong ginagawang ikakainis o ikakaselos mo!" Dahilan ko sa kanya. "Mayroon! Thalia, asawa mo ako at saka dapat mas maingat ka. Lalaki si Marco at alam ko ang takbo ng utak niyan. What you are doing with him is wrong! Specially in front of me, at mas lalo na sa likod ko!" Sermon niya sa akin. "Ano nga bang mali doon? Wala naman siya ginawa kung 'di ang punasan ang labi ko!" "That's exactly it, Thalia! Nakita mo ba ang itsura niya? No one should look like you like that!" "At bakit? Ano 'yon, bawal may tumingin sa akin? Anong kalokohan naman 'yon, Jino?! Hindi naman ganoon kasama ang itsura ko!" "f**k it, Thalia! Hindi mo ba talaga naiinitindihan kung bakit galit ako?" tanong n'ya sa akin. Kitang- kita ko ang inis sa kanyang mukha na tila napakalaki ng kasalanan ko. Mali ba talaga 'yon? Bakit kung umasta siya ay tila ba nag-seselos si--- Teka, nagseselos nga ba siya? Umiling ako, impossible naman 'yon. Bakla si Jino at kung naghalikan man kami sigurado ako ay dahil lang 'yon sa alak. Alam mo naman ang alak may espirito kapag nainom. Tama ganoon lamang 'yon. "Hindi mo ba naiintindihan na nagseselos ako?!" tanong niya sa akin napalunok ako at 'di agad nakakapagsalita. "Ha?" Tanong ko sa kanya at saka ako napakagat ng aking labi. "Hindi ko naman aagawin si Marco sa...yo..." Nanghihina kong giit. "What the f**k, Thalia?" tanong niya sa akin. "E totoo naman, 'di naman ako mang-aagaw ng chicks ng iba." Nakita ko na naman ang pagrolyo ng kanyang mga mata. "I'm done talking with you. Hindi mo maiiintindihan ang rason kasi ayaw mo intindihin." "E kung maging prangka ka na lang kaya..." At sabihin mo na nagseselos ka kasi importante ako? I mean, kung 'yon ang rason hindi naman masama. Nakakakilig nga este baka nga matuwa pa ako, kaso pakiramdam ko napaka impossible naman kasi ng nais ko. Nakagat ko ang aking labi at saka tumingin sa kanya, magsasalita sana ako pero biglaang mayroong nag-doorbell.  Putanesca. Bakit ba ang daming bisita ngayon? “Ako na ang sasagot sa pintuan. Umakyat ka sa taas at magbihis ka ng matinong damit. Balutin mo 'yang balat mo.” sabi niya sa akin at wala siyang gana na tumayo para sagutin ang pintuan. Napaupo naman ako imbes na magbihis na gaya ng gusto niya. Nagiging possesive ba si Jino sa akin ngayon? “Lola! Mabuti napadalaw ka, I missed you!” narinig kong bulalas niya  sa masayang boses. "Parang noong nakaraang tatlong linggo ay pumunta kami ni  Agad akong umakyat sa taas para magbihis ng matinong damit dahil ang lola ni Jino ang bisita namin.  Naku! Ano naman kayang ginagawa ng lola niya dito? Noong huling beses na pumunta sila kasama ang lola ko e nangungulit na sila tungkol sa apo eh. Sa  ilang buwan na kasal na kami ni Jino ay  wala pang nangyayari pwera sa halik at lagayan ng chikinini. Hindi ko nga alam kung may posibilidad ba na makabuo kaming dalawa. Bumaba ako at nakita ko ang Lola ni Jino na nakaupo na sa salas. Si Jino naman ay nasa kitchen at nagtitimpla ng brewed coffee. Malalim akong huminga, ngingiti na lang ako kapag tinatanong niya ako tungkol sa anak. "Lola!" Tawag ko sa kanya  “Oh hija!” sabi niya sa akin. Agad akong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng yakap. “Ang laki na ng pinagbago mo. You blossomed into something wonderful, babaeng babae ka na.” Puri niya sa akin. Tumawa na lang ako at saka hinawi ang buhok ko.”Bakit po kayo napunta dito Lola?” tanong ko sa kaniya at saka tumingin kay Jino. Naiinis pa rin ako sa kaniya pero kailangan namin magdikit dalawa. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Jino nung naging magkatabi kami. Ano bang problema nito? “Naiisip kasi namin ni Criselda na baka kailangan niyo ng honeymoon para magkaro’n na kayo ng una naming apo.” “Honeymoon?” sabay naming tanong ni Jino.  “Oo naman mga apo, honeymoon yung tipong romantic at nakakakilig naman tapos sa kama niyo may bed of roses.” Para akong nandiri sa mga sinasabi ni Lola. Bed of Roses kasama ang lalaking to? Baka diligan pa niya ang kama kung nagkataon, saka bakit kailangan gawing romantic ang isang night mare? Napatingin ako kay Jino at nakita kong tumulo ang mga pawis niya.  “Ayos lang ba sayo iyon, Jino apo?” Bigla siyang nagising sa pagpapawis niya. “Bakit pa kailangan ng honeymoon, lola? May kama naman kami para gumawa ng bata?" tanong ni Jino sa kaniya. “Kailangan yun anak, aba! Kailangan romantic ang paligid pag gagawa kayo ng apo ko para maka-attract ng magandang bunga.” Sabi niya sa amin tapos parang nangangarap pa ang itsura niya nagkatinginan kami ni Jino, parehas naming gustong masuka sa naiimagine ni Lola. “Teka lola, baka pwedeng wag na lang mahal yan eh saka basta!” sabi ko sa kaniya. “Regalo ko to sa inyong honeymoon na to basta dapat pagkatapos may anak na kayo ha?” tanong niya sa amin. May kinuha siyang dalawang papel sa bag niya at inabot kay Jino ito. Mas lalong naningkit ang mata ni Jino “Trip to Bali, Indonesia?” tanong niya sa lola niya. “Diba pangarap mong makapunta dyan? O ngayon makakapunta ka na kasama pa ang asawa mo!” Masayang sagot niya kay Jino. “Lola, ‘di ko pinangarap na pumunta ng Bali Indonesia kasama ang babaeng to!” sigaw niya sa lola niya. “Oo kasi pangarap mong makasama si Marco dyan!” sigaw ko sa kaniya. “Shut up! Virus!” sabi niya sa akin.  “Oh shut up din palaka!” sigaw ko sa pabalik. "Aba, baka nakakakalimutan mo may ginawa ka kanina na 'di maganda?" "Hoy ikaw ang nanuntok kay Marco at hindi ako. Palibhasa kasi hindi mo nililinaw ang gusto mo ipahiwatig." Reklamo ko sa kanya. “May LQ ba kayo?” tanong ni Lola sa amin. Napalingon kaming sabay ni Jino. “Lola! Ano po bang LQ ang sinasabi niyo?” sabay naming tanong sa kaniya.  “Lover’s Quarrel? Meron ba kayong gano’n at wagas kayo mag-irapan at magsigawan?” tanong ni Lola sa amin napafacepalm na lang ako. Bakit naman kami magkaka LQ? Lovers ba kami? “Anong plano natin?” tanong ko sa kaniya ng makaalis na ang lola. “Kumpleto na to, package deal ata” sagot naman niya sa akin. “Talaga, hala may food?” tanong ko sa kaniya pero inirapan lang niya ako.  “Pumunta na lang tayo, total nabayaran na to ni Lola” dagdag pa niya sa akin. “So Ibig sabihin sasakay tayo ng airplane?” tanong ko sa kaniya, hindi pa kasi ako nakakasakay ng airplane kaya naeexcite ako kahit papaano. “Of course, ano sa tingin mo magbabus tayo?” he asked me saka niya tinaas ang kilay niya. “Sorry ha? Ang Pilosopo mo naman masyado,” naiinis kong sambit sa kaniya at saka ako kumuha ng donut sa lamesa.  “Prepare your things, sa linggo na tong byahe natin” sabi niya sa akin. “Agad – agad?” “Alam mo naman si Lola, magsasabi ng late para no choice tayo, Bali is a beach magdala ka ng beachwears. Medyo mainit din do’n, bring something comfortable I’ll ask Demi to buy swim wear for you at ihatid dito bukas” sabi niya sa akin at saka niya pinasok sa isang bag ang mga ticket. “Teka, ‘di ka ba talaga magsosorry kay Marco kasi sinuntok mo siya!” pagbabalik ko ng topic namin earlier. “Hindi, may karapatan ako na manuntok kaya ginawa ko yun” sagot naman niya sa akin at umakyat siya sa itaas papasok sa kwarto niya. Mabilis na lumipas ang araw, Si Demi ang nag atupag ng lahat ng dadalhin ko. Paano kasi nung ni check ni Jino ang mga damit ko pinaulit niya ang pag-iimpake kay Demi. May pagka-ozzy din pala si Jino gusto niya masyadong organized ang lahat. Ngayon andito na kami sa airport at naglalakad na kami papasok sa eroplano. Ang laki pala talaga ng eroplano, di ko mapigilan ang mamangha. “Wow, ganda naman nito,” bulong ko sarili ko. “Bilisan mo at aandar na. Paiwanan kita diyan e.” sabi niya sa akin. Tumingin ako kay Jino na nakashades tapos Pink Polo Shirt, mukha talaga siyang desente. Ang cute niyang tingnan, sayang talaga siya, gwapo kaso lang yun nga babae ang puso. Umupo na kaming dalawa, di ako mapakali habang tinitingnan ang buong lugar.  “Wow, ang ganda talaga” sabi ko ulit sa sarili ko.  “Nasa eroplano ka pa lang wag kang mag over react” sagot niya sa akin. “Woah!” napasigaw ako ng umandar na ang eroplano. “Ang ingay mo,” sita niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. Ang astig pa lang sumakay sa eroplano.  “Lumilipad na ba tayo?!” sigaw ko sa kaniya. “Shut Up! Nakakahiya ka,” sagot naman niya sa akin. “Ang saya! Lumilipad na nga tayo,” sigaw ko at saka ako tumingin sa bintana nakikita ko na lumilipad na kami. Ang ingay pa nga e pero wala akong pakialam sa ingay dahil namamangha ako masyado. Tumingin ako kay Jino na nakangiti na siya sa akin. Nang nasanay at nagsawa na ako sa clouds e na napagpasiyahan ko na matulog na lang muna saglit.                                                                         **** TUMINGIN ako kay Thalia to see her sleeping, napangiti ako napaka-ignorante talaga nito pero iyon ang nagpapacute sa kaniya, hinawi ko ang buhok niya dahilan para mapasandal siya sa akin. “Hmmm,” mahina niyang saad inayos ko ang pagkakasandal niya sa akin. “Mabuti nagchacharity ako, hahayaan kitang sumandal sa shoulders ko, ang bait ko talagang goddess.” mahina kong bulong sa kaniya. “Ano bang ginagawa mo sa akin Thalia? This is the first time na naramdaman ko to towards a girl, What you did to me was weird. I don’t want to believe Demi pero kasi… Urghhh.” Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang pagkalito sa nararamdaman ko.  “In love na ba ako sayo?” I asked her again pero malakas lang siyang naghilik. Hinayaan ko na lang siya na matulog habang nagiisip ako, Di ko akalain na ako ang unang bibigay sa aming dalawa. Kung tutuusin dugyot siya pero ewan ko ba? Gusto ko na rin iyon ngayon. And the reason why I punched Marco? I’m not sure yet, maging ako nagtataka sa nagawa ko. Para kasi sa akin dapat lang sa kaniya na suntukin kasi nilalandi siya si Thalia, I feel heavy everytime na makikita ko sila ni Thalia. She’s mine and he can’t take her away from me.  Mamaya maya pa gumising na si Thalia, nakalapag na ang eroplano namin “andito na tayo? Pwede na tayong magswimming?” parang bata niyang tanong sa akin.  “Oo, mamaya ka na mag swimming pag nakarating na tayo sa hotel natin may pool do’n” sagot ko naman sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at nilabas ang Digicam niya. Picture lang siya ng picture sa paligid, selfie pa nga minsan eh. Alam ko na dapat naeexcite ako sa Bali Trip namin pero I am more excited with the fact that we are here alone together. I am excited to spend the days and nights just with her. And what the hell am I thinking? I shrugged my head to remove that thought in my head. Ano bang iniisip mo Jino, are you just thinking of what to do with her when the night comes? “Jino, selfie tayo tapos tag natin si Lola sa **!” sabi niya sa akin. “Tch. Mag-isa ka na lang mag selfie diyan.” sagot ko sa kaniya. “Sige na! babarilin kita pag hindi ka nagpapicture sa akin,” sigaw niya sa akin. “Bawal ang baril dito, kaya tinanggal ko sa maleta mo yo’n diba?” I asked her. Gumawa siya ng gun sign gamit ang kamay niya. “Edi ito! Bang!” sabi niya sa akin natawa na lang ako sa kaniya “Oo na,” sagot ko sa kaniya.  "Natatakot na ako, halika na't magselfie na tayo." Natatawa kong giit sa kanya. She smiled at me then we took a selfie together.  “Ganda oh, pogi ko talaga dito,” sabi niya sa akin. The bus stopped and we went down. The Hotel welcomed us, it is simple yet the ambiance is private and light.  Pumasok na kami sa loob ng hotel. “Hello, Ma’am sir! What can I do for you?” masiglang salubong ng receptionist sa amin.  “I’m here to check the room reserved under the name of Jino Yoshida” sabi ko sa kaniya. “Just wait sir, the room is a single Queen bed on room 3014.” sabi niya sa akin “Single bed?” I asked her. “Bakit anong mayro'n?” Lumapit si Thalia sa akin “Single bed ang in-order ni Lola na room para sa atin,”sagot ko sa kaniya  “Single? Di pwede yo’n. Tanungin mo kung pwedeng magpalipat tayo sa dalawang kama, ‘di tayo pwedeng magtabi ewww!” reklamo niya sa akin. Hindi ba ako dapat ang nagrereklamo? Bakit parang gusto kong magkasama kami sa bed. Oh holy cow! “Can we request a transfer of room?” I asked the receptionist.  “We have no vacant rooms and the other hotels are pretty much full because it’s the pick season. And the one who reserved the room told me to deny any request of transfer or extra room. She said that the both of you just got married.” Sabi ng receptionist sa akin. Napasapo ako ng aking kamay, I don't hate the idea of sleeping with her, I mean just literally sleeping. She smells nice and feels so soft.  “Ayokong makasama ka sa kwarto! Gawan mo ng paraan to Jino kung hindi babarilin kita,” sigaw niya sa akin. “We have no choice! Isa na lang sa atin matutulog sa lapag,” sabi ko naman sa kaniya. “Ayokong makatabi ka!” she complained in her most annoying tone. “Mas lalo naman ako, kung di lang atat magkaapo si Lola baka ‘di na ako pumayag” sagot ko sa kaniya. Nagbago ang mukha niya sa mga sinabi ko. “Kailangan ba talaga nating gawin 'yon ngayon dito sa Bali?” She asked me, humina ang boses niya dama ko ang kaba niya.  “We have no choice, our grandparents wants it. At saka para matapos na rin ang deal natin. Para sumaya na sila at maging malaya ako. Gawin na lang natin.” sabi ko sa kaniya pero nanghina ang boses ko para kasing hindi ko na gustong lumaya at mahiwalay kay Thalia. Dahan dahan lang siyang tumayo, inabot sa akin ng receptionist ang susi ng kwarto at binuhat ko na ang mga maleta, tahimik lang niya ako na sinundan hanggang sa makapasok kami sa loob ng kwarto. Buong oras na nag-aayos ako ng gamit, tahimik lang siya nakatingin lang sa malayo. “Bakit bigla kang tumahimik?” tanong ko sa kaniya. “Di ko kasi maimagine talaga na gagawin natin 'yon! yak nandidi—” sabi niya sa akin pero natigil siya ng magsalita ako. “Are you scared?” I asked her. Kinagat niya ang ibabang labi niya at dahan dahan siyang tumango, halata naman kasi na kinakabahan siya sa maari naming gawin, napepressure kung baga. “Ayoko pang magkaanak, ayoko pang gawin yun.. natatakot—natatakot ata ako, ‘di naman kasi ako babae para gawin yun eh” sabi niya sa akin habang nakayuko. “Hindi tayo nagmamadali Thalia, hindi kita pepwersahin kung ayaw mo kahit banas na banas na ako sayo.” sagot ko sa kaniya. Ako rin naman kinakabahan sa gagawin namin pero sa aming dalawa kung sakali siya ang masasaktan dahil wala naman siyang experience. ‘Paano kung hindi ako maging handa habang nandito tayo? Paano sila Lola?” tanong niya sa akin They can wait, ayoko naman na pilitin ka saka kinasal na tayo Thalia. Wala namang expiration yung wedding license natin kaya kahit kailan tayo gumawa ng apo nila, pwede. Huwag ka ng kabahan.” sagot ko sa kaniya. “Sigurado ka ba, Jino?” tanong niya sa akin, mahina akong ngumiti sa kaniya. “Kahit atat akong makipaghiwalay sayo, ‘di kita pipilitin, babae din ako alam ko nararamdaman mo.” sagot ko sa kaniya. “Wow, feelingera ka rin talaga no?” She asked me. Napangiti na lang ako sa kaniya. “Akala mo kung sino kang lalaki tapos ngayon matatakot ka, feeling matapang! sinong mas feelingera sa atin ngayon?” pang-asaar kong tanong sa kaniya. “Heh! Manly ako! Tingnan mo kapag gagawin natin 'yon baka umibabaw pa ako! Matapang na ako dahil manly ako!” sigaw niya sa akin at saka siya pumasok sa loob ng banyo. Napaupo na lang ako sa upuan at saka natawa, di mo pa rin maiitanggi na babae pa rin siya.Kailangan niyang maging kumportable nakasama ako kundi baka mas lalo siyang kabahan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD