Chapter 11 He cautiously looked at her, has that naughtiness inside his playful mind. Kung titikim siya ngayon ng babae ay uunahin niyang tikman ang sarili niyang asawa. Sinusubukan nito ang haba ng pasensya niya na talagang hindi magawang kontrolin ang sarili na huwag makipag-usap kay Leander. Magkatitigan sina Lust at Psyche at para itong nag-iisip ng magandang paraan kung paano sa kanya makakatakas pero wala itong magagawa sa plano niya. “Hubad.” Mariin na utos niya rito pero sa gulat niya ay bigla siya nitong binelatan at saka ito mabilis na pumunta sa pinto ng balkonahe. “Asa ka! Manigas ka riyan!” itinulak ni Psyche ang salaming pintuan at laking gulat niya nang lumabas ito at sumampa sa balustre ng railing. “Holy s**t!” usal ni Lust habang nakatulala sa asawa na parang tat