1

2201 Words
Chapter 1   Hawak niya ang mga papel habang palakad-lakad siya sa maliit na salas ng kanyang barung-barong. Kaharap niya ang dalawang matalik na kaibigan na wala namang magawa kung hindi ang sumimsim ng juice na nakahain habang pinagmamasdan siya. Mukha siyang lukarit. She’s in her apron, murmuring each and every letter of the terms and agreement, prenuptial agreement she will sign if she’ll decide to marry that man. “Pinapunta mo kami rito para lang orasyunan, great!” ani Rissy na natatawa sa kanya. “Yeah! Um-absent ako sa flight ko papuntang Camarines Sur para lang damayan ka pero kanina mo pa kami binabalewala.” Anaman ni Catharine kaya napatingin siya sa dalawa. “Sana tumihaya na lang kami, masarap pa.” ani pa ni Rissy at nagkatawanan ang dalawa. Marahas na kinamot ni Psyche ang ulo at padabog siyang napaupo sa solohang sofa sa wakas. “Tatanggapin ko ba o hindi?” tanong niya sa mga ito dahil nabanggit na naman niya kanina sa text ang tungkol sa proposal ng ex-stepmom niya. Sabay na nagkibit-balikat ang dalawa pero si Rissy ang unang nagsalita. “Accept it. Yaman din naman na you don’t want to grab our proposals to work in our husbands’ companies, you grab what you think suits your plans well.” Parang may himig ng hinampo ang boses nito dahil hindi lang niya makatlong beses na tinanggihan ang alok ng dalawa para umigi ang buhay niya at ng mga kapatid niya. May naiwan sa kanyang dalawang bata na nag-aaral. Ang natatandaan niya ay sampu lang siya nang mapangasawa ng Papa niya si Bianca Montecarlo. Nawala ang ama niya ng tatlong buwan at parang asong hibang na sumama sa ibang bansa sa babae. Pag-uwi naman nga ay napakaraming pasalubong, iyon pala ay kasal na ang dalawa sa ibang bansa. Nag-ayos lang ng sirang gulong ang ama niya, nagka-love life na. But the love story didn’t last long. It only lasted for months as far as she could remember. Nalaman na lang niya ay divorce na ang dalawa nang walang kahirap-hirap. Nakapag-asawa ulit ang Papa niya ng isang manikurista sa parlor, dalaga. Mabait din ang huling naging madrasta niya at nagkaanak doon ng dalawa ang Papa niya, sina Carla at Marlo. Siyam na taong gulang si Carla at walo naman si Marlo. Sa tuwing pumapasok siya ay ipinakikitingin niya ang dalawa sa katabing bahay niya na si Aling Mildred. May mga apo rin kasi ang matanda na kaklase ni Carla at kaibigan pa. Mabait naman ang matanda at inaabutan na lang niya ng kahit na anong pwede niyang maiabot na tira-tira sa karinderya. Hindi naman siya hikahos sa buhay talaga. May pera ang ama niya at may sariling shop. Isa iyong istokwang Irish na napadpad sa Maynila dahil sa paghahanap sa amang hindi na nakilala. Nagkaroon iyon ng sariling talyer pero ang lahat ng naipundar ay nawala nang magkasakit ang ina niya sa puso. May natira pa naman kahit na namatay na ang Mama niya pero ang huling naging asawa ng Papa niya ay nagkaroon naman ng breast cancer. Naipagamot nila noong una ang ina nina Carla at Marlo pero nang wala na rin silang maitustos ay humina na nang tuluyan ang Tita niya at namatay. Sumunod doon ang Papa niya noong kikinse pa lang siya dahil naman sa aksidente sa shop na pinagtatrabahuhan. Nakakuha naman siya ng kakarampot na abuloy at burial sa SSS, kaunting pensyon hanggang mag-desi otso siya at iyon ang nagamit niya para makapagtapos. Masaklap ang buhay pero ang mahalaga sabi nga ni Catharine ay buhay siya at may pag-asa. At ngayon ay ang mga kapatid niya ang priority niya. Makailan na kumurap si Psyche habang tinitingnan ang prenuptial agreement. “Lay your grounds, too. Remember that Dark is a lawyer and you can call him anytime. Iyon lang ang maitutulong ko kasi ayaw mo naman tumanggap ng kahit ano. Hindi ka naman magigipit kung sakali dahil may sarili kang abogado.” Ani Catharine kaya tumango siya. Oo nga. She has Dark. Hindi naman siya pababayaan ng kumpare niyang iyon sa oras na mangailangan siya. “Pagawa ka ng sarili mong policy, notarized by the legal counsel. Akala niya siya lang ang may abogado.” Natatawa pang dagdag ng kumare niya kaya napahagikhik siya. “Sige. Medyo mayabang kasi ang stepbrother ko.” “Ang masaya niyan kung sa stepbrother din ang bagsak mo, kagaya ko.” Natawa rin si Rissy pero sumimangot siya. “Hindi ako umaasa. Hindi raw nga niya ako type. Sabihin ba naman ‘yon matapos akong araruhin ng tingin. Nakakabwisit. Akala mo kung sinong gwapo.” Ismid niya pero napaisip din siya. “Gwapo naman talaga.” Sabay na sabi ng dalawa kaya lalong bumusangot ang dalaga. Sinabi na nga pala niya na gwapo nga ang kuya Lust niya. “Bukas magpagawa ka ng sarili mong kasunduan para mapirmahan din niya.” Suhestyon pa ni Catharine sa kanya pero paano naman niya iyon papipirmahin ay hindi naman niya alam kung saan hahagilapin? “Saan ko ‘yon hahanapin?” tanong niya sa dalawa. “Eh di doon sa nanay niya na sabi mo Bianca ang tawag niya. May number ka naman yata.” “Meron.” Sinilip niya ang cellphone na nasa ibabaw ng center table. Meron siyang number ng Tita Bianca niya dahil atat din iyon na maambunan daw ng kwarta. Iyon ang naatasan ni Lust na humanap ng pekeng asawa na tatayo bago ang eleksyon sa June raw. Malapit na ‘yon at halos isang buwan na lang. Hindi niya alam kung anong klase ng buhay ang maghihintay sa kanya at kung anong klase ng imahe ni Lust ang dapat niyang mapagtakpan. Hindi kaya may scandal iyon sa mga babae? Bahala iyon sa buhay no’n basta kumita lang siya ng pera. Kailangan niya ng monthly allowance bukod sa isang milyon. Aba, mahirap na ngayon ang aanga-anga. She must be wise and clever. Lust looks clever and that man seems to be so familiar with the game of life. Hindi raw siya no’n type! Tse! At bakit? Hindi rin naman kita type! Nek-nek mo! Nagpapawis din ang kuyukot mo at sa maghapon ay amoy pwet din! “Pwede bang humingi rin ako ng opinyon kay pareng Dark? Kailangan ko itong ma-diagnose na husto kung hindi ba ako magkakasakit sa puso kapag pumasok ako rito.” Ngiwi ni Psyche habang nakatingin na naman sa mga papel na dinaig pa ang ginto. Ilang araw na niya iyong hawak at paulit-ulit na binabasa na halos makabisa na nga niya. Hindi kasi siya matahimik at nag-aagaw ang sistema niya. Natawa ang dalawa niyang kaibigan at nagkatinginan. “Kung sabi mo ay gwapo si kuya Lust, malamang hindi sakit sa puso ang makuha mo.” Ani Rissy saka nagkatawanan ang dalawa ni Catharine. “Ano pala?” inosenteng tanong niya. “Sakit sa puson!” sabay na sigaw ng mga ito at tumawa pa nang malakas kaya napangiti rin siya. Wala naman siyang regla para pagsaktan ng puson. Iiling-iling na uminom din siya ng juice pero halos mabilaukan siya nang makita niyang umiilaw na ang cellphone niya at nakarehistro roon ang pangalan at number ni Bianca. Tumatawag na naman ang babae at malamang na kukulitin na siya. Psyche abruptly picked up the phone and pressed the OK button. Inilapat niya sa tainga ang aparato pero hindi babae ang umere sa linya. “Have you made up your mind, Bridget?” anang malamyos na boses sa kabilang linya, malamyos pero maangas, makapangyarihan, mayabang. Si Lust. Bridget nang Bridget, sinabi na nga niyang Psyche siya. “Kuya!” bulalas niya sabay tutop sa bibig. Nanlaki ang mga mata nga dalawa niyang kaibigan at natigil ang mga iyon sa pagtabil. “Curse the fuck.” Mahinang usal ni Lust kaya napakurap ang dalaga. Bakit naman minumura siya ng lintik na mayabang niyang stepbrother? “Stop calling me, kuya. I am not your brother. If I will have damn choice other than you, I will not marry you.” Tahasang saad nito na ikinabwisit niya. Abat ang kapal ng pagmumukha ay ito naman ang nangangailangan ng tulong niya. “Huwag mo naman awayin, darling. She’s your only option. Be kind to Psyche. Minahal ko naman ang Papa niyan.” Boses iyon ng isang babae at alam ni Psyche na si Bianca iyon kaya kahit paano ay napangiti siya. Malambing talaga ang may edad na madrasta niya at totoong mabait na tao. “Labas ka sa usapan namin.” Ani Lust kaya napaangat ang mga kilay niya. Nagtatagalog ang damulag. “Sign the agreement by tomorrow and show your ass. We’ll fly back to Ireland and my lawyer will fix everything. Your papers are ready and if you will not sign our agreement, you have to pay me back. I’ve spent more than hefty sum of money to get you a Visa and all your papers.” Teka, teka! Nanigas siya sa kinauupuan at para siyang mamamatay. Anong bilis naman? Nakahanda na ang papeles niya at wala na siyang panahon na tumanggi pa? “Teka!” napahiyaw siya sa sobrang pagkabigla. Paano nito nahokus-pokus ang lahat? Nasa bahay lang siya at hindi nga siya lumalabas kahit na magtrabaho pa dahil nalilito siya sa nangyayari tapos ngayon lilipad na raw siya papuntang Ireland? Saan siya sasakay? Sa palapa ng niyog at kakanta ng, ‘A Whole New World’? “Ang bilis mo! Pakipaliwanag nga.” Masungit na turan niya sa stepbrother na parang tanga. Narinig niya ang makauyam na pagbuntong hininga nito at siya naman ay nagtitimpi. “Are you questioning me?” tila iritable ang tono ng boses nito kaya lalo siyang nainis. Karapatan niyang magtanong. “Yes I am questioning you.” Mataray na sagot ni Psyche at naghintay siya ng magandang paliwanag pero namayani lang ang katahimikan hanggang sa magsalita ulit si Lust. “And that means you’re not going to abide the rules. Okay then, pay me millions. I’ll find another woman.” Ano?! Gimbal siya sa sinabi ng binata. Anong milyonssss? Wala pa man lang siyang nasisimulan ay magbabayad na siya? “Have you read article three, lady?” anito kaya mabilis naman siyang bumusiklat ng mga papel na hawak. Natataranta niyang iniabot sa mga kaibigan ang bond papers. “Article three raw.” Bulong niya. Letse! Akala niya ay na-memorize na niya ang mga bersikulo ni Lord Lust iyon pala ay hindi pa. “Here!” abot ni Catharine sa kanya. Binasa niya iyon at laking nganga niya nang makita na nakalagay doon na matapos ang tatlong araw na maipaliwanag sa kanya ni Bianca ang lahat at wala siyang sagot ay automatic na ibig sabihin no’n ay payag na siya. Lust’s lawyer will now fix her papers so she’ll be able to fly to Dublin for an arranged marriage. If she will have a sudden change of mind at day four or five, she’ll have to pay Lust all the damages and that includes the time he spent, arranging the marriage with her. She’ll pay his daily wage, amounting to €3, 567. Agad na napakapit si Psyche sa upuan at pakiramdam niya ay mahuhulog siya roon sa pagkalula. Parang lumilindol kahit hindi  naman. Pusang ama! Pambili nga ng panty sa Divisoria ay wala siya, magbabayad pa ba siya ng ganoon kalaking halaga? Kaya naman pala ‘hi’ lang ay ipinagdadamot ng stepbrother niya dahil totoong mamahalin naman pala ang oras nito. Ang isang araw nitong sweldo ay halos umaabot ng dalawandaang libog piso, libong piso pala. Ano bang trabaho nito? Kinagat niya ang dila. Kung binabangungot man siya sana ay mahulog na siya sa papag at magkabukol para naman magising siya. Tuwang-tuwa pa naman siya nang magpakilala si Bianca sa kanya, apat na araw na ang nakalilipas dahil akala niya ay naalala siya ng madrasta at naisip niya na baka alukin siya ng magandang trabaho, inalok nga naman siya pero sablay. “What now?” untag ni Lust kaya napakurap si Psyche. Wala na siyang panahon pa para mag-backout. “I’ll sign the papers but I have to make my policies, too. I have the right to lay my grounds, too. It is my right, human rights! Women and children protection here in my country. Republic Act nineteen forgotten. You’re bribing me. I’ll call Mister Ombudsman to strangle your neck, kuya.” Nanapangiwi siya nang pagtawanan siya nina Rissy at Catharine. Kala nito ito lang ang marunong mag-Ingles? Wala siyang alam sa batas at ang kaisa-isang batas na alam niya ay ang tungkol sa Violence against Women and her Children. Malay ba niya kung applicable iyon sa ginagawa sa kanya ni Lust na pamimilit. Sa wakas ay natigalgal ang wais na binata kaya ngising demonyita siya. “Fine. Show me the papers and I’ll sign it if it will pass my terms. I’ll call you again.” Anito kaya ngumanga siya para magsalita pero namatay na ang linya. Ay ang bastos! Her bother has manners, bad manners!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD