“Liz, sa labas na lang tayo kumain tonight.” Kakatapos lang nilang magsex ni Jason nang mga sandaling iyon at kasalukuyan silang nagpapahinga nang humupa na ang pagnanasa sa katawan nila. Ilang araw na rin siyang nananatili sa bahay ni Jason. Kahit nga raw doon na siya tumira ay wala raw problema. Lalo tuloy siyang nagiging proud sa sarili niya dahil alam niyang nag-eenjoy si Jason sa kanya. Because if not, he wouldn’t let her stay in his house for long. Pero may bahay pa rin naman kasi talaga siyang inuuwian. Yon nga lang ay nandoon pa ang parents niya kaya ayaw pa muna niyang umuwi. Everyone in their house has been trying to contact her pero hindi niya kinakausap ang mga ito. She only exchanged some text messages with Yaya Dolor para makibalita kung nandoon pa sa Mansiyon ang mag