Chapter 46 ANNIE's POV: It's been three week since Zayrell died. Tatlong linggo na rin akong nanatili dito sa safehouse na dapat ay matagal na akong nakauwi. Pero dahil nalagay ulit sa alanganin ang buhay ko at muling dumugo ang aking tiyan ay hindi muna ako sinamahan ni Tristan na umuwi. Bagkus ay hinabaan niya ang pananatili ko rito. Siguro ay sa susunod na araw na ang alis ko kaya gusto ko nang sulitin ang mga oras na kasama ko ang binata. Kung tatanungin niyo kung nagkakausap pa kami ni Aeron matapos ng nangyari sa pinsan niya ay oo, nag-uusap pa rin kami. Pero hindi na gaanong matagal ang pag-uusap namin dahil alam kong nasa stage pa siya ng pagdadalamhati. Kaya kailangan niya pa ng sapat ng oras na mapag-isa. But we are still okay. Hindi naman daw siya galit sa akin dahil alam n