CHAPTER 57 ANNIE's POV: "Sige nga, ano ulit yung bilin sa'yo ni mommy?" bigkas ko kay Symon habang pababa na kami ng bundok. Alam kong sinusundo nila ako ni Aeron para lang sabay-sabay kaming mag-almusal. Ganyan ang nakasanayan naming tatlo nang sa gano'n ay hindi na hanapin pa ni Symon ang tatay niya. Madalas kasi ay napapatanong ang bata kung nasaan ang papa niya. Pero ang tanging naisasagot ko ay hindi mabuting tao ang kanyang ama at pinili nitong talikuran kami habang pinagbubuntis ko siya. Kasinungalingan man ang iba kong sinabi, pero hindi magbabago ang katotohanan na isa siyang masamang tao. "Ang bilin niyo po sa akin mommy ay huwag na po akong bumalik dyan sa itaas ng bundok," saad ng anak ko bilang pagsasagot niya. "Very good baby... Ayoko nang bumalik ka pa rito sa bundok h