CHAPTER 9 AERON's POV: "MAGANDANG dilag ang nakapasok kanina sa atin, boss. Ano bang balak mo sa babaeng 'yon? Hahayaan mo bang maunahan ka ng kaibigan mong si Tristan?" saad ng tauhan ko habang nag-iinuman kami sa mga oras na ito. Matapos na sunduin ni Tristan ang dalagang si Annie ay nakisali na lamang ako sa kanila sa inuman. Sa sobrang pagkainis ko ay dito ko na lamang ibubuntong sa pag-iinom ang aking emosyon. Hindi ko kayang pagsabihan si Tristan sapagkat malalim ang pagkakaibigan naming dalawa. Ayoko na dahil lamang sa babae ay magkaroon kami ng away. Kahit papaano ay marunong akong magpigil ng aking hilig. "Ano pa nga ba ang aasahan mo dyan kay Boss? Pagdating kay Tristan, tumitiklop 'yan. Mukhang natatakot na kalabanin ang lider ng ibang organisasyon. Palibhasa, mas matinik si