CHAPTER 31 AERON's POV: "Isang araw lang kayo sa Manila? Bakit naman pumayag ka kaagad na umuwi kayo, Zayrell?" bigkas ko sa aking pinsan matapos na kaladkarin ni Tristan si Annie papasok sa kanilang silid. Kaya naiwan kaming dalawa ni Zayrell dito at hindi ko na inaksaya pa ang pagkakataon na magtanong sa kanya... Kung kailan nasusulit ko na ang araw na kasama si Annie ay saka pa sila bumalik. "Masyado kasing pipitsugin si Senator, isama mo pa yung bodyguards na kasama niya lagi. Kaya ayon, napatay ko kaagad na walang kahirap-hirap," sagot nito na animo'y puno ng excited ang kanyang mukha. Pagtataka naman ang aking ipinukol sa dalaga... Sobrang kilala ko na siya kaya konting galaw niya lang ay amoy ko na kaagad na merong kapalit na sinabi si Tristan sa kanya kaya siya pumayag na umu