CHAPTER 20 TRISTAN's POV: TINAMAAN na nga ng kalasingan si Annie. Hindi niya na yata alam ang ginagawa niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagawa niyang inumin ang isang bote ng alak na malakas ang panama, isabay mo pa na merong drugs ito. Ganito kasi ang ginagawa ni Aeron sa mga babaeng nadudukot nila. Pinapainom nila ito ng alak na may halong droga para mawala sila sa tamang katinuan. At eto na ngayon ang nangyayari kay Annie, tumatalab na sa kanya ang epekto ng droga. Bakit ba kasi napaka-bilis ng kamay niya at halos itungga ang laman ng bote. Napapalunok na lamang ako ng laway dahil sa kakaibang kilos ng dalaga. Naghuhubad na siya sa harapan ko buhat ng init na kanyang nararamdaman sa katawan. Nilalamon na rin siya ng pagiging wild niya na tila hindi na nito makontrol